*Chasing Hearts*

44 0 0
                                    

Monique's POV

Umuwi akong luhaan, tama nga ba yung sinabi ni Archie? Nagpapaka-tanga ako para sa isang taong ayaw naman ako?

Simple lang naman ang sagot niyan eh, sabi ng tao sa utak ko. Huwag kang magpakamartyr, huwag kang maniwalang may forever.

Ibinaon ko amg muka ko sa unan habang sinasabi ang salitang, "Ang tanga ko... Ang tanga! Tanga! Tanga mo Monique!"

May kumatok sa kwarto ko. "Pwede bang pumasok ang hari anak?" tinaas ko yung ulo ko at nakita ko si papang nakasandal sa pintuan.

Umupo kami sa sahig habang nakasandal kami sa higaan ko. We were both staring at the wall, well I was staring at my doll collection.

"Alam mo anak, bago naging kami ng mama mo may dinaanan kaming pagsubok," sabi niya.

"Huh?" napatingin ako sa kanya.

"Oo, galing kasi sa mayamang pamilya yung nanay mo. Ako naman isa sa mga alila ng pamilya nila," sabi ni papa. Woah! I never expected this story in the family.

"Tapos?"

"Well, I fell inlove with your mother and easily caught her eyes. Then, we fell inlove with each other. Of course, we hid our relationship because your mother was pre-destined for another guy- as decided by her parents," patuloy yung pagkwento ni papa. "Matapos nun, later on nalaman ng papa niya yung relasyon namin... He did everything to depart me from your mom. But in the end, destiny found it's way to make us meet again"

"Anong nangyari kay lolo?" tanong ko.

"Tinanggap niya ako lalu na nung naisilang ka na," sabi ni papa giving me a pat in the head. "So kumusta na?"

I cried, niyakap ko si papa, "Hindi ko na po alam pa, wala na ako sa aking sariling utak. Hindi ko alam kung ano ang gagawi  ko."

He laughed, "Anak ikaw mismo ang makakasagot diyan sa mga problema mo."

"Huh? Eh hindi mo naman ako naiintindihan eh!" sabat ko.

"The point is, anak. You don't need to suffer, all you need to do is to choose between the choices. At kailangan mong mamili ng tama, piliin mo yung sa tingin mo ay makakabuti sa'yo."

Isinandal ko yung ulo ko kay papa. "Paano kung makakapili ako ng maling desisyon?"

"Then cheat. You control your own life," sabi ni papa. Tama ba tong naririnig ko? My dad- who consequently taught me since kindergarten na it's bad to cheat -is depriving me to do so?

I rolled my eyes.

"Okay, matulog ka na anak," sabi niya. "You've got a big day tomorrow!"

"Huh? Bakit po?"

"Diba bukas na yung Senior's Ball?" tanong ni papa.

Shish! Ayan na naman yang Ball na yan! Ilang ulit ko bang sasabihing hindi ako pupunta?

"Hindi po ako pupunta papa," sabi ko.

"Huh? Bakit?"

"I don't feel so," sabi ko.

"Well, I've got a feeling that something big is happening tomorrow," he winked at me. "Father's instincts..."

Humiga na ako sa higaan ko and called it a night.

***
Kinabukasan, I was startled with another choice in my life.

Bumaba ako mula sa taas at dumiretso sa kusina. Naririnig ko kasing nag-uusap sina mama at papa, actually nagbubulungan sila.

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon