Chapter 22: Missing

10 1 0
                                    

Grim a.k.a. 11 POV

Na-miss ko ang simoy ng hangin dito sa Bridle. Na-miss ko ang dati kong dorm room, ang mga facilties, at ang cafeteria. Na-miss ko din ang ilang mga mukha, lalong-lalo na si Mathilde Corazon.

Medyo nakakapanibago lang ang tingin ng mga tao sa akin ngayon. Kung noong unang lipat ko dito, parang wala lang ako. Parang isang hangin na hindi nakukita. Pero ngayon, sinusundan nila ako ng mga tingin at halos mabali na ang mga leeg sa paglingon. At literal din nila akong sinusundan. Binabati ng magandang umaga, maraming nakikipag kilala at nakikipag kaibigan. Pero hindi sila ang mga gusto kong makilala, may ibang mga tao akong gustong makita.

Nang marating ko ang tapat ng pinto kung saang room ako naka-assign, sinimulan na ng guro ang pagtawag sa akin.

"Okay class, again, we have student transfer here. I want you to be nice with her." At pagkatapos no'n ay pumasok na ako.

Pinilit kong hindi lumingon sa mga upuan para hindi ko kaagad makita si Math. Baka kasi bigla akong makaramdam ng nerbiyos at iba ang masabi ko sa harapan. Importante ang kailangan kong gawain nagyon at ayaw kong masira ng dahil lang sa nakita ko siya.

"Hi, I am Alexandra Faden. You can call me Alex or Dra for short. Nice to meet you." Pagkatapos ay nag-bow ako sa kanila at binigyan ko sila ng isang napaka-tamis na ngiti. "And I hope that I'm welcome here."

Tama kayo, ako nga si Alexandra Faden. Ang fresh new transfer sa Bridle.

Naghiyawan ang lahat ng lalaki at sinabing welcome na welcome ako sa klase nila. Sila Gray at Jeremy naman ay nakatulala at nakangangang nakatitig sa akin.

Wala ng bakanteng upuan sa room kaya sinabihan ako na pwede akong kumuha sa stock room. Pero bago pa man ako makapag lakad palabas, nag-uunahan na ang mga lalaki sa pagbo-boluntaryo sa pagkuha ng upuan ko.

Mga malalanding lalaki.

"Salamat sa pagbo-boluntaryo ninyo, pero kaya ko na ito." Ang sabi ko at ngumiti. At pagkatapos ay lumabas ako.

Hindi ko na kailangan pang magatong-tanong dahil alam ko naman kung nasaan ang stock room. Pero nakaka-asiwa lang ngayon kasi ang daming lalaki na nagpapakilala sa akin. Pagdating ko sa stock room, kaagad akong nakisuyo ng isang upuan sa bantay. Agad naman niyang siyang kumuha ng upuan, pero nainis ako sa ginawa niya ng huli. Binigyan niya ako ng isang flying kiss at kinindatan. Ginantihan ko din siya ng flying kick sa mukha. At pagkatapos ay bumalik ako sa room namin.

Pagbalik ko sa loob ng room, tasaka ko lang napansin na wala na pala akong mapu-puwestuhan. Mukhang napansin iyon ng guro namin kaya tinanong niya ako.

"Ms. Faden, bakit parang may hinahanap ka?"

"Uhm, Ma'am, a-ano po kasi eh, wala na po yata akong mapu-puwestuhan. Lipat nalang po ako siguro sa ibang-"

"Huwag!"

Nagulat si ako ng sumigaw ang mga lalaki ng huwag ako lilipat. At dahil sa pagsigaw nila, tiningnan kami ng ilang guro at mga estudyante mula sa magkabilang room na katabi namin.

"Huwag kang lumipat please?"

"Dito ka nalang Alexandra, 'wag mo kaming iwan."

Sorry boys, but I'm here to ruin your dreams. Becuase I am your worst nightmare.

Pagkatapos ay sumang ayon ang lahat na huwag akong lumipat ng ibang section. Maraming lalaki ang tumayo at inialok ang mga upuan nila. Pero tinanggihan ko sila.

"Pasensya na, pero hindi ko gustong mawalan kayo ng puwesto dito."

Pero nagmatigas pa din ang mga lalaki at ipinipilit umupo ako sa puwesto nila. Sorry guys, hindi kayo ang gusto kong katabi.

Bigla akong nagulat ng magboluntaryo si Math na sa kanila nalang ako tumabi. Thank you so much destiny dahil siya mismo ang nag-alok na tumabi ako sa kanila at pumayag ang guro namin sa suhestyon ni Math.

"Hi Alexandra!" Unang bati ni Math sa akin.

"Hello." Ang bati ko sa laniya pabalik at binigyan ko siya matatamis mga ngiti.

"Salamat sa pagboboluntaryo mo na dito ako umupo, ate."

"Wala yun. Ako nga pala si Mathilde Corazon, Math for short." At pagakatapos ay iniabot ni Math ang kamay niya sa akin at tinanggap ko din ito.

Grabe! Hindi ko alam na ang isang katulad ko na pinalaki bilang isang malupit na Reaper ay kikiligin ng ganito dahil sa isang babae.

"Ito naman pala sila Gray, Amber, at Jeremy."

"Hi!"

"Hello,"

"Hello Angel," ang sabi ni Jeremy at pagkatapos ay iniabot ang kamay niya.

Nice try Puns Guy.

"Nice to meet you too, Jeremy." At pagkatapos ay tinanggap ko ang kamay niya at diniinan ang paghawak kaya napahiyaw si Jeremy sa sakit.

Biglang napahinto sa pagsusulat sa white board ang guro namin at napatingin sa side namin,at ganoon din ng mga kakalase namin.

"Sorry po sa abala. It's my fault." At muli kong inilabas matamis na ngiti.

"I'm so sorry, Jeremy. Hindi ko gustong saktan ka. Pero nagkukusa ang mga kamay ko na manakit ng mga hokage at breezy."

"Hindi naman ako hokage ah?"

"Eh ano ang ibig sabihin mo sa  'hello angel' mo?"

"Sinabi ko lang iyon kasi ang akala ko ay anghel ka, iyon pala amazona ka."

No, no, no Puns Guy. Hindi ako amazona, demonyo ako.

Siniko naman siya ni Amber sa tagiliran. Mukhang malakas at masakit ang pagakakasijo ni Amber dahil napangiwi si Jeremy.

"Ano ka ba naman Je, masakit para sa isang babae na tawaging amazona."

"It's okay Amber, sanay na ako sa mga ganiyang tawag. Actually sa previous school ko, Orange Demon ang tawag nila sa akin. Kaya no need to worry Amber kung ano man ang itawag sa akin ni Jeremy." At muli kong ipinakita matamis na ngiti.

Napansin kong parang hindi nila kaklase yung mga gustong ipatrabaho sa akin ng God Father. Pero hanggang nagyon ay palaisipan pa din sa akin kung bakit sila gustong ipatrabho sa akin. Pwede naman kasing ang mga Phoenix nalangang gumawa nito, pero bakit ako nilapitan ng God Father? At siya pa mismo ang personal na nanghingi ng request. Kailangan kong makilala ang mga bagong targets ko.

-/-/-/-

A/N:

Kung medyo naguguluhan po kayo sa chapter title, double meaning po kasi yan. Ang una ay nami-miss ni Helio a.k.a. 11 ang Bridle. At ang ikalawa, missing in action ang mga targets niya. Iyon lang po, happy reading! :)

-Walang Tulog II

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now