*Conscience*

62 3 0
                                    

Welvic's POV

Nagkita kami ni Tricia sa tren. Kampanteng-kampante pa ako ng makita siya kasi inaakala kong wala na kami at wala na talaga akong feelings sa kanya, pero nung nakita kong may kahawak siyang iba, biglang gumiba yung puso ko.

Tapos umeksena pa tong baliw kong kasama, inangkin niya ako bilang boy friend niya. Tapos kanina, akala niya kung sino siya inapakan pa niya ako. Lang hiya talaga.

Tapos dun ay umupo sila sa likuran namin, paaulyap-sulyap parin ako sa kanila. Hindi ko mapigilang masaktan, parang gigiba ang kundo ko tuwing nakikita kong magkasama si Tricia at ang bagong boy friend niya. Eh, di hamak na mas gwapo pa ako sa kanya eh.

Nang huminto na ang tren sa stasyon ng babaan namin ay umuna akong lumabas. Iniwan ko si Monique, naiinis talaga ako sa kanya. Panay yung tawag niya pero hindi ko parin siya pinansin.

"Hoy! Welvic! Pansinin mo naman ako oh!" sabi niya.

Hindi parin ako tumigil sa paglalakad at iniwan ko parin siya. I know I'm such a douchebag sa ginagawa ko sa kanya, pero galit parin ako sa kanya. Ayaw ko siyang pansinin.

"Welvic naman oh!

"Hoy!

"Pogi!

"Hoy Welvic!

"Mas bagay si Tricia at yung Trent na yun! At kailanman ay hindi magiging kayo kasi ang sungit sungit mo!"

I stopped dead.

Lumingon ako sa kanya, "Ano bang alam mo!"

"Kaya hindi nagtatagal ang babae sa'yo eh kasi ang sungit sungit mo! Your f*ckig rude! Inuuna mo lang ang sarili mo!" sigaw niya saakin.

"Kasalanan mo tong lahat eh!" I scolded her.

"Kasalanan ko? Kung pinabayaan mo lang ako dun sa bar, eh hindi sana lahat ng to mangyayari! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Tsaka kung naging matino ka lang kay Tricia, eh hindi sana kayo maghihiwalay!" sabi niya saakin.

"Sorry ha! Ang inaakala ko kasi tatalab yung mga pinagsasabi mo," sabi ko sa kanya at biglang bumagsak ang malakas na ulan.

"Pwede bang pakinggan mo muna ako?" sabi niya saakin.

"Ewan ko sa'yo!" at nagsimula na naman akong maglakad.

"Welvic! Pakinggan mo muna ako!" sabi niya.

"Ayoko!"

"Alam ko kung bakit hindi tumalab ang first step!" sabi niya.

" Ewan ko sayo," tumakbo na ako.

Umulan ng malakas at iniwan ko siya dun sa kinatayuan niya. Tawagin niya na ako kung ano ang gusto niya- gago, asshole, douchebag -bahala siya, basta isa lang ang gusto kong mangyari ngayong araw na to. Ayaw na ayaw ko siyang makita.

Monique's POV

Pilit ko siyang hinabol. Pero napakabilis niyang tumakbo, tas napakalakas pa ng ulan. Takbo kami ng takbo, para kaming baliw. Natapilok ako at nadapa. When I raised my head, nawala na si Welvic sa paningin ko. Mas lumakas pa ang ulan kesa dati.

Basang-basa na talaga ako. Pero patuloy parin ang paglalakad ko, wala na akong paki-alam sa mangyari basta ang importante ay yung makapunta ako sa school. Tas kung ayaw akong makita ni Welvic edi ayaw ko na rin siyang makita.

Pumasok ako sa school na basang basa. Nagkita kami ni Ella at ni Myka, at mukang umiiyak si Ella. Lumapit ako, nakita ako ni Myka at nagulat siya.

"Oh? Bat ang basa basa mo?" tanong ni Myka.

"Naabutan ako ng ulan eh," sabi ko. "Anong nangyari diyan?

