*Unravel*

34 1 0
                                    

*FOUR DAYS BEFORE EVERYTHING*

Monique's Flashback

Nagmeet kami ni Michael sa Starbucks.

"Uy salamat sa pagpunta ah?" sabi ko.

"Eh kundi lang kita kaibigan," sabi ni Michael. "By the way, ano ba yung paguusapan natin? Bakit ang aga-aga nating nagkita dito?"

I hesitated. Sasabihin ko sana sa kanya mamaya pa sa kotse niya, pero as if gusto na niyang malaman kung bakit kami nagkita dito.

"Michael? Gusto ko kasing hanapin si tita Anastasia?"

Nanlaki yung mga mata niya.

"Sinong Anastasia?" tanong niya.

"Mama ni Welvic..."

Huminga siya ng malalim. Inantay naming matapos magserve ang waiter bago kami nang patuloy sa pag-uusap.

"Mama ni Welvic?" tanong niya ulit habang sinisipsip ang kape niya. "Pe-pero, sa laki ba nang mundo? Mahahanap mo ba siya?"

I nodded, "I conduct this research naman about her. And to sum up, I found out na nakatira siya ngayon sa Pampanga, pero hindi bilang si tita Anastasia Sehan kundi si Lourdes Makiling."

I showed the papers kung saan nakaprint yung documents na kung saan ay nakasaad ang mga research ko kay Tita Anastasia.

"Pampanga? That's a long way trip from here, dapat magsimula na tayong maglakad," biro niya.

Inubos namin ko yung frappe ko at sumakay na sa sasakyan ni Michael.

"So? Bakit mo ba hinahanap ang mama ni Welvic?" tanong niya habang inaayos yung seatbelt niya.

"Uh..."

"Uh? What? Mahal mo siya noh? Uy... Monique lumalandi na siya," sabi ni Michael.

Sinampal ko yung braso niya.

"Hindi kaya!"

"Eh bat ka namumula?" tanong niya.

"It's natural," sabi ko sabay himas ng pisngi ko.

He raised one of his eyebrows, "Pero Monique bakit nga ba?"

"I just want to return the favor," sabi ko. "Kitang-kita o kasi sa mga mata niyang miss na miss niya na yung mama niya."

"Ah..." sabi niya habang finofocus yung tingin niya sa daan. "So alam mo ba kung ano yung muka ng mama niya?"

"I saw it on a picture," sabi ko.

Biglang nagflashback saakin yung naglalakad kami ni Welvic galing mall, sa harap namin ay may dumaan na taxi. Naghinala ako ng makita kung sino yung nasa loob.

Just then, lately I realized na familiar yung babae sa loob, she was Welvic's mom. Kaya pala familiar yung mata niya, kasi kareplika ito ng mata ni Welvic.

"Actually, nakita ko na ito sa personal. I saw her mom inside a taxi, at first nagulat ako nang makita siya pero binaliwala ko lang ito," kwento ko.

"So? Paano na to?" tanong ni Michael.

"Basta dumiretso lang tayo sa Pampanga," sabi ko.

"Sige, matulog ka muna at baka napapagod ka, tutal malayo-layo pa naman yung Pampanga," sabi niya.

Inidlip ko ang mga mata ko. Afterall, kailangan ko talagang matulog.

**
Napaniginipan ko ang mga nangyari sa mga nakaraang oras.

Matapos kung umiyak at nilublob ang sarili ko sa sariling luha at pawis ay biglang naliwanagan ako. Biglang pumasok sa isipan ko ang isang kakaibang ideya. Bagamat kailangan ko ng matinding kooperasyon na ilan sa mga tao sa buhay ko ay inisip ko na lang gawin ito ng aking sarili para sa taong mahal ko.

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon