Vish's POV
I'm on the phone now with Julia.
Talaga? Ginawa nya yun? Gago talaga, hindi na nahiya.
Sinabi mo pa. Alam mo kung wala lang si angkong kanina, malamang pinagbabali ko na isa isa buto ng lalaking yun.
Kulang pa yan sa mga cheater na kagaya niya. Naku, kala nya siguro madadala ka ulit nya sa mga pa cute cute niya. Gagong yun, I trusted him tapos ganun lang pala gagawin sayo.
Hay nakakabadtrip talaga. So, kumain ka na ba?
Yup. Ako pa, hindi. Sarap kaya ng mga pinamili mo. Thank you daw sabi ni mama. Balik ka na dito.
Soon, kasi parang dito na muna magsistay si angkong eh. Lumala na kasi yung sakit niya sa puso dahil sa gulong nangyayari dun sa kabilang bahay.
Binibigyan na naman ba sya ng problema nung ibang mga pinsan mo?.
Oo. As in araw araw. Kaya mabuti ngang dito na muna si angkong para umayos yung pakiramdam niya.
Pano naman di aayos eh andyan yung paboritong apo niya.
..
Stella's POV
Pagpasok namin sa kwarto ni mama,
"Alam mo nak, ang bait talaga nung Carlo kaya di ko ma-imagine na hindi sya yung magiging boyfriend mo." Biglang sabi ni mama.
"Ma, di po ako nag-mamadali. At saka wala pa sakin yang boyfriend boyfriend na yan."
"Eh bakit mo pinayagang ligawan ka ni Carlo?."
Wait, bakit nga ba? Yeah. Pero di ko naman pwedeng sabihin kay mama na dahil yun kay Julia.
"For some odd reason ma. You'll know someday."
"Okay? Nagtatago ka narin pala ng sekreto sakin ngayon ah." Habang kinikiliti ako.
"Ma hahahha tama na hahaha."
KINABUKASAN
..
Julia's POV
Kakauwi lang namin ni angkong from church at nagbihis na.
"Kumain ka na iha."
Andun narin ang kapatid ko.
"Jirah, mamaya na yang cellphone. Oras ng kain ngayon." Sita ni angkong.
"Opo angkong." Sunod naman ni Jirah.
"Good morning pa." Biglang dating ni Mama. Nagmano naman sya kay angkong.
"Buti't umuwi ka na. Halika, sabay ka samin for breakfast." Sabi ni angkong.
"Yaya pakiakyat lang po muna nito sa kwarto." Utos ni mama. Lumapit naman kami kay mama para magmano.
"San po si Dada ma?." Tanong ni Jirah.
"Ay naku, busy yun ngayon. May meeting sila ng investors natin from Hongkong, yung ano pa sina Mr. blablabla." Paliwanag ni Mama.
"Impossible ba talagang magkaroon ng araw na kumpleto tayong lahat?." Sabi ni Jirah.
"Hindi ka na nasanay haha. Buti nga't may kinakain tayo't tinitirhan."
"By the way angkong, my friends are gonna be here later. May gagawin kaming project." Paalam ni Jirah.
"Of course iha, they're always welcome. Basta walang masyadong boys ha." Sabi naman ni mama.
YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...