"Ah, si Ella? Yun, nakita niya kasi si Philip at si Kate na ang sweet, kasabay ng ulan ay bumuhos din ng malakas ang luha niya," sabi ni Myka.

"Ikaw naman kasi Ella! Di ba sabi ko magmove-on ka na? Wala kang mapapala diyan eh?" payo ko.

"Kasi naman eh! Napakalandi kasi ni-"

I don't believe a word she said. Infact, I did not listen to her kasi nakita ko yung ex ko- si Andrew, kasama niya yung mga barkada niya. At mukang nagkakasiyahan sila, bigla nalang sumakit yung puso ko. Hindi ko namalayang tumulo yung luha ko. Hindi ko akalaing ganito pala yung feeling nh naseselos.

"Oh Monique, nakiki emo ka na rin?" sabi ni Myka saakin. "Bat ka umiiyak?"

"Ka-kasi napakasakit," I sobbed.

I understand now. Alam ko na kung bakit kung makaasta si Welvic ay parabg guguho na ang mundo, kasi masakit, masakit ang mapagiwanan. Masakit ang umasa. Masakit ang umibig ng tunay.

Nang makita kong napakasaya si Andrew. Nasabi ko talagang napaka unfair ng mundo. Kasi napag-iwanan na ako, kasi malungkot ako habang nagpapakasaya siya. I hate the fact that I really did fall in love with a jerk like him.

Bawat ngiti niya ay nagflaflashback lahat ng mga ala-ala namin. Yung tipong pina-in love ka niya tapos sa huli eh malalaman mong kunyari lang pala lahat. Na iba pala ang mahal niya.

Napa-isip ako, I'm sorry Welvic. Hindi ko akalain ganito pala kasakit ang umibig... I understand now.

"Oh! Ella tahan na. Tara punta nalang tayo sa next subject natin," sabi ni Myka. "Ikaw din Monique! Tahan na. Grabe napakaOA ng araw na to ha."

I wiped my tears away, "Oh sha! Tara na!"

Dumiretso kami sa next subject namin- Math, I was expecting to see Welvic, pero wala siya, not even a single feather. I was getting worried. Sa next subject din eh wala siya. I would usually see him with his friends kaya I decided to approach them.

"Nakita niyo si Welvic?" sabi ko sa kanila.

"I was about to ask you the same thing," sabi ni Alden. "Nag-away ba kayong dalawa?"

"Oo eh. Kaya nga hinahanap ko siya kasi gusto kong makipagbati," sabi ko.

"Check mo sa condo niya," sabi ni Rachel. "Oh kaya dun sa NX Bar."

"Tara ihahatid ka nalang namin," sabi ni Alden.

"Sige tara," anyaya ko.

Sumakay kami sa kotse ni Alden at pumunta kami sa isang bar. Grabe ang aga aga nagbabar na tong si Welvic. Nang dumating na kami, hininto ni Alden sa entrance yung car niya. At nagmadali akong pumasok.

Nang pumasok na ako, nakita kong nay nagbugbugan. Siguro mga maagang lasingero ang mga ito. Isang grupo ng limang lalaki ay parang may binubugbog na lalaki, nagulat ako ng makita na ang pinagsusuntok nila ay si Welvic.

Kawawa si Welvic, kasi wala siyang laban. Lumapit ako, walang malay na baka masali ako at mabugbug.

"Tigilan niyo yan! Huy!" sabi ko sa kanila. Pilit ko silang pinagtutulak. Sumunod naman sila. Iniwan nila si Welvic na nakahandusay dun sa sahig at walang malay.

Nang makita kami ni Rachel at Alden, nilapitan nila kami at tinulungan akong buhatin si Welvic. Dumiretso kami sa condo niya.

Inalapag namin si Welvic sa higaan niya. Kumuha ako ng towel, binasa ko ito ng tubig at pinunas ko sa muka ni Welvic.

"Mo-Monique, I'm sorry," sabi niya.

"It's okay Welvic. Magpahinga ka muna," sabi ko sa kanya.

"I'm sorry I'm such a jerk, I'm sorry," sabi niya.

"It's okay Welvic, I understand"

VOTE AND FOLLOW ME :)

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon