Kabanata XXII

3.2K 90 1
                                    

*Angela POV*

Pauwi na ako ng makatanggap ako ng tawag galing kay mama.

Himala naman ata at tumawag si mama! Di Kasi yun nagpapaload.

"Anak? Anak ikaw na ba yan?" Sabi ni mama sa kabilang linya.

"Oo bakit?" Tanong ko dito.

"Anak pumunta ka agad dito, yung papa mo....." Putol na Sabi ni mama..tila kinabahan naman ako..si mama kasi pa suspense pa.

"Anong nangyari kay papa?" Kinakabahan kong tanong..kahit na may galit ako sa papa ko di ko parin maiiwasang isipin na ama ko parin siya.

"Ang papa mo kasi dinala na sa operating room..sumakit kasi yung kidney niya kaya't agaran siyang inoperahan kailangan na daw kasi nilang tanggalin yung sirang kidney na yun bago pa daw lumala lalo ang kondisyon ng papa mo lalo na't may lung cancer patients nito"mahabang pahayag ni mama.

Diyos ko..saan ako kukuha ng pera eh!! Kakukuha ko palang kanina ng first sahod ko.

Kung umutang nalang muna kaya ako kay Michael..pero nakakahiya naman eh!! Bahala na nga!

Sumakay na ako ng taxi..kahit labag sa loob ko kailangan kong sumakay ng taxi at puntahan sina mama sa ospital.

Pagkarating ko doon nag-iisang naghihintay si mama sa labas ng operating room.

"Ma ano nang balita?" Agarang tanong ko pagkarating ko sa tabi ni mama.

"Hindi ko pa alam nak, hindi pa lumalabas ang doktor" nakatulalang sabi nito.

Ilang sandaling lang nakita naming lumabas ang doktor kaya't sabay kaming napatayo ni mama..lumapit naman samin ang doktor.

"Well...the operation went successful" sabi ng doktor kaya't nakahinga naman kami ng maluwag.

"Salamat sa diyos at naging maayos ang operasyon, Salamat po doktor" Sabi ni mama tsaka nagpasalamat sa doktor.

"Pagkalabas niya dito..agaran siyang idadala sa ICU upang mas mabantayan siya, Mauna na ako sa inyo" Sabi ng doktor saka umalis na..

Ilang sandali lang nakita naming inilalabas na ng mga nurse si papa palabas ng operating room.

Sumunod kami sakanila hanggang sa ipasok siya sa ICU..pinasuot nila kami ng protective gear tsaka mask.

Kailangan daw ito for safety ng pasyente nila.

Dumating ang doktor kasama ang nurse siguro iche-check nila yung vital signs, hearbeat etc.

"Stable parin naman ang kalagayan ng pasyente siguro this week magigising na siya..ang kailangan lang niya ay mag-ingat lalo na at sariwa pa ang sugat nito..wag siyang magpakapagod at also painumin ng gamot sa mga nasabing oras ng pag-inom nito" Sabi ng doktor samin kaya tumango nalang kami..tumango naman ito tsaka nagpaalam na samin kasama ang nurse na nag check kanina..

Hayy!!! Pera na naman ang kailangan para sa gamot na iinumin ni papa.

Dahil sa ayokong umuwi muna ako ang nagbantay kay papa pinauwi ko na muna si mama dahil siya nalang ang laging nandito..

Uuwi naman ako bukas para makapag ayos para pumasok sa school.

Dinala ng mga nurse si papa sa isang VIP room ng hospital..nakapagtatakang man pero ang sabi ng mga nurse for safety daw yun ni papa..kaya't hindi na ako nagsalita.

Umupo ako sa katabing upuan ng higaan ni papa.

Grabe ang tahimik dito..di ko kaya ang katahimikan nakakabingi lang.

Hayy makatulog nalang muna!!

~dream~

Nasa gitna dagat... tanging hawak ay isang puno ng saging..

Bat ako narito? Nandun palang ako sa hospital kasama si papa..bat napunta ako dito?

Napatingin ako sa paligid! Wala akong nakikitang ni isang Isla naman lang..nasaan ba ako..

Maski isda wala akong makita..langoy lang ako ng langoy sa gitna ng karagatan ngunit parang wala na itong bukas pagod na pagod akong nakahawak sa puno ng saging at ginawang pansuporta para hindi ako malunod.

May narinig naman akong humihingi ng tulong kaya't napatingin ako sa iba'ibang direksiyon ng karagatan..

Nakita ko hindi kalayuan isang babaeng may hawak hawak rin na puno ng saging para pangsuporta sa paglangoy..

Ilang sandali lang biglang may pwersa ang humablot sakanya..

"Miss tulong" Sabi nito.

Ilang sandali lang may lumitaw na isang pugita at ang humihila sa babae kanina ay ito pala.

Bakit may nabubuhay pang ganitong kalaking nilalang sa dagat..

Mas malaki pa ito sa isang klase ng balyena..

Napatingin naman ako sa babae at  nakita ko ang nagmamakaawang mukha ng nito na gustong humingi ng tulong sakin...

Bigla nalang siyang kinain ng pugita kaya't napasinghap ako sa nasaksihan.. Halimaw!!!! Halimaw ang nilalang toh..akalain mong kinain niya ng buo yung babae..

Nakakatakot..saan ba nanggaling ang nilalang na toh?

Tumingin ito sakin kaya't nanlaki ang mata ko..agaran akong lumangoy ng lumangoy para makalayo sa nilalang na yun.

Bigla nalang akong napasigaw ng may humablot sa paa ko pailalim ng dagat..parang hinihigop ako nito palalim ng palalim..

Dahil sa nauubusan na ako ng hininga wala akong magawa kundi ang dalhin ako nito sa ilalim ng madilim at malamig na dagat.

Siguro ito na ang katapusan ko..
Siguro dito nagwawakas ang pagiging suwail kong anak..

Nababagay lang ito sakin..nababagay lang ito sakin na isang makasakanang anak ng diyos.

Napapikit nalang ako at dinamdam ang pagtibok ng puso ko na ngayon ay humihina na..

Napapikit nalang ako at hinayaang dalhin at kainin ng kadiliman.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon