CHAPTER 11

93 2 0
                                    

Julia's POV

Sa wakas natagpuan ko narin si Vish, nasa CR lang pala sya. Kinuha ko agad yung binili kong sanitary napkin sa loob ng bag ko. At inabot na sa kaniya.

She's on her period kasi today, biglaan lang din.

Nang biglang kriiiing!

..

Stella's POV

"Pasalamat ka, you're saved by the bell. Hanggang sa muli my dearest friend." Huling sabi ng gaga. Wow ha. Kaibigan ko ba talaga to?!.

Nagsipasok na kami sa room at kakalabas lang ni Vish sa CR na parang hinihintay sya ni Julia at nagsiupo narin sila. Another boring class hours na naman.

FF

Pauwi nako nang bigla akong hilahin ni Chel sa gilid.

"I won't tell anyone for now, because hindi parin ako sure on what's really going on. Pero once nagkamali ka, sorry. Someone else had to know." Babala nya.

"Chel, di kita maintindihan."

"Not yet, kasi for sure di mo pa natatanggap sa sarili mo. Stella, magkaibigan tayo pero I can't believe na kaya mong manakit at manggamit ng ibang tao just to escape your true self." Sabi nya at tuluyan nang umalis.

Napaisip ako, di kaya...

FLASHBACK

Wait, sino bang madalas mong kasama o kausap ngayon? Chill ka lang sis haha wala kang sakit. YOU'RE JUST IN LOVE.

Napadilat nalang ang dalawa kong mata ng mabasa yun.

--

"... Di mo pagsisisihan pag binigyan mo sya ng chance. Kasi pag nangyari yun, ako yung magiging pinakamasayang kaibigan sa buong mundo. You see, Carlo is my boy bestfriend. Kilalang kilala ko na yun, kaya alam kong hinding hindi yun gagawa ng kagaguhan. Kaya smile na." She said pinching my nose.

Yan yung gusto ni Julia. Pero pano naman yung gusto ko? Siguro nga blessing in disguise to. Dahil dun sa sinabi ni Ate kagabi kinailangan kong iwasan na si Julia ngayon, kasi impossible naman talagang nahuhulog nako sa kanya eh. Pareho kaming babae, nakakahiya.

Siguro nga dapat kong bigyan ng chance si Carlo para makalimutan ko kung ano man tong nararamdaman ko for Julia. Tama, yun ang gawin mo Stella.

EOFB

Yun ba yung ibig nyang sabihin? Ganun ba talaga ako ka obvious? Talaga bang nahuhulog nako kay Julia?. Pero hindi talaga pwede eh. Hindi pwede to. I'm not gay! I don't wanna be gay!

..

Julia's POV

Nagulat ako nang makitang nakaparada sa labas ng bahay namin ang kotse ng hinayupak na lalaking yun.

Tsk! Dennis!

Pagpasok ko, mas lalo akong nagulat nang makitang magkausap sila ng parents ko at ni angkong.

Umuwi na pala si Dada.

"Anak, mabuti andito kana. We were just talking about you haha." Bati ni Dada, nagmano naman ako sa kanila.

"Good afternoon Julia." Nakangiting sabi pa ni Dennis, inirapan ko lang sya.

"Ka-kailan po ba kayo umuwi Dada?."

"Kanikanina lang. At sakto naman kasi nagkasabay kami nitong boyfriend mo na dumating dito."

Mababaliw na talaga ako, grabeng kasinungalingan nato.

Hopefully Meron (GxG)Where stories live. Discover now