Chapter 26

75 2 0
                                    

Luis' POV

"Hayaan mo na, nagpapalamig parin yun ng ulo." Sabi ni Nathan.

"Salamat pre ah. At saka pasensya narin kasi napagbintangan pa kita. Kayo kasi eh, masyado kayong naging close. Di nyo naman mapipilit sakin na wag magselos."

"Naiintindihan ko naman yun Luis, sana lang sinabi mo muna samin ng maayos bago mo kinompronta ng ganun si Julia."

"Oo nga eh, sising sisi nako. Promise talaga, magbabago ako. Syempre kapag binigyan pa nya ulit ako ng chance."

"Hindi na mangyayari yun." Nagulat kami nang biglang dumating si Coleen.

Andito kami ngayon sa bahay ko.

"A-anong ibig mong sabihin?."

"Itong si Nathan ayaw maniwala sakin, siguro naman ikaw  dapat naring magising na yang Julia na yan, may iba na talagang gusto--" parang nabasag ulit ang puso ko ng marinig yun.

"Coleen, di pa naman sure diba?." Sabi ni Nathan.

"Tingnan lang natin. For sure, magkasama parin sila ngayon." Kumulo ang dugo ko, pano mo ko nagawang lokohin ng ganito Julia?.

"Sino? Sino ang gagong ipinalit nya sakin?!."

"Luis k-kalma ka lang--" awat sakin ni Nathan,

"No! Coleen, sabihin mo! Sino?!."

..

Julia's POV

Nasa loob parin ako ng CR, di ko mapigilang umiyak. Nasaktan ko na naman si Stella. Di ko naman kasi sinasadya yun, nahihirapan na rin kasi ako. Ayoko nang magtago. Parang nabubuhay nalang kasi ako sa kasinungalingan, ang dami nang nadadamay sa kagagahan ko.

FLASHBACK

Madilim na, nasa gilid lang ako ng pool umiiyak dahil gulong gulo na talaga ako sa mga nangyayari sakin. Lasing narin ata ako, nang biglang may tumabi sakin.

"Oh anong ginagawa mo dito?."

Lumingon ako at nakita ko ang napakagandang si Stella na gumugulo sa isip ko ngayon. Nagtitigan lang kami,

"I'm sorry." Sabi ko as I grabbed her closer and pressed our lips together.

..

".. I kissed you that night?." Tila gulat kong tanong.

"Oo nga haha. Ano bang nangyayari sayo?. Di ka naman ganun kalasing para di maalala yung nangyari." Takang tanong ni Vish.

Pero pagkakatanda ko, it was Stella. Maybe I was just too drunk.

..

Inside the church.

".. Lord, please forgive me for I have sinned. Kayo na po sanang bahalang ilayo ako sa tukso. Nahihirapan na po ako.."

..
Sa kwarto ni Vish.

"..why didn't you stopped me nung gabing yun?." Galit kong sabi sa kanya.

"At kasalan ko pa ngayon? You were the one who kissed me!. Bakit parang ako pa ang may kasalanan dito?. Ako ba yung nag-video satin huh?!."

"Pero ikaw yung nasa matinong pag-iisip satin that night Vish. Tingnan mo nalang nangyari, the principal won't allow us to enroll in our school next school year!. How would I even dare to explain this to my parents?!."

"Hindi ko rin ginusto to! So don't act like it's all my fault!."

..

Summer.

Hopefully Meron (GxG)Where stories live. Discover now