Chapter 31

90 2 0
                                    

Julia's POV

Kausap ko ngayon sa phone si Gino, and to be honest--I do like him. Kaya lang hindi pwede kasi magkaiba kami ng religion kaya I settled to be friends with him.

Yeah I swear, bukas nga haha. Ipapasa ko na lahat ng compliance projects ko. To talaga, namiss ako agad.

Sigurado ka ha? Gusto mo ba, samahan na kita?.

Ah no need, kasama ko naman sina Sassa at Ara.

Okay, basta mag-iingat ka lagi ah?

Dingdong

Sige sige, parang andyan na ata yung bisita ko. Usap nalang tayo later.

Sure, I love you.

Love you too. Bye.

Pinapasok na ng helpers ang bisita ko, si Louie. He's my former schoolmate daw, mas bata bata pa sakin. He's gay.

Nakipagbeso naman ako sa kanya. Andito narin ang snacks. Buti nga, gutom narin ako eh. Naka on parin ang Tv, nanonood kasi ako ng national geographic.

"..hello Ate J. Grabe haha sobrang awkward talaga nito.."

"Wag kang mahihiya, ako parin siguro to haha. So we're former schoolmates pala."

..

Stella's POV

Pina-practice na namin ang graduation song namin pero lumilipad lang ang isip ko.

FLASHBACK

Grade 8.

Nakita kong may sinend si Zach na pic sa gc. It is a picture of Julia and Carlo together, practicing for our role play, sila ang magkagroup. #CARLIA daw. Diba bagay sila guys?.Sabi pa ni Zach.

Kilig na kilig naman ibang classmates namin.

..

Sa cottage,

Hinuhugasan ko ang mga pinagkainan namin ng matabig ko ang isa sa mga pinggan na nahugasan ko na. Kaya nabasag.

Lumapit naman si Julia para sana pulutin pero pinigilan ko sya,

"Ako na magtatapon nyan, pagkatapos ko dito."

"Hindi. Ako na. Hindi ko naman to itatapon."

"Eh basag na yan--anong gagawin mo dyan?."

"Hindi pa naman gaanong basag. Maaayos pato. Alam mo kasi, hindi ako madalas magtapon ng gamit na sira. Ang ginagawa ko. Inaayos ko to." Habang pinupulot ang nabasag na plato at inilapag sa mesa para iassemble, kumuha sya ng tape at pinagdikit dikit ito. Kalahating plangganang gatas at nilubog dun ang plato. What is she doing? Haha.

After two days, di ako makapaniwala. Bumalik sa dati ang plato. Wala ka talagang makikitang ni isang crack. Grabe, parang magic.

..

Julia's POV

"So, hindi nyo rin po pala naaalalang you're hopelessly in love with ate Stella?." Nang sabihin yun ni Louie, bigla akong nasamid.

"Si-si Stella? My-my former classmate?."

"Opo, palagi ka pong nagkukuwento sakin about her noon. At kung paano mo natitiis ang paglayo sa kanya para lang gawin ang sa tingin mo'y tama."

"You must be mistaken, you see--I'm straight."

"Spaghettis are straight until it gets wet."

Hopefully Meron (GxG)Where stories live. Discover now