*And Then It Happened*

65 3 0
                                    

Monique’s POV

Sunday- 1:30 am

Nagising ako bigla sa sakit.

Lumiliyab yung tiyan ko dahil sa sakit na dulot ng sakit ko, pinipiit nito ang mga kaloob-looban ko at para bang inuubos nito ang lahat ng enerhiya sa katawan ko . Bigla nalang akong napaupo sa kama ko at napahawak sa tiyan ko. Sumisigaw-sigaw para makuha ang atensyon nila mama at papa.

Moments later, bigla nalang bumukas ang pintuan ko. Pumasok sila mama at papa na tarantang-taranta.

“Anak? A-anong problema?” sabi ni Papa, patting my back.

Hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ko, basta ang alam ko pinapaalam ko sa kanila kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

Tumatagatak ang pawis sa muka ko. Nang hindi ko na makayanan ay hinatak ako ni papa mula sa kama at dinala ako papunta sa kotse ni papa.

The next thing I knew, nakaupo na ako sa malambot na upuan sa likuran ng sasakyan ni papa. Hinimas-himas ni mama yung noo ko at pinupunasan ang mga pawis ko.

“Anak malapit na tayo, huwag kang mag-alala. Malapit na tayo,” sabi ni papa.

Napasuka ako sa backseat. Hinigpitan ni mama ang paghawak sa kamay ko. Takot na takot ako and I was crying.

“Matulog ka lang Monique, and then the next thing you would know nasa ospital na tayo anak,”  sabi ni mama.                                                                                            

Pinilit kong matulog… Pinikit ko ang mga mata ko… Pero hindi ko parin kayang matulog dahil sa sakit ng tiyan ko.

You see, this sesation often happens once or twice a month. That usual feeling when you’re having the best time of your life and then the next thing you knew you are about to die leaving a great past behind. Ito ang kinatatatakutan ko sa sakit ko, ang mapag-iwanan ang mga taong parte na nang buhay ko, sila mama, papa, Abigail, yung mga kaibigan ko, at si… Si Welvic… Yung bago kong kaibigan, yung taong naging imporatanteng parte na nang miserable kong buhay.

---

Nagising ako sa liwanag sa itaas ng ulo ko, “Am I dead?”

“Nope you’re not,” sabi ng isang boses sa gilid ko.

Lumingon ako sa kaliwang parte ko at nakita ang isang nurse na inaayos ang isang bouquet ng bulaklak sa side table ng kama ko.

“Asan ba ako?”

“Nasa St. Andrew’s Hospital. Inatake ka ng sakit mo kagabi at… You are one brave girl,” sabi ng nurse.

“Um, asan po sila mama?”

“Ah, nasa labas… Gusto mo papasukin ko?” she asked.

“Yes please…” I pleaded.

I saw my phone on the table and then grabbed it, I turned it on and saw many messages, 100 messages received.

Grabe anong petsa na ba? Tiningnan ko yung oras sa phone ko- Thursday, 10:30 am. Tulog ako for a day? Grabe ha? I opened the messages, puro kay Welvic lahat.

Almost alike lang ang nasa loob ng messages; 50 messages were: Hoy Monique! kung nasaan ka man paramdam naman oh!, 10 messages: Hoy Monique! Kung napasama ka na sa nalunod sa field trip dun sa movie na Maria Leonora Teresa! Postcard naman oh!, 40 messages: Hoooooooooooooy!, and then one message catches my eyes. And it made me smile…

It says: Monique naman oh! I miss you…

Bumukas yung pintuan ng room ko at pumasok si mama at papa ablaze. Ngumiti ako sa kanila, ang they smiled back.

“Parang okay ka na ah,” sabi ni mama. “Si Welvic yang katext mo noh?”

“Ha?”  napatulala kong tanong sa kanila.

“Yang katext mo? Sino yan?” tanong nila.

“Sina Ella at Myka,” biro ko.

They both raised one of their eyebrows.

“Yes!” pinanindigan ko yung sinabi ko. “Mom, how’s my liver?”

“Oh it’s fine, the same procedures. Natrigger yung liver mo, buti nalang no tumor growth,” sabi ni mama. “Ready ka na bang umuwi?”

I nodded.

Next few hours, dinischarged na nila ako sa ospital. Umuwi kami nila mama sa bahay. Nang pumasok na ako sa bahay, nagulat ako ng makita kung sino yung nakaupo sa couch- si Welvic.

Nang makita niya ako ay bigla siyang lumapit saakin at bigla niya akong niyakap. Hinigpitan niya pa ito, aaminin ko- komporatable ako sa yakap niya para bang matagal ko na itong hinahanap. I also thrust my hand against his back. Humiwalay kaming dalawa sa pagkayakap.

“Bat di ka nagiwan ng message man lang?” sabi niya. “Alam mo ba! Nataranta na ako kung ano ang nangyari sa’yo!”

“Huy! Easy lang! We just had a short vacation,” I lied. “Oh? Bat ka andito?”

“Namiss nga diba kita,” sabi niya. “So pwede ba natin gawin yung second step?”

How I’d wish! I thought, pero nakita ko si mama doing something with her face indicating na hindi dapat ako sasama. So instead I said, “Um, Welvic… Pwede bukas nalang? Kasi, I’m tired… Alam mo na galing pa sa byahe,”

“Ah, okay…” sabi niya. “Sige, uuwi na ako… Bye.”

Hinatid ko siya sa pintuan. “Bye...” sabi ko.

He smiled then suddenly hugged me, “Bye” he whispered to my ears.

“Bye,” I whispered back.

“Bye…”

“Bye…”

Humiwalay kaming dalawa sa isa’t-isa. Binigyan ko siya ng huling ngiti at pumasok na at pumunta sa kwarto ko. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko siya, he waved his hands and then nagwaved din ako. Isinara ko yung bintana ko at tumalon bigla sa kama, tumili ako at binaon yung muka ko sa unan.

Bigla nalang bumukas yung pintuan ko at pumasok si mama tarantang-taranta.

“Anak? okay ka lang?” sabi ni mama.

I smiled, “Yes…”

“Over, nagba-bye lang kikiligin agad?” biro ni mama.

Isinara niya yung pintuan at iniwan niya ako sa kama. Star-strucked parin ako sa nangyari, at hindi ko alam kung bakit. Inidlip ko yung mga mata ko para matulog, pero ang lagi kong naririnig sa isip ko ay ang pangalan ni Welvic.

VOTE AND FOLLOW ME :)

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon