*I Will Come Back*

46 2 0
                                    

*STILL IN A FLASHBACK: FOUR DAYS BEFORE EVERYTHING HAPPENED*

Monique's Flashback

Shet! Hindi ko mamalayang Three days na pala ang lumipas mula nung umalis ako mula sa bahay.

Nagising ako sa ugon ng mga manok. Dumiretso ako sa baba na kung saan ay inilapag na ni Marylyn at tita Anastasia ang mga plato sa lamesa.

"Good morning hija, kumusta ang tulog mo?" sabi ni tita.

"Okay lang po tita, si Michael po ba nakita niyo?" tanong ko.

"Ah, umalis. Inutusan kasi ni ate na bumili ng bigas. Umm, babalik na rin yun maya-maya hayaan mo," Marylyn assured.

"In the meantime, kumain muna tayo anak," sabi ni Tita Anastasia.

Wala akong imik ng marinig ang salitang tinawag ni tita sa akin. Ano daw? Anak? Hindi ba siya nasasaktan sa sinabi niya? I mean hindi ba siya affected?

Umupo ako sa lamesa. Bago ako kumain ay nagdasal muna ako ng Prayer Before Eating The Meal prayer. Tapos nun ay sinunggaban ko na ang nakalapag sa lamesa.

A moment of silence....

Ang tahitahimik. Ang naririnig mo lang ay ang pagdampi ng kutsara sa plato, ang hangin na kumikiliti sa likuran ng iyong leeg, at ang mga ibon na kumakaway mula sa kalangitan.

"Oh, hija? Kumusta ang anak ko? I heard na magkaklase kayo?" nagulat ako sa tinanong ni Tita.

Matagal akong nakarecover at makasagot.

"Uh---"

"Still thinking of what happened last night?" she asked. "Huwag mo nang pansinin yun, bitter lang kasi ako dahil matagal ko nang di nakikita yung anak. Alam mo na, sino bang nanay ang hindi iiyak kapag di nila nakikita ang anak nila lumaki as years go by."

"Ah---" naiilang parin akong sumagot. "Okay naman po siya, katunayan po ay namimiss ka na nga po niya at gusto ka na po niyang makita."

She stopped from biting the spoon and dropped it.

"I can't..."

"Pero tita bakit po?" tanong ko.

"Hija, there are just some things flowered and arranged by God for a reason," from that very moment akala ko iiyak si tita pero ngumiti lang siya.

Natahimik kaming tatlo muli.

"Um---" sabi ni Marylyn. "Kukuha muna ako ng kanin, mukang ubos na kasi."

Umalis siya leaving the two of us.

"Hija? Gusto mo bang pumunta sa dagat mamayang hapon?" alok niya.

I nodded and did not hesitated.

***
Pumunta kami ni tita sa isang beach bandang 5:00, di naman ito malayo mula sa bahay nila, infact nilakad nga lang namin to eh.

Nang andun na kaming dalawa, pareho naming sininghot yung hangin- I smelled the fresh breeze of the flattering ocean. Napaka-asul ng dagat, at mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita mo na ang paglubog ng araw pabalik sa dagat.

"Ang ganda noh?" tanong ni tita.

"Opo," sagot ko.

"Alam mo nung naglayas ako, dito ako unang pumunta. The same thing na ginawa mo, sininghot ko rin yung amoy ng dagat," sabi niya.

"Takot na takot ako nun dahil binabalaan ako ni Derik na dadalhin niya sa ibang bansa si Welvic paghindi ako magpakalayo. At yun, nagpakalayo ako dahil takot akong tuluyan nang hindi makita ang anak ko. Pilit kong magparamdam sa kanya, binibigyan ko siya ng regalo tuwing birthday niya.

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon