Epilouge

55 2 0
                                    

This is it, this is the end.

xoxo*
---------------------

Monique's POV

"Archie dalian naman natin oh?" sabi ko kay Archie. Kani-kanina lang kasi ay tinawagan ko siya para kuhanin ako rito sa sea wall, I explained everything at pumayag naman siyang ihatid ako. "Kailangan nating maabutan yung ball, bago pa mahuli ang lahat."

"Bat ka ba nagmamadali?" tanong ni Archie saakin. "Tsaka bat nagbago yung isip mo na pumunta sa Senior's Ball?"

"Dahi kung hindi---" hinigpitan ko yung pagka hawak ko sa bracelet. "Dahil kung hindi, mawawala saakin yung taong pinakamamahal ko."

"Oh sige itutodo ko na tong sasakyan ko," sabi niya habang minamaneho yung manibela. Mas bumilis pa yung galaw ng kotse niya.

My phone rang.

"Monique asan ka na ba?" sabi ni Ella sa receiver. "Malapit nang matapos yung Senior's Dance. Which means, magpropropose na si Welvic kay Tricia."

"Paparating na ako," sabi ko, nagsisimula na akong umiyak, pero pinipigilan ko yung sarili ko. "A---antayin niyo ako."

"Sabihin mo kay Welvic yan," sabi niya while she ended the call.

"Archie, please bilisan mo naman oh?" sabi ko habang minamadali si Archie.

Napatigil yung kotse niya dahil sa mahabang traffic. Diyos ko bat ngayon pa! Ngayon kung kailan ay mawawala na saaking ang lalaking pinakamamahal ko.

"Monique, mukang matatagalan tayo rito?" sabi niya. "Napakahaba ng traffic eh."

Napatingin ako sa labas. I was about to cry pero biglang may isang solusyon na dumaan sa harap ng mga mata ko.

"Sige Archie, lalabas na lang ako," sabi ko.

"Huh? Tatakbo ka papunta doon?" sabi niya. "Eh, mas matatagalan ka nun."

I laughed, "Hindi, mag momotor ako." I smirked at the man riding the motorcycle besides me.

"Oh, sige. Good luck on finding your true love," sabi niya. "And I am sorry for everything."

"I should be the one apologizing you, dahil pinaasa lang kita," I said kissing his cheeks. "Thank you though!"

Bumaba ako sa sasakyan niya tsaka pumunta ron sa tabi ng driver ng motorcycle.

"Kuya pahatid naman oh?" sabi ko.

"Huh?" gulat niyang tinanong. "Saan?"

"Diyan lang po sa malapit, sige na po. It's a matter of love, ikaw po kuya kung mawawala po yung taong mahal niyo dahil hindi niyo siya naabutan, sasaya po ba kayo nun?"

"Oh, sige... Sakay ka na, ayusin mo yang sarili mo at baka mahulog ka sa bilis ng itatakbo nitong motor ko," sabi niya.

"Opo, thank you po," sabi ko.

***

Di kalayunan ay umabot rin ako bago matapos yung Senior's Dance. Pero bago ako makapasok ay hinarang ako ng guard.

"Miss saan yung invitation mo?" tanong niya.

"Huh? Eh? Naiwan ko po kasi," sabi ko lying. I didn't even know na kailangan pala ng invitation para makapasok. "Papasukin niyo na po ako."

"Sorry miss, pero hindi pupwede. Kailangan mo ng invitation or pass para makapasok," sabi ng guard.

"Sige naman po kuya oh?" sabi ko habang pinipilit ang sarili ko papasok sa loob. I could hear the Waltz ending now, which means malapit nang magpropropose si Welvic.

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon