Stella's POV
Hindi parin matanggal sa isip ko na di ako kayang tanggapin ng sarili kong kapatid.
KINABUKASAN
Wala ako sa mood. Nakasakay na kami sa bus at katabi ko ngayon si Anne.
"Kanina ka pang wala sa mood, ano bang nangyari?." Nag-aalalang tanong ni Anne.
"Masama lang pakiramdam ko."
"Eto, gamot. Inumin mo na agad." Biglang may nag-abot sakin. Lumiwanag nalang ang mukha ko nang makitang si Julia pala. Thoughtful talaga to. At bumalik na sa kinauupuan niya sa bandang harapan namin.
"Girlscout si crush ahh." Pagpaparinig ni Chel.
Ininom ka na ang gamot at di nalang siya pinansin. Kaya buong byahe, sila lang ni Katrina ang magkausap.
..
Katrina's POV
Pagdating namin dun, wow sobrang ganda ng beach at ng buong lugar. In-explain ng isa sa mga madre na magkaiba ang lugar kung saan magsisistay ang girls and boys. Medyo malayo yung sa boys at di sila pwedeng pumunta sa amin.
Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa kwarto namin at inayos ang mga dala naming gamit which is karamihan samin nasa isang parehong room. Namili narin kami ng hihigaan.
Lumabas kami ni Chel muna para mag-usap.
"So, pareho lang pala tayo ng iniisip."
"Alam mo, naaawa nako kay Carlo. Kung di lang talaga natin kaibigan si Stella, matagal ko nang sinabi kay Carlo ang totoo." Sabi ni Chel.
"At kahit wala pang inaamin satin si Stella, alam ko. Something's going on, and base sa nakikita ko she's slowly falling for Julia."
"Anong slowly falling? Hulog na hulog na yung kaibigan natin. Mygosh, sa dinami dami ba namang lalaki dyan na gwapo at matino, babae pa yung napag-intirisan ni Stella. Like, weird. Tbh ayoko ng kaibigang tibo no. Nakakahiya."
"Lalo na ako. Nakakadiri kaya no. Alam mo bang pinagdarasal ko lagi na mawala na yang kahibangan ni Stella at magkagusto nalang sya sa lalaki, tapos ending ginamit niya lang pala si Carlo para pagtakpan ang pagkatao nya.."
"Anong sabi mo?." Nagulat kami nang makitang nasa likod lang pala namin si Anne, kabadong-kabado na kami.
..
Stella's POV
Habang inaayos ko ang higaan ko, nakuha ng attention ko si Julia at Kirsten na nagkukulitan sa higaan nila since connected yung beds nila while sakin pang solo lang.
I swear, ang sarap na nilang sabunutan at balatan ng buhay. Akala ko si Vish lang, may isa pa palang asungot. Kaya para iwasan na makapag-isip pako ng masama, lumabas nalang ako ng kwarto at bumaba sa may dining/event hall at kumuha ng tubig. Sobrang init kasi ng panahon.
..
Anne's POV
"..hindi nakakatawa girls ah. Where's the camera? You know this prank isn't funny."
"But it's the truth. Stella's gay, and she likes Julia. Pero di nya matanggap yun kaya she's using Carlo." Chel explained.
"I trust Stella, hindi sya ganun. She's our friend, walang tibo sa group natin okay? Babaeng babae yung dalawang yun kaya impossible--"
"That doesn't prove the fact that they're straight, because they're really not. Marami nang feminine lesbos ngayon Anne." Katrina pushed.
"Tumigil na kayo. At saka, wala naman kayong ebidensya sa pinaparatang nyo kay Stella eh. Kaya stop it na girls kasi di maganda na nambibintang kayo sa sarili nyong kaibigan." I said calmly at nag-walkout na.
I can't believe how immature they are.
FF
Kumakain na kami ng dinner, katabi ko ngayon si Stella at walang ni isa sa grupo ang nagtangkang magsalita.
