*The Story From Behind*

62 3 1
                                    

Author's Side: Continuation ito from Welvic's Point of View ng *New Beginning* chapter. Or sort of story ito ni Welvic kung bakit nakalimutan niya bigla si Monique et-ce-te-ra. This will answer your questions julia_iccyl.

May ginaya akong isang scene sa BTCHO ni ate aly, it's kinda memorable kasi saakin. Pero don't you worry iniba ko ng konte, I just really loved that scene and I really love ate aly.

Oh well, five chapters nalang tapos na tong librong ito.

***
Welvic's POV

Muka akong tangang naka-upo sa bistro ng isang bar. Kanina pa ako inom ng inom ng alak. Halos hindi ko na nga alam how my life was totally f*cked up! Ang alam ko, gusto kong makasama si Monique, siya lang at wala ng iba!

Bigla nalang tumagos sa utak ko na para bang bala ng baril ang mga nangyari saakin before ako nagpanggap na kalimutan nalang bigla si Monique.

***
It's been four days na ever since nacomatose si Moniaud dahil sa sakit niya. And it's as if I can't forgive myself seeing her like that and not doing anything.

Hindi ko siya iniiwan 24/7. Ako yung nagbabantay sa kanya, kinakausap ko siya habang umaasang sasagutin niya ang mga sagot ko. Nagmumuka akong tanga kakaantay sa wala. Well, tapos na nila akong i-examine kung pwede ba ako maging possible donor niya. Pero hanggang ngayon wala pa ring resulta.

Biglang bumukas yung pintuan at pumasok si tito at tita na may dalang mga prutas.

"Hijo, magpahinga ka muna sa inyong bahay at baka nag-aalala na yung nanay mo sa'yo," sabi ni tito habang inaayos yung mga prutas sa table ng room ni Monique.

"Sinabihan ko na po si mama, pumayag naman po siya," sabi ko. "Tsaka ayoko pong iiwan si Monique."

"Hijo, kami na ang bahala kay Monique," sabi ni tito. "Tsaka ang baho baho mo na. Hindi ka man lang naligo for two days."

"Tito, ayoko pong iiwan si Monique!" tears started to pour on my face. "Ako po yung may kasalanan nito, kaya kailangan ko pong pagbayaran ang mga mali ko!"

Her father suddenly shook my whole body, "Hijo tumino ka! You're just depressed thay's all. Walang dapat sisihin! May mas malala pang naging problema na hinarap ni Monique kesa diyan!"

"Pe-Pero---"

"Sige na hijo. Kung ako si Monique, hindi niya papayagan may problema yung boyfriend niya," sabi ni tito.

"Okay po," I finally said.

Umuwi ako hindi lang para makapaghinga kundi pati na rin para makapag-isip. Sinalubong ako ng matinding yakap ni mama, she hugged me so tight as if parang nawala ako sa kanya ng matagal.

"Oh! Anak kumusta na si Monique?" tanong niya.

"Ayun po, comatose pa rin po," sabi ko. "Inaantay na lang po namin ang resulta ng test results ko."

"Oh, kailan ba matatanggap yung result na yan?" tanong niya.

"Ewan ko po, sige mama maliligo muna ako," sabi ko.

"Ah--- anak gusto mo bang magsimba?" anyaya ni mama.

Magsimba? Hindi ko na yun nagawa this past few days ah. Siguro nga ito yung kinakailangan ko. Kailangan ko sigurong magsorry sa mga kasalanan na nagawa ko.

"Sige ma! Antayin niyo muna ako at magbibihis muna ako," sabi ko.

Mabilis ay nagbihis ako. So sa hindi kalayunan ay tapos na akong maligo at magbihis. Bumaba kami ni mama atsaka nagcommute papunta sa isang simbahan.

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon