CHAPTER 8

113 2 0
                                    

Stella's POV

Lumipas pa ang ilang araw, kung ano ano na ang natatanggap ko mula kay Carlo. Masaya naman talaga syang kasama eh pero wala parin akong maramdamang kakaiba sa kanya.

Nasa canteen ako with my friends.

"Alam mo girl, ang swerte swerte mo talaga kay Carlo. Sana may mahanap din akong tulad nya." Sabi ni Chel tila naiinggit.

"Pero diba parang ang weird nun? Classmate natin sya since elementary, kapatid na turing natin sa kanya kaya--"

"Yun nga yung naisip ko nung una Anne eh. Pero ngayon, naisip ko na okay lang naman sya. He's a great guy, kilala sya nina mama. And sabi nga ni Julia, he would never do something stupid."

"Speaking of Julia, pansin kong madalas ring magkasama sila ni Carlo. Baka sulutin ng babaeng yun yung manliligaw mo ha?." Sabat naman ni Katrina.

Napaisip naman ako.

"Hindi naman siguro. Close lang talaga sila. At saka, si Julia pa nga yung nag kumbinsi sakin na bigyan ng chance si Carlo."

"Oo nga Kat, diba nga? May boyfriend na si Julia. Ikaw talaga." Paliwanag ni Anne.

"Boyfriend?."

"Di mo ba alam? May boyfriend si Julia, si Dennis Wong. Yung gwapo sa Lacon." Sagot ni Chel.

Oo nga pala, yung lalaking yun. Although nagpapanggap lang naman si Julia na boyfriend nya yun,di pa siguro time na sabihin ko sa kanila.

FLASHBACK

"Akala ko ba wala kang boyfriend? Ano yun?. So, you were lying on my face the whole time?."

"I wasn't lying about not having a boyfriend."

"So, who's Dennis?."

"Naka fling ko dati. Inakala lang ng lahat na naging kami. And I need that image to have more volleyball supporters before."

EOFB

Damn! That cheater.

"Ah oo, sya. Nabanggit na pala nya yan nung nasa Bacolod kami."

"Hi girls." Napalingon naman kami. Si Carlo pala.

"Oh ayan na pala yung prince charming mo." Anne said.

"Don't worry, saglit lang to. Magtatanong lang sana ako if wala kang gagawin mamaya? I mean, wala naman tayong assignments or activities this week, Friday narin--" nagtanong ka pa tapos planado na pala lahat.

"Magpapaalam muna ako kay mama--"

"Ah about dun, pinagpaalam na kita."

Without even asking me first? Tsk!

"Ah eh ganun ba? Si-sige. San ba tayo pupunta?." I said with the most plastic smile.

"Kakain lang naman tayo sa labas. Tapos mag sostroll." Ganito ba talaga ang lalaking to? Nagpaplano na agad without even asking someone else's opinion?.

FF

Nakapagbihis nako.

Pagkatapos naming kumain sa isang mamahaling restaurant, nagsimula na kaming mag stroll sakay ang motor nya, malayo layo na yung napuntahan namin like papuntang beach na nang biglang huminto yung motor nya. Nasira ata.

"..sorry talaga ah, pero don't worry tinext ko na sina Julia at Ricky. Papunta na raw rito." Sabi nya.

Grabe, pakagat na ang dilim.

Hopefully Meron (GxG)Where stories live. Discover now