Welvic's POV
My dream turned into a nightmare.
Naglalakad ako sa isang makitid na hallway, everything was painted white. Walang patutunguhan ang paglalakad ko. Hindi ko alam pero sinusundan ko lang naman ang tawag niya.
"Welvic!"
Ayan naman yung boses niya. That same sweet voice of Monique, iniingganyo niya akong sundan ito, pero asan? Patuloy parin yung paglalakad ko, wala akong patutunguhan.
Alam kong panaginip lang ang lahat ng ito. Alam kong wala itong katotohanan. Alam kong isang kirot lang sa balat ko ay gigising na ako bigla.
I stopped dead on a door infront of me. I hesitated on opening the door.
"Welvic!"
But there's that voice again. And so I opened the door. Nagulat ako ng makitang nakaupo si Monique sa isang bench wearing a white gown. Tumakbo ako para lapitan siya pero nang papalapit na ako sa kanya nakatali na yung kamay ko mula sa isang kadena papunta na nakadikit sa dingding.
Pilit kong lumapit pero ayaw ng kadena na pumahiwalay sa dingding. Bigla nalang lumalayo si Monique, gumagalaw yung upuan. Nagsimula na akong umiyak. Habang papalayo siya ay tinatawag niya ang pangalan ko.
"Welvic! Tulong!"
"Welvic tulong!"
May mga dilaw na dahong pumapagatak mula sa ibabaw. Parami ng parami ito at parang nawawala na si Monique sa paningin ko. Hindi ko siya nakikita dahil sa dami ng dahon, tanging boses na niya lg ang naririnig ko.
"Welvic! Huwag mo kong pabayaan!"
The image shifted. Parang nasa isang patag ako na bukirin, kahit na gabi ay nakikita ko parin ang kapatagan dahil sa ilaw na binibigay ng buwan.
"Nnnnnyyyaaaaaaaaaaaaaahhh! Weeelviiic!! Aaaaaaahhh!" sumisigaw na boses ni Monique.
Lumingon ako sa itaas at nagulat ako ng makitang nahuhulog si Monique mula sa itaas a few feet away from where I stood. Binilisan ko ang takbo, perk parang nakaslowmo ako, at napakabilis ng pagkahulog iya mula sa itaas.
Huminto nalang ako at tiningnan kung paano siya mamatay dahil sa pagkalakas ng bagsak niya.
"Welvic tulong! Aaaaaahhhh!
"Please tu-"
**
Nagising ako sa tunog ng phone ko.
I took it from the table beaide my bed.
"Kaaga-agang tumawag," sabi ko sa sarili ko.
I took the call.
"Hello?" sabi ko sa receiver.
"Welvic? Tatanong ko lang sana kong andyan ba si Monique?" tanong ng mama ni Monique.
"Wala po tita. Bakit po? Saan po ba si Monique?" tanong ko.
"Hindi kasi siya umuwi simula nung umalis siya para puminta sa klase," sabi ni tita.
"Ano ho?!"
I ended the call at nagmadaling magbihis. I took a cab papunta sa village nila. Alam ko nang may maling nangyayari, sa lahat ng bahay sa kanilang village bahay lang nila Monique ang naka-on ang ilaw.
I rang their doorbell at nagmadaling bumukas si tito, pumasok ako sa kanilang bahay at nag-aantay na si tita kasama yung kapatid niya sa sala.
Umiiyak na si tita at hinahaplos ni Abegail yung likod niya.
BINABASA MO ANG
Alexithymia
RomanceFor Rea Monique Dujali, she has to live her life to the fullest. Recently, she was diagnosed with Hepatitis C, but alas it was mild and still curable by drugs. Yet, she still needs to be careful because one wrong move might change the run through he...