Ipinatawag nila Gray Ivan Silvan ang ibang mga nakakita sa katawan at ang mga kakilala nito. Pagkatapos ay dumating ang mga pulis. Binati nila ang isang nagnga-ngalang Inspector Dean.
"Hi Inspector Dean."
"Hello Amber."
At ngayon ay sinisimulan na nilang imbestigahan ang krimen at ganoon din sa side namin nila Gray Ivan Silvan.
"Ang pangalan ng biktima ay Luis Medrano. Isang Grade 11 ICT student." Ang sabi ng isang pulis.
Pagkatapos ay ipinatawag ng Inspector isa-isa ang mga nakakakilala dito. Mayroong lumapit na limang tao, dalawang babae at tatlong lalaki.
"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ng Inspector sa isang babae.
"Ako po si Vanessa Realista, pinsan ni Luis."
"Ikaw naman?" Sabay turo naman sa isa pang babae.
"A-ako po si Ayesha Medrano, kapatid niya." Sagot nung isang babae referring doon sa patay na lalaki.
"At kayo naman?"
"James Atanasio po."
"Jaime Go po, Inspector."
"Renz John Pablo, sir."
"Ano ang koneksyon niyo sa biktima?"
"Mga best friends po kami ni Luis Medrano, Inspector." Sagot ni Renz
"Wala ba kayong kilala na nakaaway o nakaalitan ni Luis?"
Umiling lang silang lahat bilang sagot.
"Argh, mahihirapan tayo nito." Reklamo ni Inspector Dean.
Tapos ay may lumapit sa amin na isang pulis at may ibinigay na isang papel na nakuha daw sa bulsa ng polo biktima. Kiunuha iyon ni Inspector Dean at binasa. Pagkatapos ay ibinigay nila iyon kila Amber at Gray Ivan Silva.
"Anong klaseng code to?"
Lumapit ako para tingnan kung anong klaseng code ang tinutukoy ni Amber. Tinanong ko kung pwede ko bang makita ang code.
93302777330666669077778277784446641101102155121047774446
At sa unang tingin palang, alam ko na kaagad kung anong klaseng code ang ginamit.
"Alam ko ang code na yan." Sabi ko. Pagkatapos ay tumingin silang lahat sa akin.
"Yan ang Numeric Keypad Code."
"Ano? Numeric Keypad Code?"
"Kumuha kayo ng numeric keypad na cellphone at ipapakita ko sa inyo ang sinasabi ko."
"Anong numeric keypad na cellphone?" Nagtatakang tanong ni Math.
"Basic phone."
"Ah, okay na gets ko na." Sabi niya habang nakataas ang isang daliri.
Pagkatapos ay may isang pulis ang nag-abot sa akin ng isang numeric keypad na cellphone, o basic phone.
"Teka, paano mo ba muna nasabing yang code na tinutukoy mo ang code ngang iyan?" Nag-aalinlangang tanong ni Amber.
"Kasi alam ko kung paano gumawa ng ganiyan. Bata palang ako, binibigyan na ako ng mga magulang ko ng ganiyang codes para ipahanap sa akin ang mga regalo ko noon. At para makasiguro kayo na tama ako, subukan ninyo ang lahat ng codes na alam ninyo para ma-decode yan."
"Sige na, naniniwala na kami sa iyo Helio. Ngayon paano maide-decode 'yan?"
"Ganito, sa number 9, ang pinaka unang letra ay w. At ang tatlong number 3 kapag pinindot mo ng tatlong beses sa basic phone, letter e ang lalabas. At ang number 0 ay nangangahulugang space."
Pagkatapos ay hiniram nila ang basic phone sa akin at hinyaan ko silang i-decode ang code na ibinigay. Alam ko kung paano i-decode ang code, pero hindi ko kaagad mababasa iyon hangga't hindi naide-decode.
Nang matapos na nilang ma-decode ang code, tinanong ko sila kung ano ang mensahe ng code.
"We are now starting 11 11 a1k1a1 grim." Sabi ni Amber.
"Huh?"
"Iyan ang lumabas sa code na itinuro mo. Siguarado ka bang Numeric Keypad Code yan?" Sabi Ni Gray Ivan Sivan.
"Oo, sigurado ako. Baka mali kayo ng pagkaka de-code kaya ganiyan." Wika ko.
Pagkatapos ay hiniram ko ang basic phone at ako ang nagde-code. Humingi ako masusultan para maipakita ko sa kanila ang tunay na mensahe ng code. Nang made-code ko ang code, nagulat ako sa mensahe ng code.
"Oh anong lumabas sa de-coding mo?"
"We are now starting, 11 a.ka. grim." Pagbasa ko sa harap nila at hiniram ang papel na nilistahan ko.
"Paanong naging kuwit, number eleven, at tuldok yung mga number one?" Tanong ni Puns guy.
"Ah, ok na gets ko na." Sabing muli ni Math.
"Paano mo na gets, Maya?"
"Ang number one kasi sa basic phone ay ang symbols. Kaya kapag pinindot mo ang number one, tuldok ang lalabas. Kapag dalawang beses, kuwit. Pero ang hindi ko maintidihan ay yung number eleven."
"Tama si Math. Kapag pinindot mo ang number one ng isang beses, tuldok ang lalabas. At kapag dalawa, kuwit. At kaya number eleven ang nakalagay sa decipher ko, kasi malabong maging kuwit din iyon kasi may space. Kaya naisip ko na number eleven iyon."
Pagkatapos ng paliwanagan ay bumaling si Insppector Dean sa mga person's of interest.
"May alam ba kayo tungkol sa number eleven or grim?"
"Wala po kaming alam, Inspector." Sagot ni Renz. Dahil umuling din yung dalawang lalaki.
"Kayo?"
"Wala din po akong alam."
"Ako din po, wala."
Pagkatapos ay minamasahe ng Inspector ang ulo niya.
"Mahihirapan tayo ng sobra dito. Walang kahit na sino ang may malinaw na motibo para gawin ito."
Talagang walang malinaw na motibo sa pagpatay kung ang pagbabasehan ang ay ang biktima at ang mga kaibigan niya at kamag-anak niya. Dahil ang mensahe ng code ay para sa akin. Ang ibig sabihin lamg nito ay nagsisimula na silang kumilos.
"Ayos ka lang Helio?"
"Oo Amber, ayos lang ako."
"Para kasing sobrang lalim ng iniisp mo diyan."
"Medyo. Iniisip ko kasi kung sino o kung sino-sino ang gumawa nito, ano ang dahilan, at kung paano niya o nila nagawa ang ganitong klase ng krimen."
Ang totoo ay alam ko kung sino ang mga gumawa nito, at kung paano nila ginawa ang krimen. Ang hindi nalang maliwanag sa akin ay kung bakit nila pinatay ang lalaking ito.
Dahil sa blanko pa din ang mga pulis, gayundin din ang Detective Triumvirate plus One, at ako, pinaalis na muna ang lahat para umuwi sa kani-kanilang mga tirahan o dorm. Matapos no'n ay nagpaalam na ako sa kanila para umuwi sa tinitirahan kong condo na hindi kalayuan sa Briddle.
Magre-research ako tungkol sa lalaking iyon at kung bakit siya pa ang pinili nilang gawing target. Nagsisimula na silang kumilos, kaya dapat ay maging mas alerto ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/186905050-288-k427963.jpg)
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...