May pinagsasabi pa yung pari about sacrificing a lover for family.
"So Stella, kailan mo balak sagutin si Carlo?." Tiningnan nya lang ako tila kabado.
"Wala akong balak sagutin sya." She blurted. I saw Chel and Katrina both smirking. That doesn't prove them to be right.
"H-huh? Bakit?."
"Napag-isip-isip ko na kasing wala namang patutunguhan to, I can't force myself to like him."
"So anong balak mo?."
"Sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Ayoko syang saktan. Kaibigan parin natin si Carlo."
"So that means aamin ka narin kay Julia?." Sabi ni Chel na kinagulat ni Stella.
"A-ano bang pinagsasabi mo?." Kabadong tanong ni Stella.
"Alam na namin Stella. Alam na namin na gusto mo si Julia, and to be honest? Hindi kami sang-ayon sa ideyang yan. Like come on, nakakahiya." Sabat naman ni Katrina.
Natahimik si Stella at napayuko.
"Stella, please tell me they're lying. Diba? Hindi ka naman tibo? Stella, talk."
At nang tingnan nya ko ng diretso, kitang kita sa mga mata niya ang takot.
"I'm sorry." Yan nalang nasabi nya.
"Ka-kailan pa?."
"Hindi ko alam, basta nangyari nalang. And believe me, I tried to stop this feeling I have for her. I understand Anne, I understand kung hindi nyo rin ako kayang tanggapin gaya ng ate ko."
"Alam na ng ate mo?."
"I told her last night."
"You know what, Stella. Hindi madali samin to. First, niloko mo kami, and niloko mo si Carlo. We felt betrayed. And I'd be honest with you, I don't think I could ever trust you again. Hindi ako nasisiyahan na you're actually falling for a girl. I mean, ano bang nakain mo at bigla bigla kang naging tibo?. Because hindi yan yung nakilala naming Stella Del Mundo."
"Kung hindi nyo ko kayang tanggapin, fine. I understand. Gaano ba talaga ka laki ng kasalanan ko? Girls, nagmahal lang ako. Ako parin to. Naging kaibigan ko ba talaga kayo?." Stella said, naiiyak na nga sya eh. Pero di ko magawang maawa sa kanya.
"We're your friends at ayaw ka namin mapunta sa impyerno dahil lang sa kahibangan mo sa babaeng yun. She's not worth it Stella." Sabi ni Chel.
"Seriously? Going to hell because of loving someone?. Ewan ko ha, pero kayo ang nahihibang dito. I don't care kung ayaw nyo nakong maging kaibigan because ganito ako, baka naman kasi iniisip nyo na I'd take advantage on you GIRLS. And let me tell you what, hindi ganun yun." She finally said at nag-walkout.
..
Julia's POV
"Anong nangyari dun?." Sabi ni Kirsten.
"Sino?."
"Nag-walkout si Stella, parang wala ata sa mood." Sabat naman ni Vish.
"Pansin ko ha, kanina pa syang umagang ganyan. Ano kayang pinagdadaanan nun?." Dagdag pa ni Ella.
"Wala ba siyang sinabi sayo Julia?." Tanong ni Vish.
"Wala. Eh di naman kami nag-uusap nyan masyado lately, at saka may isa pang asungot na panay punta sa bahay ang pinoproblema ko ngayon."
"Sino?." Tanong ni Kaye.
"Sino pa ba? edi si Dennis Wong." Sagot ni Vish.
"Diba boyfriend mo yun Julia?." Takang tanong ni Doreen.
"Malapit nang hindi, kasi magpapakasal na rin mga yan eh haha. Punta kayo ah." Biro ni Vish, hinampas ko nalang sya.
"Swerte mo pag nagkataon." Sabi pa ni Kaye.
Anong swerte dun?
Nagtinginan nalang kami ni Vish. Kung alam lang nila.

YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Fiksi RemajaStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...