Stella's POV
KINABUKASAN
Alam ko naman eh, she's avoiding me. For sure nakukulitan na yun sakin pero ano bang dapat kong gawin?. I can't just sit back and relax then wait for her feelings to come back.
I had to do something, pero sa ginagawa niya lalo naman akong nahihirapan. Hindi ko nga maisip na ganito na pala ako ka desperada.
Today, imbes na e stalk si Julia, I decided na samahan nalang si mama na mag grocery. Busy kasi si ate for their final rehearsals, mamaya na kasing gabi ang Dance Battle na sasalihan niya.
"Nak, gatas pala--ang layo na natin."
"Okay ma, ako na." Sabi ko at tumakbo na pabalik sa may gatas pero nagulat ako na pagbalik ko, I saw Mama's talking to Julia.
"Ay anak, tamang tama. Nagpapakilala lang ako dito kay Julia. Julia iha, ako si Tita Celine. Ako ang Mama ni Stella."
"Hala mano po." Mano nya."Bless you. Mag-isa ka lang?." Tanong pa ni Mama sa kaniya.
"Ah hindi po, kasama ko po yung friend ko. Hinahanap ko nga po eh." Sagot ni Julia tila nahihiya pa kay mama.
"Ganun ba?. Ah sya nga pala, may gagawin ka ba ngayong gabi?." Pag si mama talaga nagsalita, napatingin nalang si Julia sakin at nakita akong napahawak sa noo.
"Wa-wala naman po Tita. Bakit po?."
"Sasali kasi dun sa Dance Battle ngayong gabi ang Ate ni Stella, si Shantal. Baka gusto mong manuod at sumama samin--"
"Ma, ano ba? Nakakahiyaaa." This felt like dejavu.
"Ah hindi. O-okay lang. What time po ba?." Which is kinagulat ko. Kasi nung mga nagdaang araw, all she did was iwasan ako kaya laking gulat ko na pumayag sya. Siguro na pepressure na sya dahil kay Mama.
"8pm magsisimula. At wag kang mag-aalala kung matagal matapos, you're always welcome naman na matulog sa bahay para makapag-bonding ulit kayo nito ni Stella, alam mo ba miss na miss ka na nyan. Palagi nyang sinasabi kailan ka daw babalik sa bahay--"
"Maaa--" sht this is so embarrassing. Napatingin ulit si Julia sakin, napayuko nalang ako sa sobrang hiya.
"Bakit?. Totoo naman. Ay basta, mamaya nak ha?." Kausap nya kay Julia.
"Opo Ma." Nakangiting sagot ni Julia. Did she just called my mom Ma?. OMG.
"Andito ka lang pala, ay sorry po tita. Julia, kanina pa kitang hinahanap--halika na. Nabayaran ko na pinamili natin." Sabi nang lalaking biglang lumapit samin. He's moreno pero may itsura naman, at saka mukhang disente pero I don't like him. So he's the friend she was referring.
"Sige po Tita, mauna na kami. *Tumingin sakin* Stella, see you later." Sabay beso at umalis na sila.
"Boyfriend nya ba yun anak?." Ma, sasabihin mo talaga yan sakin?. Ang sakit sakit na nga eh, makaakbay kasi yung lalaki sa kanya wagas.
"Hindi ko po alam ma. Sana hindi."
"Huh?."
"Ah wala po, sige na. Ano pa po bang kailangan pa natin?."
..
Julia's POV
"Sino ba yun?. Pinsan mo?." Tanong ni Gino. Sabay sakay sa kotse.
"An old friend." Sabi ko nalang. Tumango tango naman sya.
FLASHBACK
".. I'm not falling for her. Really."
"Yun naman pala eh, so stop treating her like that. Kasi kung wala ka talagang romantic intentions towards her then hindi na sana problema sayo ang maging kaibigan sya." Sabi ni Vish.
