Kabanata I

17.7K 265 9
                                    

*Angela POV*

"Woohhh party, party yeah" sigaw ko..

Andito ako ngayon sa bar kasama ang mga kaibigan ko.

Ang sarap maging malaya..
Malayang magagawa lahat ng gusto ko.

"Sge pa.. cheers guys" Sabi ko pa sa mga kaibigan ko kaya't kinuha nila ang mga inumin nila sa mesa saka sabay sabay naming ininum.

"Hi Miss" Sabi ng isang lalaki.

"Girl ikaw yata ang hanap sayo nakatingin oh" Sabi ni Nicole isa sa mga bitch ng school namin.

Tiningnan ko ang lalaki saka nginitian..well hot naman siya at gwapo.

"Oh, hello there handsome" malanding sabi ko dito.

"Mind if I can dance you miss?" Sabi ng lalaki.

"Oh sure babe why not?" Malanding sabi ko dito kaya pumunta na kami sa dancefloor.

Giling dito, giling doon..itong lalaki naman grabe kung makahawak sa bewang ko.

"What's your name miss?" Sigaw na sabi nito dahil sa lakas ng tugtug.

"Angela" ganting sigaw ko dito.

"Nice name" Sabi nito..

"I know" nakangising sabi ko dito.

Ilang sandali lang naramdaman kong bumaba ang pagkakahawak niya sa bewang ko kaya't tinulak ko agad ito at sinampal.

"Bastos" sigaw ko dito sabay balik sa mesa namin..

Kinuha ko nalang ang mga gamit ko at  napag desisyonang umuwi.

"Hey Angela uuwi ka na ba?" Sigaw na tanong ni Monique isa rin sa mga bitches ng school namin.

"Yeah, gotta go" Sabi ko nalang saka tumalikod na sakanila.

Nang makauwi ako bukas pa ang ilaw.

"Ma, anong ulam?" Sigaw ko pagkarating ko.

"Oh, anak andito ka na pala" Sabi nito.

"Malamang ma, magulat ka nalang wala pa ako dito" malditang sabi ko dito.

"Oh, siya andito na ihahanda ko lang makakain mo!" Sabi nito kaya't pumunta muna ako ng kwarto at nagpalit ng suot.

Nang makababa ako pumunta agad ako ng hapag.

"Gulay na naman ma? Lagi nalang gulay ulam natin di ba pwedeng Karne naman o adobong manok" inis na sabi ko dito..

"Eh kasi anak yan lang ang nakayanan ko sa paglalabada Kaya hayaan mo bukas adobong manok naman ang ulam natin" Sabi nito.

"Lagi ka namang ganyan eh, makaalis na nga." Inis na sabi ko.

"Di ka ba kakain nak?" Tanong ni mama.

"Hindi na nawalan na ako ng gana" Sabi ko dito sabay pasok ng kwarto..

Hayys..buhay nga naman..

Di naman ako magiging ganito kung hindi lang nakita ng tatay ko na may lalaking kasama si mama sa kwarto kaya't iniwan niya kami at nag asawa ng iba.

Hindi niyo rin ako masisisi kung galit ako sa nanay ko dahil kasalanan naman niya lahat.

Hayy..makatulog na nga..

~Dream~

Nasa isang building ako..nang maramdaman ko ang pag uga ng semento..

Oh my, lumilindol.

Dali-dali akong pumunta sa malapit na exit ..takbo lang ako ng takbo..

Hanggang sa nakita kong ang building na kung saan nandun ako kanina ay matutumba na papunta sa direksiyon ko kaya't dali dali akong tumakbo ng mabilis kahit patuloy parin ang pag uga ng lupa.

Nakakita ako ng ibang daan kaya't agad akong lumiko..

Woohh muntik na ako dun..

Umuuga parin ang lupa na naging dahilan upang mahati ang lupa sa lugar kung nasaan ako..

Naghanap ako ng open area na malayo sa mga naglalakihang gusali..

Napansin ko naman ang isang matandang pulubi na humihingi ng tulong sakin..

Nagmamakaawang tumingin ito sakin nakita ko naman ang sugat nito sa ulo..

Siguro ay natamaan siya ng kung anong bagay..

"Iha! Tulungan mo naman ako" Sabi nito.

Nakita ko sa likod nito ang pabagsak nang gusali..

Kaya't hindi ko ito pinansin tsaka tumakbo sa open area ng lugar.

Pagkarating ko sa open area ay ang pagtigil naman ng lindol.

Bigla akong nakonsensya sa matanda kanina..

Napaiyak nalang ako..ano bang nangyayari sa mundo?
Bakit nangyayari ang ganitong delubyo?

Biglang nagbago ang paligid ang kaninang naglalakihang building at nawala at napalitan nalang ng tuyong-tuyo na lupa.

Everything here is darkness.

Hanggang sa may narinig akong humihingi ng tulong..

Napansin ko ang isang malaking butas kaya't pinuntahan ko ito.

There I saw many people.. lumalangoy sila sa dagat ng naglalagablab na apoy.

Humihingi sila ng tulong, tumatangis at umuungol dahil sa sakit na nararamdaman.

Ito ba ang impyerno?

Then I saw myself falling from that hole..

Hindi!

No! Nooooooooooooooo!!!!!!

"NO!!!!!!!!!!" Sigaw ko..

"Anak bakit? May nangyari ba? Ano? May masakit ba sayo? Sabihin mo?"  Nag-aalalang sunod-sunod na tanong ni mama ng makapasok siya sa kwarto ko..

"O-okay lang ako..masamang panaginip lang" Sabi ko saka napahilamos ng mukha..

"Siguradong okay ka na?" Tanong pa nito.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Oh siya bangon na, may klase ka pa" Sabi ni mama..saka lumabas ng kwarto ko.

Inisip ko naman ang panaginip ko.
Nakapagtatakang nakalimutan ko agad iyon..

Bat nakalimutan ko agad?

Bat parang nararamdaman kong masama ang panaginip na yun?

Ano bang klaseng panaginip yun?

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon