Stella's POV
Nang nasa loob na kami at kakasimula na ng movie, nanginginig na sya. Wait, hindi pa kaya nakakatakot yung scenes.
When I suddenly felt her hand holding mine a little bit tight. At walang ano anoy lumabas na yung nakakatakot na clown, wait, is she hyperventilating?! Gosh what's going on?
Kinuha ko agad sa bag yung dala kong paper bag at binigay sa kanya. Kung nakikita nyo lang kung paanong puno ng pag-aalala yung mukha ko.
She has a phobia with clowns pala and she didn't even tell me.
Nang medyo nakahinga na sya, tinaas ko yung gap sa gitna as I pull her closer for a hug trying to calm her down.
"Shshshsh you can just close your eyes princess..." Sabi ko.
At hanggang sa natapos yung movie, ganun lang kami. Paglabas namin,
"Sorry talaga ah--nakakahiya." Sabi nya.
"I can't believe na isa sa pinakamatapang na taong nakilala ko, clowns lang pala ang katapat haha. Bakit di mo sinabi saking may phobia ka pala sa clowns?. Sana iba nalang pinanood natin."
"Eh kasi yun yung gusto mo. Gusto ko lang masaya ka." Buti pa si Julia, hindi selfish. Pero hindi naman mabuti na she'd risk her own life para maging masaya lang ako, because being with her alone can simply make me happiest.
"Pano kung napano ka dun? Alam mo bang I've almost thought that I'm going to lose you there--wag mo nang ulitin yun ah? Tinakot mo ko ng sobra."
"Oo, next time magsasabi nako. Alam mo, nakakagutom pala tong takot."
"Gutom na naman? Eh kumakain pa tayo kanina sa movie ah?."
"Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Chos, sige na mabuti na yung busog kaysa gutom ka. My treat." She said as she grabbed my hand. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin, it fits perfectly and I love how soft her hand feels like.
At lumapit nga kami sa may waffle stand dito sa mall.
"What flavor do you want?." Tinuro ko naman.
"Talaga? Bacon and cheese? Pareho pala tayo. 4 nga po neto." Sabi nya.
"Yan yung binibili lagi ni papa samin nun eh. Nung kasama pa namin sya, kaya nagustuhan ko narin."
"Thank you po." Sabay tanggap nung waffle at inabot na sakin, nagsimula na kaming maglakad.
"Thank you sa libre." Sabi ko naman sa kanya.
"Alam mo bang isang beses ko palang nalilibre si Vish?. Ganun ako ka kuripot."
"Alam mo pag kunwari ako naging boyfriend mo, magseselos talaga ako everytime you mention that girl." I said.
"Hmm talaga? You're the jealous type?."
"Yup."
"So pinagseselosan mo rin pala ako pag magkasama kami ni Carlo? Haha."
"More like pinagseselosan ko si Carlo pag magkasama kayo." Mahina kong sabi.
"What?."
"Ikaw ba? Di ka selosa?."
"Hindi eh. Grabe kasi ako mag trust ng tao, kaya tingnan mo nangyari sakin, naloko tuloy ako."
"Ba't ba kasi nagtatrust ka agad?."
"Look, the only way to know if you can trust people is to trust them. Nakadepende lang sa kanila if they'll keep it. Kasi once nawala yun, sorry sila. I'll cut them off my life like nothing happened."

YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...