Stella's POV
Nakita ko si Vish na niyayakap si Julia, well I guess their date turned out great yesterday.
Ako? Nagseselos? Hindi ah. Hindi talaga.
At kung wala man ako sa mood ngayon, it's because meron ako. Okay, joke lang wala talaga pero pake nyo ba! Che!
"Okay, break's over! Chel, ikaw dito!." I commanded. Which is ipinagtaka naman ni Chel. Sya na maglelead ng kanta.
..
Vish's POV
Nagulat naman kami dun,
"Oh no, ginalit ata natin si commander haha." Mahina kong sabi kay Julia. Nagseselos na naman siguro tong si mareng Stella.
"Gaga, baka masakit lang puson nya." Sabi naman ni Julia.
"Napaka insensitive mo talaga no?. Hindi ka magandang maging girlfriend."
"So sa tingin mo nagseselos sya satin?."
"Sige nga, try mong bigyan ng cold compress at napkin yan kung di ba lalong mapikon sayo--"
At during recess binigyan nga ng gaga hahaha.
..
Julia's POV
Kumunot ang noo nya at tiningnan lang ako ng masama.
"Nang-iinis ka ba?." Pagtataray nito sakin.
"Naisip ko kasi na baka meron ka kaya eto oh--"
"Will you just leave me alone?."
"Bakit? Diba okay na tayo?."
"Lulubayan mo ba ako o puputulin ko mga braso ng Vish nayan?, makayakap eh--dun ka na nga, magsama kayo." At nag-walkout.
Bumalik naman ako kay Vish.
"Confirmed. Hindi nga nireregla yung lola mo."
"Syempre ang tanda na nun."
"Gaga, ang ibig kong sabihin si Stella."
"Sabi ko naman kasi sayo eh. Girls' instincts yan. Palibhasa ikaw, di ka ata totoong babae."
"Ewan ko sayo. Kumain ka nalang dyan, baka ako pa biglang reglahin dahil sayo."
3pm.
"Stella, wait." Hinarang ko sya.
"Girls, mauna na kayo." Sabi nito kina Anne. Sumunod naman sila habang sinasamaan ako ng tingin. Hinila nya ko sa gilid.
"Anong kailangan mo?." Nakapantaas kilay nyang sabi.
"Are you jealous?."
"Anong sa tingin mo? Nireregla lang ako?."
"Okay, I'm sorry about that. Hindi ko kasi alam. What do you want? Gusto mo ba talagang lubayan na kita?."
Sumimangot naman bigla ang mukha niya.
"No."
"Then don't act this way."
"I can't."
"Bakit?."
"Kasi hanggang ngayon mahal parin kita. Alam kong pumayag ako na maging magkaibigan parin tayo pero mahirap eh. Mahirap na wag magselos. Mahirap na wag kitang mahalin. Mahirap Julia." Omg she's crying. Julia, do something!
YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...