Chapter 6: Potential (part 1)

12 1 0
                                    

A/N: Ang timelune po nito ay ang araw ng birthday ni Athena or Sweet Vander Morisson.

-/-/-/-

Ryu Vander Morisson 😈

Habang nakaharap sa laptop ko, may biglang kumatok sa pintuan ko. Pinapasok ko siya, at nagulat ako ng si Mom ang pumasok. Agad kong isinara ang laptop ko dahil baka makita ni Mom ang surprise present ko sa kaniya.

"Ryu, okay lang bang sunduin sila Amber at Gray sa school nila. You it's my birthday today, and I want Amber here, with us. Kaya puwede ba?"

"Okay Mom, as you wish."

Pagkatapos ay humalik siya sa pisngi ko at nagpaalam sa akin. Hindi ako makatanggi dahil si Mom mismo ang nagsabi, pero kung si Cooler lang ang nagsabi, bahala siya sa buhay niya.

Nang makalabas si Mom sa kwarto ko ay muli kong binuksan ang laptop ko at muling binalikan ang diamond necklace na nakita ko online. Umorder ako at sinabing pi-pick up-in ko mamaya ang order ko sa kanila. Pagkatapos kong ma-order ang necklace, lumabas na ako ng kwarto para pumunt sa isa ko pang kwarto kung nasaan ang mga damit ko. Pagkabihis ko ay bumaba ako para hanapin si Cooler.

"Cooler,"

"Bakit Ryu?"

"Samahan mo akong sunduin ang kapatid mo at si witch sa school nila."

"Hulaan ko, si Tita Sweet ang nag-utos ano?"

"Sino pa nga ba?"

"Saglit lang at magpapalit lang ako ng damit ko."

Pagkatapos ay tumayo si Cooler sa kinauupuan niya at umakyat sa kwarto niya para magbihis. Nang makababa na ito, dumiretso na kami sa sasakyan niya at nag-drive papunta sa Briddle.

Pagdating namin sa Briddle, may mga pulis mobile ang nakaparada sa gilid. Hindi na namin pinansin iyon dahil may mga pangyayari na ding ganito dati. At ngayon ay tinatawagan naman ni Cooler si Amber.

"Hello Amber,"

"Pinapapunta kayo ni Tita Sweet sa mansion para sa birthday niya ngayon."

"Bye Amber."

Tapos ay ibinaba na ni Cooler ang phone niya. Ilang minuto na kaming nag-iintay dito at wala pa din ang witch na iyon. Dahil sa nainip na ako ay hiniram ko ang phone ni Cooler.

"Bakit Ryu? May dala ka namang sariling phone ah, bakit kailangan mo pa ang sa akin?"

"Alam naman nating parehas nakapag ako ang tumawag kay Amber, ibaba niya 'yon. Kaya pahiram na ako ng phone mo."

"Pero sigurado na kapag naribig palang niya ang boses mo, ibaba na kaagad niya." Tapos ay inaabot niya ang phone niya sa akin.

I-dinial ko ang number ni Amber. At di nagtagal ay sinagot din niya ito.

"Oo Cooler paba-"

"Hello witch,"

"Ibigay mo nga kay Cooler yang phone niya. Wala ako sa mood ngayon para makipag asaran sa'yo devil."

Hindi na ako nakapagsalita dahil inagaw na mismo ni Cooler ang phone niya sa kamay ko.

"Hello Amber,"

"Huh? Pero kasama ko si Ryu."

"Wala siyang sasakyan."

"Si Ryu talaga ang inutusan ni Tita, hindi ako. Isinama lang ako ni Ryu. Pero sige, sasabihin ko sa kaniya."

Pagkababa ni Cooler ng phone niya ay bigla siyang huminga ng malalim.

"Ryu, kung pwede daw mag-isa ka nalang umuwi. May kasama daw kasi silang bagong kaibigan."

"Mabuti pa nga, at baka masakal ko lang si witch kapag nakita kami."

