*The Friendship Date*

74 2 0
                                    

Welvic's POV

Hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko, habang naglalakad kami papalabas ng mall ay ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Panay yung tawa niya at hindi ko mapigilang mapatawa.

 Dami niyang pinabili- milk shake, mais, waffle, ice cream etc. At hindi ko namang mapigilang magbigay. Ang saya-saya ko kasi kapag kasama ko siya at hindi ko to alam kung bakit?

"Thank you pala," sabi niya.

"For what?" I asked.

"For this day," she said smiling.

 Eh, its worth it naman Monique. After all you have done enough for me, and with that I'm truly grateful. Also, I can see that she is the type of girl who won't give up on something.

 Naglalakad kaming dalawa, kasi an hour from now, pupunta na kami sa restaurant kung saan nagpareserve ako para sa dinner namin. Habang naglalakad kami bigla nalang siyang huminto. Tumingin ako sa kanya, ang cold ng mood niya. Teka? Ano ba ang nangyayari? Tumingin ako sa harap namin at alam ko na agad kung ano ang problema niya.

 Predicted ko na kung ano yung problema niya. Sa harap namin kasi ay isang lalaki na may kasamang buntis. From the looks of it, nagkakasiyahan silang dalawa. I glanced back at her, she's starting to cry.

Hinawakan ko yung kamay at lumapit ako dun sa kanila. Ngumiti yung babae sa akin at ngumiti din ako sa kanya at sa kasama niyang lalaki.

"Hello, kilala mo ba tong babaeng kasama ko?" sabi ko sa lalaki.

"Um Excuse me?" sagot nung lalaki.

"Andrew right?" sabi ko.

"Yes, and you are? By the way is that girl Monique?" he touched Moniques shoulders. "Uy! Long time no-"

 Sinuntok ko siya.

Lahat ay gulat, lumingon ako kay Monique, gulat na gulat din siya. Yung kasama niyang buntis ay nilapitan si Andrew. Mabilis na nakatayo si Andrew at sinuntok ako, sinuntok ko rin yung muka niya at nagsuntukan kaming dalawa. Inawat siya ng girlfriend niya at pumigil na din ako.

"Ano ba yung problema mo ha!" sabi nung Andrew.

"Huwag na huwag kang makahawak sa girlfriend ko! Wala kang karapatan matapos mo siyang iwanan!" sabi ko. "At nagpapasalamat din ako! Kasi kung hindi mo siya hiniwalayan,hindi siya mapupunta sa lalaking matino tulad ko!"

"Hindi ko naman siya... Teka sino ka ba ha!" sabi niya saakin.

"Ako nga pala si Welvic Sehan- anak ni Derik Sehan, isa sa mga may-ari ng malaking corporation dito sa Pinas. At ako yung boyfriend ng babaeng minsan ay pinakawalan mo!"

Matapos ko yung sabihin ay nagwalkout ako at hinila ko si Monique papalabas ng mall. It took so long bago kami nagkaroon ng conversation.

"Strike two na yun ngayong araw Welvic ah," sabi niya wiping her tears.

"Okay lang yun," I said smiling.

"Um tara. Kwekkwek tayo?"

"Ha? Anong Kwek?" tanong ko.

"Basta! Tara na!" hinila niya ako papalabas ng mall.

Monique's POV

Hinila ko siya papunta kwek-kwekan at isawan malapit lang sa labas mall.

"Ugh! What's that smell? Ugh!" sabi niya.

"Ang bango kaya!"

"Pero ang baho! Ugh!" inarte niya.

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon