Stella's POV
Nakauwi na kami. Buong gabii na naman akong hindi nakatulog kakaisip kay Julia, ano na ba tong nangyayari sakin?
Nababaliw na ata ako.
Nakita kong online yung kapatid ko, si ate Shantal.
Ate, hello. Kumusta ka na dyan? Miss you.
Okay lang ako dito lil' sis, masyado lang busy sa school. Miss you too. Kaw? Musta ka na?
Okay lang din po ate. Yun nga lang, may itatanong lang po sana ako te. Feel ko kasi may sakit ako.
Ano bang nararamdaman mo?
Kasi po ate minsan bigla lang umaakyat yung dugo ko sa ulo, nagpapalpitate ako, at saka parang may kung anong bulate sa tyan ko. Minsan halos di rin ako makatulog. Tapos kung ano ano pang pumapasok bigla sa isip ko na para bang nagha- hallucinate ako. Then madalas pa akong mag stutter.
Wait, sino bang madalas mong kasama o kausap ngayon? Chill ka lang sis haha wala kang sakit. YOU'RE JUST IN LOVE.
Napadilat nalang ang dalawa kong mata ng mabasa yun.
Ako? In love? Impossible po yan te.
Bakit? Naku, dalaga na talaga baby girl namin. So, who's the lucky guy?.
Lucky guy? More like lucky girl. Syempre di ko yun sinabi. Pero I swear, there's no way I'm inlove with Julia. I mean we're friends.
Someone you don't know po.
I lied. Kasi kilalang kilala nya yun. Tinuturing din nya yung kapatid dati nung schoolmates pa kami, magka wavelength kasi sila.
Pero seryoso ba talaga to? I'm in love with a girl? Wtf?! What happened to your favorite phrase na you're straight Stella ha?
KINABUKASAN
Nakasalubong ko si Julia sa hallway habang papasok sa first class namin. Dugdugdugdug there goes that smile again.
"Hey, Ms. Del Mundo you're late today. Di ka nakasali sa flag ceremony." Bati nito sakin.
"Na-nahuli ako ng gising eh." Sabi ko avoiding eye contact and dire-diretsong pumasok sa room.
..
Julia's POV
Bakas sa mukha ko ang pagtataka, okay? Anong meron? She's never this awkward around me before.
While nagdidiscuss ang teacher namin napansin kong may nakatingin sakin, I saw it was Stella. Kaya I smiled at her pero umiwas sya agad ng tingin na parang wala lang nangyari. What's going on?
FF
Recess. Kasama nya ngayon ang friends niya, well maayos naman silang nag-uusap. Parang ako lang ata yung iniiwasan niya.
My phone vibrated.
From: Cm. Carlo
Kasama mo na sya? Andito nako sa science lab, wala nang tao.Eto na. Lalapitan ko na.
Lumapit nako kina Stella,
"Uhm, excuse lang girls. Pwedeng hiramin ko lang saglit si Stella?."
"And where do you think you're taking her?." Nakapantaas pang kilay ni Katrina.
"Promise, saglit lang to. Important lang talaga. Stella please."

YOU ARE READING
Hopefully Meron (GxG)
Teen FictionStella Del Mundo is an ordinary highschool girl who mistook her long time classmate as one of their school's gay royalty, a group of female athletes that are secretly hitting on girls. Until they got really closed together because of a school projec...