CHAPTER 13

79 4 0
                                    

Stella's POV

FF

Andito na kaming lahat sa kwarto, ang ingay ingay.

"Stella, baba ka raw. Sabi ni Julia."lapit sakin ni Doreen.

"Bakit daw?."

"Aba malay ko, basta pinapababa ka nya. May sasabihin ata sayo'ng importante." Sabi nito at lumapit na kina Mela.

Hindi kaya? No, hindi siguro. Pero wait, kinikilig ako. Di kaya aamin narin sya sakin na may nararamdaman narin sya?

Andun nga, nakita ko sya. Hinila nya agad ang kamay ko. Gosh, her soft hands.

"Saglit lang to." Sabi nya habang palinga-linga pa sa paligid kung may tao ba.

"San mo bako dadalhin?."

"Somewhere SAFE, don't worry--"

"Julia ha, kinakabahan nako sayo.."

"Promise, saglit lang to. Wala namang tao eh."

"A-ano bang pinagsasabi mo?."

Bakit pababa kami sa beach kung saan di kami makikita ng tao.

"Oh, yan na pala sya. Carlo!." Nadismaya ako nang sobra nang sabihin nya yun at makita si Carlo. Oo nga naman Stella, bakit ka pa umaasa?.

"Maiwan ko na kayo ha?. Dun nako sa taas. Magbabantay ako, baka mahuli pa tayo." Nakangiting sabi ni Julia.

So kaming dalawa ni Carlo nalang ang naiwan dito, sobrang awkward talaga promise.

"Uhm Stella, alam mo namang ayoko ng paligoy-ligoy. Hindi naman sa minamadali kita pero kailan mo ba ko sasagutin?."

"Kasi Carlo, about dun. Alam mo namang ayaw kitang saktan diba? Kaya magpapakatotoo nako ngayon sayo. Ayoko nang paasahin ka sa wala Carlo, kasi ang totoo nyan may iba na talaga akong mahal. Sorry." Ayaw nya ng paligoy-ligoy kaya dineretso ko na sya.

"Ma-may iba? Si-sino?." Kitang kita ang lungkot sa mga mata nya. Sorry Carlo.

"Hindi mo na kailangan pang malaman."

"Kilala ko ba sya? Isa ba sa classmates natin? Sabihin mo Stella, ma-may mali ba sakin?."

"Walaaa. Carlo, ayoko ko lang talagang niloloko ka lalo na ang sarili ko kaya ko gustong itigil to. Sana maintindihan mo."

"Okay. If yun ang desisyon mo, naiintindihan ko."

"Salamat. Sana maging magkaibigan parin tayo." I said hugging him at tuluyan nang umalis.

"Oh? So anong nangyari? Kayo na?." Excited na sabi ni Julia.

"Hindi." Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa bahay.

"Bakit?."

"Sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi naman talaga sya yung mahal ko."

"So,so habang nililigawan ka nya nagpapaligaw ka rin sa iba?." Parang umiba yung tono ng pananalita nya, it sounds like ang laki ng kasalanan ko.

"What? Hindi ganun yun."

"Eh ano?!."

"Ba't ka nagagalit?."

"Anong gusto mo? Magpa party ako na pinaasa mo lang yung bestfriend ko?!."

"Hindi ko sinasadya yun okay?."

Hopefully Meron (GxG)Where stories live. Discover now