"Why are you suddenly pushing this friendship?. You said you hate her for some reason, sabi mo pa nga sakin nung una na layuan ko siya because she's bad news tapos ngayon.."
"Wala, narealize ko lang na that's a bit selfish. I mean, you can be friends with anyone you want. And I don't have the right to restrict you on things like that."
I didn't expect this side of Vish, and I'm really glad to see her growing. I wonder what changed her mind.
EOFB
Kinuha ko ang binili naming chicharon at chocolate drink, weird combination pero ito ang favorite ko. Actually chocolate is the best. Pinapares ko pa nga to sa kanin at sisig.
Nagsimula nakong kumain, kumuha din ako at sinubuan si Gino habang nagdadrive. And that moment, napatulala nalang ako. Idk if dejavu is an actual thing pero yun yung bigla kong naramdaman.
"Why?." He asked worriedly.
"Wa-wala." Sabi ko nalang at tinuloy nalang ang pagkain.
Tumambay muna kami sa bahay at nanuod ng movie, eating lahat ng binili naming food. Nanood kami ng horror film pero di ko feel, I couldn't focus kasi. Iniisip ko parin na makakasama ko si Stella at ang Mama niya ngayong gabi.
Hindi ako pumayag because nahihiya akong hindian ang mama niya, pumayag ako because I wanted to give our friendship a chance. Tama, just friends.
And ang sarap din sa pandinig na may tumatawag sa'yong anak. Kaya ang gaan gaan na ng loob ko sa mama niya, sana ganun din ang mama ko.
Kaya lang, busy naman lagi ang parents namin. Once a month na nga lang sila umuuwi, lalo na't nagkakaproblema ngayon ang kompanya.
7:30pm. Kakatapos ko lang maligo. Naghahanap ako ng masusuot. Okay na siguro ang shorts at shirt. Konting make up and okay na.
Sinundo ko na sila at sabay kaming pumunta sa venue. Grabe, ang dami palang tao dito at lumalamig pa lalo ang gabi. Wearing shorts is the worse idea talaga. Nakahanap na kami ng mauupuan. Nasa gitna namin ni Tita Celine si Stella.
Ayan, magsisimula naaa. This is so exciting.
..
Stella's POV
She looks really good wearing her new pair of glasses.
Napansin kong parang nilalamig na si Julia kaya I offered her my jacket at nilagay to sa lap niya kasi ano sigurong nakain nito at naisipang magsuot ng short sa ganitong kalamig na panahon.
Napatingin nalang sya sakin tila nagulat.
"Th-thank you."
"Welcome." Ngiti ko sa kaniya.
"Anak, ang daming gwapo dyan sa sumasayaw. Sino type mo dyan?." Tanong ni Mama. Mama talaga, syempre ma itong katabi ko lalayo pa ba ako. Naman, di ko sinabi yun baka atakihin pa bigla si mama dito.
"Siguro yung maputing singkit." Actually, si Julia lang talaga dinidescribe ko.
"Nice choice anak, may taste ka talaga. Ikaw Julia?."
"Wala po tita eh."
"Diba sinabi ko na sayo na tawagin mo kong mama?."
"So-sorry ma."
"Sigurado kang wala kang gusto kahit isa dyan?."
"Hindi po kasi ako nadadala agad sa pisikal. Siguro masasabi ko nang type ko yung tao kung narinig kong nagsalita." Paliwanag niya.
"Mabuti yan iha. Kaya ikaw Stella, gumaya ka dito sa kaibigan mo. Wag magpapadala sa gwapo para di ka matulad samin ng papa mong ewan kung sang lupalop na ngayon."
"Sinabi mo naman kanina na may taste ako ma eh--"
"Kanina yun, mas gusto ko na kasi sagot ni Julia."
Napakamot nalang ako sa ulo. May pinagmanahan talaga ako sa kabaliwan ko at walang duda, kay mama ko yun lahat nakuha. Syempre yung ganda, kay mama rin.
YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Roman pour AdolescentsStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...