Naglakad ako palayo kay Cooler para mag-abang ng taxi. Hindi nagtagal ay may taxi na tumigil sa harapan ko at sumakay ako. Nagpahatid ako Jewel's Jewelry Shop. Pagpasok ko sa loob ng jewelry shop ay agad na nilapitan ako ng isang babaeng staff.

"Hi sir, good morning! How may I help you Sir?"

"Naandito ako para pick-upin ang inorder kong diamond necklace kanina."

"Ganoon po ba sir? This way po sir."

Sinundan ko lang ang babaeng staff at dinala ako sa isang maliit na kwarto kung nasaan ang iba pa nilang mga alahas. Pinaupo na muna niya ako sa couch at sinabing maghintay lang saglit at tatawagin niya ang manager.

"Good morning sir,"

"Hello,"

"Umorder daw po kayo ng diamond necklace kanina?"

"Oo,"

"May I see the official receipt, sir?"

"I ordered it online,"

"Oh, ano po pala ang order number ninyo?"

"Order number?"

"Yes sir, ang order number po ninyo."

"Anong order number? Wala naman akong nabasa na order number kanina."

Pagkatapos ay ipinaliwanag sa akin ng manager kung ano ang order number. Sinabi kong hindi ko saulado pero nasa account ko ang number. Pinayagan nila akong gamitin ang computer nila at binuksan ko ang account ko. Nang ma-verify na nila ang order number ko, inilabas na nila ang order kong diamond necklace. Sinuri ko ito ng mabuti para masigurong tunay at walang damage. Pagkatapos kong suriin ay binayaran ko na ang order ko.

Habang nasa loob ng taxi pabalik sa Vander Mansion, muling tumawag si Mom.

"Yes Mom?"

"Son, pwede bang papuntahin mo din magandang babae na lagi mo kasama?"

"You mean Lemon Pi?"

"Yes son. Gusto ko din siyang i-invite para sa party mamaya."

"Okay mom."

Bakit ba lahat nalang babaeng ayaw ko sa akin nalang ipinapa-invite? Nandiyan naman si Zywon. Nako wala nga pala kasi nasa Athena pa siya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tawagan si titless.

"Titless,"

"Bakit rocket? Maniningil ka na ba ng utang mo?"

"Sa ibang araw nalang titless, pero may sasabihin ako sa'yo ngayon,"

"Ano yun rocket?"

"Pinapapunta ka ni Mommy mamaya sa Vander Mansion para sa birthday party niya."

"Nandoon ba si Cooler, my baby?"

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at binabaan ko siya ng linya. Lagi nalang si Cooler ang hinahanap niya. Hindi naman sila bagay at hindi ko hahayaan ang pinsan ko na magkagusto sa isang drug addicted psycho.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong ibinigay ang surprise gift ko para kay Mom. Masayang-masaya siya sa regalong ibinigay ko sa kniya. Sinabi kong magpapalit lang muli ako damit. Pagbaba ko ay nakita ko na sila Amber at Gray kasama ang isang lalaki.

"Hey witch,"

"I told you devil, I'm not in the mood right now. Kaya imbes na asarin mo pa ako Ryu, mas mabuting tawagin mo nalang si Mommy."

"By the way Helio, siya nga pala si Ryu. Ryu, the devil."

"Hello, Mr. Ryu."

"Hello din Helio."

"Nasaan ba si Momm- MOMMY!"

"Sweetie!"

Nang magkita sila ay nagyakapan sila ng mahigpit. Naiintidihan ko Amber kung bakit nalang sobrang higpit at sobrang sabik siyang makita si Mom.

"By the way Mom, this is Helio. New classmate ko at new friend na din."

"Hello po, ma'am."

"Hello din sa iyo. My name is Sweet."

"Ang ganda naman po ng pangalan ninyo, kasing ganda at kasing sweet po ninyo."

"Kumain naba kayo? Kumain na muna kayo sa kitchen."

"Okay Mom."

Pagkatapos ay dumiretso na sila papunta sa kitchen. Ako naman ay dumiretso sa balcony kung nasaan si Cooler.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now