*Midnight Crawlies* Part 02

61 2 0
                                    

Welvic's POV

Sinundo ko siya, seven o'clock on time sa bahay nila. As usual, nanghiram na naman ako ng kotse kay Alden. Bumukas yung pintuan ng bahay nila at hinatid siya ng papa niya papalabas, ngumiti yung papa niya saakin.

"Ikaw na bahala sa prinsesa ko ha?" sabi ng papa niya.

"Okay po," sabi ko.

"Magenjoy kayo... At saka, Welvic, isauli mo ang anak ko exactly ten! Paglagpas ka sa oras hindi ka na makakabalik," sabi ni tito.

"Dad!" Monique scolded.

"Joke!" sabi nisya.

Pinaandar ko na yung sasakyan at saka pumunta na kami sa skwelahan. Hininto ko yung kotse sa kabilang kanto sa harap ng gate sa school. Inabot ko ang isang black na jacket sa kanya, nagsuot din ako. Bumaba kami ng sasakyan at pumunta sa kabilang kanto.

Chineck ko yung gate, gising pa yung guard.

"Paano tayo papasok nito?" tanong niya.

"Uh, dun! Sa shortcut naming magbarkada," sabi niya.

"Saan?" tanong niya.

"Sa bakuran ng school," sabi ko.

"Dun sa tapunan ng basura?" tanong niya.

"Oo," hinila ko yung kamay niya pero ayaw niyang gumalaw.

"Eh, ayaw ko," sabi niya.

"Tara na..."

"Madumi dun eh," sabi niya.

"Wag ka na ngang maarte," sabi ko.

"Hmp!"

Sa huli, sumama siya saakin. Hinila ko ang mga kamay niya papunta sa bakuran ng school, kung saan dun tinatapos lahat ng basurahan, and at the same time a place where there is a small hole on its fence. The small hole sereves as our way outside the campus, when we (Alden, Rachel, and I) usually had to cut class.

Idiniin ko ang katawan ko sa butas and in a matter of time nakapasok na ako sa campus. Sumunod din si Monique.

"So is this the way, wherein you and your friends skip your classes?" tanong niya.

"Sort off, tara?" I held my hand.

 She grabbbed it. We were holding hands, while walking and examining the school during night time. Wala kaming dalang flashlight kaya yung ilaw sa phone namin yung gamit namin.

"Grabe nakakatakot pala ng school pag gabi," sabi niya.

"Ang OA mo... Eh mas matatakot pa siguro yung multo sa muka mo," biro ko.

"Whatever," sabi niya.

I did not noticed na magkahawak pa parin yung kamay naming dalawa. Biglang lumakas yung hanging, mas lalo niyang hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko.

"Takot ka?" tanong ko.

"Hindi noh!"

 Bigla nalang may tumunog. Sa hindi ko namalayan, bigla niyang hinila ang katawan ko at niyakap ito.

"Takot ka eh," sabi ko.

"Hindi kaya!"

"Wag kang mag-alala, andito lang ako," I said to her patting her back. "Hawakan mo lang yung kamay ko."

 Hinawakan niya nga yung kamay ko. Patuloy parin yung paglalakad naming dalawa, hanggang sa mapunta kami sa iisang building, which is six floors, sa campus na may rooftop. Umakyat kaming dalawa sa hagdan.

AlexithymiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon