Stella's POV
4pm. Pumunta kami ng park, nagpaalam na si Vish dahil may gagawin pa raw sya. Buti naman at umalis narin ang impakta.
Naisip automatically nina Doreen na umalis narin para magka moment kami ni Julia, they really are the best.Dala dala ang napaka-cute na Chihuahua na gift sa kanya, para lang may dala syang bata. Ang cute. Nang biglang,
"Pakihawak lang saglit si Camren." Sabi nito sabay abot sakin ng aso.
"Is that what you named it?."
"Yes, you have a problem with that?. Sige na, tulungan ko lang yung girl--" sabi nya sabay tulong dun sa office girl na pinupulot ang mga nagsiliparan nyang papers.
Some things never really changed.
FLASHBACK
Kumakain kami ng lunch sa cottage.
"Why do you think it's hard to fight for me?." Tanong ko.
"Because returning a ball is easier than protecting a plant.. " Sagot nya. Minsan di ko talaga maintindihan yung pagiging random nya.
"Ayan ka na naman sa randomness mo--"
"Kasi, nung bata ako nakatira ako sa tita ko. And almost everyday may mga batang naglalaro sa harap ng bahay niya ng basketball, volleyball at kahit ano ano pa. At almost everyday din pumapasok sa garden nya ang bola, palagi nga syang nagagalit nun kasi natatamaan yung mga pananim nya't bulaklak."
"Alam mo Julia, sobrang layo na talaga. Ano bang pinagsasabi mo?."
"Pwede patuluyin mo muna ako sa kwento ko?."
"Yeah yeah fine, proceed."
"So ayun nga, one day may bolang pumasok ulit sa garden nya at tinago niya. Pero sinauli ko yun at sobra syang nagalit sakin."
"Bakit mo naman ginawa yun?."
"Because it's better to return the ball than to protect a plant. For short, be selfless. That ball, it makes a lot of children happy kahit alam kong di nila ako sinasali kapag naglalaro sila. Kasi naisip ko, yung plant kami lang ang binubuhay. Yung bola, it saves more lives than you imagine."
"Pa-pano?."
"It makes you happy. It lowers cases of anxiety, depression, drug addiction, crime rates and a lot more. Because I believe that sadness killed more people than cancer. Nakikita ko ang makabubuti sa iba. I'd prefer other people's happiness than my own. It's hard to choose you over everyone else. I'm sorry."
"Bakit ba kasi kailangan mo pang pumili?."
"Kasi may masasaktan."
"So pinipili mong saktan ako?."
"Well, majority wins eh." Pabiro pa nyang sabi. Natawa naman ako.
"Gaga ka talaga haha."
EOFB
Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya. Bumalik narin sya matapos mag thank you nung babae.
"Oh bakit?." Tanong niya sabay kuha kay Camren.
"Anong bakit?."
"What's with the smile?."
"What smile?."
"That smile on your face haha. Are you on drugs?."
"Sira, hindi ah. Maglakad na nga tayo. I wanna watch those moms na nagzuzumba."

YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...