Stella's POV
KINABUKASAN
Umiiyak akong nagsorry sa mga kaibigan ko,
"Sinabi na kasi namin sayo, di ka nakinig. Ayan tuloy napala mo sa babaeng yan." Sermon pa ni Chel.
"Chel ano ba? Nagsisisi na nga yung tao eh, wag mo nang sermonan." Sabi ni Anne habang pinapakalma ako.
"Ano ba kasing nangyari? Anong ginawa nya sayo kagabi?." Tanong ni Katrina.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na muntik nang may mangyaring di dapat, baka lalo pa nila akong pandirian.
"Basta. Mahabang storya. Sinabi ko narin kay Carlo ang totoo."
"Talaga? So anong reaction nya?." Tanong ni Chel.
"Naiintindihan naman daw niya. Pero girls, di nya pwedeng malaman na si Julia yung tinutukoy ko. Kasi pag nagkataon, magiging malaking gulo to."
"Don't worry--your secret's safe. Basta promise us na puputulin mo na kung ano mang ugnayan nyo ni Julia. Baka kasi pagkatapos nitong nangyari sayo, isang kindat nya lang ibibigay mo na agad buong kaluluwa mo." Biro pa ni Katrina.
Basically, muntik na nga yung mangyari kagabi.
FF
May program na naman pero di parin ako nakikinig. Kung ano ano ang pinapagawa samin. Nag-iyakan pa kami knowing na ang iba samin lilipat na ng school next school year.
Hanggang sa kumagat na ang dilim.
Lumapit sakin si Julia,
"I think it would be a better idea kung dun nako kay Vish." Paalam nya.
"Bakit? Naiilang ka ba sakin? Wag kang mag-alala, hindi kita papakialaman ulit--" mahina kong sabi para di marinig ng iba naming mga kasama.
"Stella, about kagabi--"
"Don't worry, kalimutan nalang natin yun. Alam ko namang you're straight. Napag-isip-isip ko na rin na baka phase lang to, you know I never liked girls in general. Just you. Katangahan. Bakit ba naman kasi sa lahat ng tao, ikaw pa diba? Haha nakakatawa lang." I smiled bitterly.
"I'm sorry." She said, and she really looked guilty. Stella, wag kang magpapadala sa paawa effect ng babaeng yan. Mag momove on kana dapat diba?.
"You don't have to. I fell for you, you didn't want to reciprocate those feelings and hindi naman kita pipilitin. So, friends?. No awkwardness? Kakalimutan nalang na nangyari lahat ng to?."
Nangingilid na yung luha ko pero pinipigilan ko nalang. She can't see me breaking right now."Friends." She tried to smile and pulled me for a hug na tumagal at ramdam ko ang higpit ng yakap niya saka sya tuluyang lumapit kay Vish.
Please lang Stella, wag kang iiyak. Syempre di ako umiyak ngayon, umiyak ako nang nakatulog na ang lahat. Julia naman, bakit ba kasi di mo nalang ako mahalin pabalik?.
KINABUKASAN
Pagkatapos kumain ng breakfast, nag-impake na kami para pauwi.
9 am kami umalis. Pagod ang lahat. Wala lang akong imik buong biyahe kasi iritang-irita nako sa pagkukulitan nina Kirsten at Julia sa bus.
Alam kong wala akong karapatang magselos, eh pinili ko to kaya tiis tiis lang hangga't kaya pa.
"Wag mo na kasing tingnan, akala ko ba road to moving on kana?." Bulong sakin ni Katrina.
YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...