CHAPTER 15

82 3 0
                                    

Julia's POV

Sa kasamaang palad, kasabay namin sa pagkain ngayon ang gagong si Dennis Wong.

"Iho, naghiwalay na pala yung mga magulang mo ano?." Panimula ni Mama.

"Opo. Last 2 years pa,pero they haven't filed for an annulment yet. Kasi pag nangyari yun, magiging illegitimate children na kami ng mga kuya ko. And mom still believes na babalik pa si daddy. But I don't think so." Hindi ko alam to ah. May pinagdadaanan din pala tong gagong to. Tanga naman Julia, sino bang walang pinagdadaanan?.

"Bakit ba sila naghiwalay ulit?." Mama asked again.

"Dad had an affair with another woman." Sagot niya.

Katulad lang din ng storya sa buhay ni Stella. I wonder how she is feeling right now. I hope okay na sya. I miss seeing her smile.

Gosh, akala ko ba you don't like her like that? Bakit mo sya iniisip ngayon?.

FF

Nagrereview nako for the exam nang biglang pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Can we talk for a second?."

"Of course ma. About what?."

"Binabawi ko na yung sinabi kong gusto ko si Dennis for you. Based on his family background, nagbago yung isip ko. Alam mo na, baka gawin rin nya sayo yung ginawa ng Daddy nya. I know this sounds ridiculous pero mas mabuti na yung maingat. At mga bata pa kayo naku." Actually, yun talaga yung ginawa nya sakin. Pero buti naman at may kasama na akong against sa idea about Dennis and I being together. "Pero kung mahal mo talaga sya--" she said in Chinese.

"No ma, I understand. Yun lang po ba?. Kahit nga sabihin nyo sakin na hiwalayan sya, payag ako agad eh. Syempre, it's also important to honor your parents' decisions because they won't ask something bad to happen for their children."

"Thank you. Yun lang anak. Sige, ituloy mo na yan. Goodnight." Saka lumabas na.

KINABUKASAN

May group activity kami sa economics and kasama ko si Carlo. Sinusulat pa yung magiging report namin, samantalang tinutulungan naman ako ni Carlo sa pagsesketch ng ibang visual aids namin.

"Julia, alam kong hindi naging maganda ang kinalabasan samin ni Stella, pero that doesn't mean na hindi mo narin siya kakaibiganin." He told me, ang bait talaga nito. Hay kung alam mo lang.

"What do you mean by that?."

"Kasi, napapansin ko lang na hindi na kayo tulad nung mga nakaraang araw. Bakit ba parang pakiramdam ko nag-iiwasan kayo?."

"Hi-hindi ah. Medyo busy lang talaga kami pareho."

"Sana nga totoo yan, kasi pag nalaman ko na naririsk narin ang friendship nyo dahil sakin--"

"Naku naku, wag mong isipin yan. O-okay lang talaga kami. Wala kang dapat ipag-alala." I hate lying pero kailangan eh. Hindi ko kayang saktan si Carlo.

"Sigurado ka ah? Basta, kahit na nasaktan nya ko ng sobra wag kang magagalit sa kanya. Maging friends kayo, yun lang ang gusto ko."

"Of course, walang problema yun."

"Sya nga pala, may lalaki bang nababanggit si Stella sayo nun?."

"Wa-wala naman, bakit?."

"Gusto ko lang kasing malaman kung sino ang gagong yun. Kasi pakiramdam ko na nasa section natin sya. Nakakainis lang kasi alam nyang nililigawan ko si Stella tapos tatraydorin nya ko ng ganito."

Hopefully Meron (GxG)Where stories live. Discover now