Stella's POV
Malapit na mag 10, wala parin si Julia. Hindi na siguro darating yun, may usapan kasi kami kanina na gagawin namin yung research paper namin. Hay, bukas nalang. Wala namang klase.
KINABUKASAN
Nasa bahay kami,
"Pasensya na, nawala talaga sa isip ko. Pagod na pagod kasi ako kahapon dahil sa program." Paliwanag nya. She looked really guilty about it tho. Nakakaawa yung mukha nya.
"Okay nga lang, sige na. I-print mo na tong survey."
"Eh galit ka parin sakin eh." Sabi nya habang nilalapit ang mukha nya sa mukha ko. Parang bata to.
"Hindi nga. Ang drama mo, print mo na yan." Sabi ko at bahagyang tinulak sya palayo. "Cr lang ako."
Tiningnan ko lang ang sarili sa salamin. Hindi naman talaga ako galit sa kanya, nagtatampo lang ako kasi I expected her to come. Pagod rin naman ako ah. Pareho lang kami, atleast naman nag-chat sya sakin na di sya makakarating.
Lumabas ako at nakita syang nakatunganga lang habang hinihintay na ma print ang survey questionnaires. Napaka inosente ng mukha nya. Parang koreanang gutom.
Napangiti nalang ako habang tinitingnan sya nang biglang napansin nya ko,
"Oh? Anong nginingiti ngiti mo dyan?." Tanong nito.
"Ang cute mo kasi."
"Huh?."
"Ah-wala wala akong sinabi. Tuloy mo na nga yang pagpiprint."
"Wala daw, counted parin yung cute."
"Narinig mo pala, ba't ka pa nagtatanong?."
"Hindi kasi ako makapaniwala na tinawag mokong cute." Sagot nito tila nahihiya pa.
"Alam mo, mukha kang kamatis haha."
"I'm not blushing."
"Wala akong sinabi, assuming ka ah-"
"Edi mukha ka ring mais."
"Huh? Haha bakit mais?."
"Ang sarap mong papakin." She seductively said biting her lower lip. Gosh Julia, stop it.
YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...