Monique's POV
"So kayo na!"
Andito ako ngayon sa canteen kasama ang dalawa kong bestfriends. Grabe namiss ko talaga silang dalawa, lalo na tong kadaldalan ni Ella, kaya nga first thing in the morning ay hinanap ko na sila. Eh, akalain mo mahigip one week ko silang di nakita at nakasama. Kaya ayun, pagkarecess ay kinuwento ko na kaagad yung nangyaribsa kanila about nung naging kami na ni Welvic.
"OMGEEE! Like ang sweet ng nangyari sa inyong dalawa," sabi ni Myka. "Teka, talaga bang buo yung decision mo? O baka may kasamang alinlangan yung, dahil sa alam mo na?"
"Shhh. Wag kang maingay, baka marinig tayo ng iba at malaman pa yan ni Welvic. Hindi ko pa sinabi sa kanya na may sakit ako," sabi ko. "Pinag-iipunan ko pa ng lakas yung araw na yun, in the mean time I'll just cherish my moment with him muna."
"So kailan mo sasabihin? Nang mamatay ka na?" sabi ni Ella.
"Siguro. O baka wag nalang, ayaw ko kasing masaktan siya," sabi ko. "Mahal na mahal ko na kasi siya."
"Yiiiieeee! Nakakakilig," sabi ni Myka.
"By the way, samahan niyo ako mamaya ah. Magpapacheck-up ako kay doctor Alexandra, tatanungin ko kung okay pa ba 'tong atay ko," sabi ko.
"Kala ko ba si doktora Jim yung pedia mo?" tanong ni Myka.
"Eh, bago na kasi malapit na akong mag-eighteen so hindi na ako pedia, I heard magaling din daw na doktor yung bago kong specialista," I explained.
"Talaga bang gusto mo kaming isama?" sabi ni Ella habang ngumunguso siya indicating that there's someone behind me.
Lumingon ako at papalapit na yung taong mahal ko.
"Hey princess, sabay na tayong pumunta sa palasyo natin," sabi niya at biglang naghiyawan ang lahat sa canteen. Kinikilig yung iba, samantalang ang iba naman ay nagbubulungan.
Lumigon ako kena Ella at Myka, "Kita na lang tayo mamaya sa gate, bye!"
Sabay kaming pumunta sa pangalawa naming klase- which is Literature. Nakaakbay saakin si Welvic habang papunta na kami doon. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Tumingin siya sa kamay ko.
"Asan yung bracelet?" tanong niya with his oh-so-galit-ako look.
"Nasa bag ko, tsaka bat ka nagagalit?" tanong ko pabalik sa kanya.
Hinila niya ako papunta sa isang bench at umupo kaming dalawa. Hinatak niya mula sa kamay ko yung bag ko. Binuksan niya ito at nagsimula siyang maghanap sa loob.
"Huy wag mong galawin yan andyan yung napkin ko---" sabi ko. "--- Huy! Ano ba kasing hinahanap mo? Yung bracelet? Andyan sa may bulsa..."
Binuksan niya yung bulsa at kinuha yung bracelet, inilagay niya ito sa kamay ko, "Huwag na huwag mo 'tong huhubarin. Ito yung simbolo ng aking pagibig. Paghuhubarin mo ito meaning nito hindi mo ako mahal."
"Anong simbolo ng pag-ibig mo? Ang korny mo? Tara na nga!" hinila ko siya pabalik sa hallway.
We were so quiet, not until I thought of something to start our conversation.
"Welvic? Nung nasa resort tayo, may nagpropropose dun sa pool kung saan ako nalunod," sabi ko to open up our conversation. "Tapos, yung tawagan nila Mak, ano yung tawagan natin sa isa't-isa?"
"Ikaw ano yung gusto mo?" tanong niya.
"Ewan ko? Babe? Love? Honeypie?---"
"Don't tell me ang susunod ay cookiebear? Eeww! Napakadumi nung Monique! Yuck!" sabi niya habang nilalabas yung dila niya as a sign of disgust.
BINABASA MO ANG
Alexithymia
RomanceFor Rea Monique Dujali, she has to live her life to the fullest. Recently, she was diagnosed with Hepatitis C, but alas it was mild and still curable by drugs. Yet, she still needs to be careful because one wrong move might change the run through he...