Monique's POV
I woke up sa bagong ring tone ko:
'Hoy panget! Oo ikaw! Ikaw na sobra sa kapangitan! Tumatawag yung amo mong pogi! Pagdi mo to sagutin in ten seconds your dead! Ten... Nine... Eight... Seven... Six... Five... Four... Three... Two... One... Last chance na talaga to! Pag di mo to sagutin, you will be really dead! Ten-'
Letche! Ang aga-aga kung makadistorbo tong asungot na to. Nakakabwisot talaga tong lalaking to'. Akala mo kung sinong gwapo, kung maka tawag ng panget. Sinagot ko yung tawag niya, may magagawa ba ako?
"Hello?" sabi ko. "Pwede ba? It's nine in the morning pa!"
"Anong paki ko?" sabi ni Welvic sa next line.
"Oh? Anong kailangan mo?"
"Magkita tayo sa mall mga ten-thirty, same place" sabi niya.
"Diba band na tayo dun sa restaurant na yun?" sabi ko sa kanya reminding him our memories with that restaurant kung saan nakapaghugas kami ng maraming pinggan.
"Tama, sige sa may foodcourt nalang tayo magkita," sabi niya, then he hang up.
Ten-thirty pala ha? Pano kung mga eleven ako pupunta. It's pay back time, at saka ang tagal ko kayang nag-antay dun. Nilamok na nga ako nun eh, tas gutom na gutom pa ako that time.
Natulog ako tapos nun, mga ten o'clock nagising ako. Tinagalan ko sa banyo, mga thirty minutes nga akong naligo eh. Tapos nun ten minutes akong kumain. Plus yung twenty minutes na ride papunta sa mall at five minutes na lakad papunta sa food court. Over all, nakarating ako sa mall mga eleven-five.
Nakita ko siyang nakasimangot na tumitingin sa cellphone niya tapos sa relo niya. I checked my phone, twenty left messages. I opened it at puro kay Welvic lahat.Puro:
-Hoy Monique! Asan ka na? Twenty minutes ka nang late!
-Hoy Asan ka na ba?
-Badtrip naman oh! Bat ang tagal mong panget ka?
Nakayuko parin yung ulo niya. Lumapit ako sa kanya at tinapik yung balikat niya, lumingon siya at nagulat.
"Bat ang tagal mo ha?" sabi niya.
"Girl thing," I said smiling.
"Girl ka pala?" asar niya.
"Oo pareho tayong dalawa," sabi ko. "Ano palang gagawin natin ha?!"
"Sumama ka!"
Hinila niya ako papunta sa fifth floor. Hinila niya ako hangang makarating kami sa sinehan.
"Oh, pili ka na ng movie. Galingan mo ha! Ayaw ko ng movie na sobrang OA," sabi niya.
"Talaga Welvic?"
"Bilis bago magbago yung isip ko," sabi niya.
Ayaw niya pala ng medyo OA ha? Sige, pipili ako ng horror movie. Pinili ko ang The Nightmares at Elm Street. (Hohohoho! Sigurado talaga akong hindi siya maOAhan nito). Iniwan niya ako saglit para daw bumili siya ng pagkain namin para sa loob.
Umupo kami dun sa center seat kung saan ay kitang-kita namin ang buong view ng movie, nang nagsimula na ito nagulat na kami agad, nakakatakot kasi sa simula palang, yung mga babae sa sinehan nagtilian. Lumingon ako sa kanya, pinikit niya ang mga mata niya, ewan ko takot siguro.
Grabe throughout the movie parang mamamatay ako sa takot. Lumingon ako ulit sa kanya, pinipikit parin niya yung mga mata niya, bigla nalang siyang nagsnor. Tumitingin ba to sa mga sine before? Inaaksayahan lang niya yung pera niya kasi hindi siya tumingin.
BINABASA MO ANG
Alexithymia
RomanceFor Rea Monique Dujali, she has to live her life to the fullest. Recently, she was diagnosed with Hepatitis C, but alas it was mild and still curable by drugs. Yet, she still needs to be careful because one wrong move might change the run through he...