Stella's POV
Sobrang boring ng klase namin kaya ilang subjects na ang dumaan, nakatunganga parin ako bintana.
FLASHBACK
"Diba kayo yung partners sa research Stella?. That means kayo laging magkasama this past few days. Hindi kaya ikaw?." I don't like what Anne is insinuating, pinapakaba nya ako ng sobra.
"Huh? A-anong ako?."
"Di kaya may gusto sya sayo?. Kaya sya nagbabago ngayon?." She added.
..
"Tigilan mo ko, ayoko ng pabebe."
"Eh anong type mo ba?."
"Wag na, baka mag assume kapa. Ligawan mo pako." Biro nito.
EOFB
Napapangiti nalang ako habang inaalala yun. Marami naring nangyari.
So natapos nalang ang buong araw, wala akong natutunan sa klase dahil sa kakaisip ko sa kanya.
Lumipas ang ilan pang araw, miss na miss ko na sya. Asan na kayang lupalop ng mundo yun?.
Dumaan nalang ang dalawang linggo, wala paring nagpaparamdam na Julia. Walang text, tawag o chat man lang. Makikita mo syang online buong gabi at sunod sunod ang pag share ng posts pero ni isang message for you wala. Ganyan talaga pag hindi ka importante.
..
Julia's POV
Friday.
Sobrang saya namin ngayon ni Nathan dahil sa wakas, hindi nasayang lahat ng pinaghirapan namin. Nanalo kami sa competition!. After namin dun, dumiretso na kami sa school dala dala ang medals at trophy namin ni Nathan.
Syempre, binati kami ng teachers, classmates and schoolmates namin. Pagkatapos nun, hinanap ko si Luis. Tinanong ko sina Coleen, at andun pala sya sa rooftop.
At nang makarating ako dun nakita ko nga sya, pero hindi nya ako binati as if sobrang saya niya.
"Oh? Anong nangyari sayo?." Tila nag-aalala kong sabi. Parang mukhang galit pa nga sya. Tiningnan nya lang ako ng masama.
"Babe, may problema ba?." Sinubukan ko syang hawakan pero pinigilan nya ko.
"Wag mo kong hawakan--"
"Ano bang nangyayari sayo?. Hindi kaba masaya para sakin?. Eto oh, we won 1st place--"
"Yeah, with Nathan. I know. Sobrang saya nyo siguro no?. Ang saya saya siguro na araw araw mo syang kasama. Syempre gwapo, matalino--"
"Babe please, wag ngayon--"
"Kung hindi ngayon, kailan pa?! Ni hindi man lang kita malapitan these past few days because you have to be with him--"
"Because I have to, we need to review. Bakit di mo kayang intindihin yun?."
"Yung review naiintindihan ko, pero yung pailalim ka nyang inaagaw sakin, ibang usapan yun!."
"Seryoso ka ba? Alam mo, you're just being paranoid. Si Nathan, kaibigan lang natin yun. Wag mo namang pag-isipan sya ng masama--"
"Sige, ipagtanggol mo pa yung gagong yun. Ano ha?! Gusto mo narin ba sya?!. Ang saya pala nito eh, kunwari magrereview lang tapos may agawan na pala--"
YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...