Kabanata XLVII

2.8K 75 1
                                    

*Angela POV*

Ngunit nagkamali ako..nakita kong nagsuka ang ibang kasamahan namin ng dugo na para bang nilason sila ng kung ano.

Napatingin naman ako kay mama ng mapabuga siya ng dugo..

"Ma!!" Naiiyak na sabi ko.

Agad kong sinalo si mama na natumba dahil sa panghihina.

"Ma!!!!" Umiiyak na sabi ko.

"W-wag nang u-umiyak nak!! Si papa m-mo, alagaan mo a-ah? Kahit w-wala na ako w-wag mo rin i-iiwan ang p-papa mo" Sabi ni mama..habang patuloy parin ang pag-ubo ng dugo..

"Ma! Kahit ngayon lang wag kang bibitaw please!! Magiging ligtas na tayo! Sinabi niya sakin" umiiyak na sabi ko.

"P-panahon ko na a-anak!!" Sabi niya sabay haplos sa mukha ko..agad ko namang hinawakan ang kamay siya at dinamdam ang init ng haplos niya sakin.

Haplos ng isang inang mapagmahal.

"Ma!! Wag mo kong iwan please" umiiyak na sabi ko..

"Mahal kita anak ko" Sabi niya sabay ngiti kaya't mas lalo akong naiyak.

"Maaaaa!!!" Umiiyak kong sabi..ng makita kong ubo na siya ng ubo ng dugo.

Ilang sandali lang huminga siya ng malalim hanggang sa dahan dahan na niyang ipinikit ang kanyang mga mata..at bumitaw sa pagkakahawak sakin.

"Hindiiii!!!! Ma!!!!!" Sigaw ko habang umiiyak..

Ma!! Bakit mo kami iniwan?
Bat hindi ka lumaban?

~Sa buhay kong ito, tangging pangarap lang
Ang yong pagmamahal, ay nakamtan
Kahit na sandali, Ikaw at mamasdan
Ligaya'y tila ba, walang hanggan~

~Sana'y di na magising, kung mangangarap man din
Kung ang buhay na makulay, ang tatahakin
Minsan ay nadarapa, minsan din at luluha
Di kana, maninimdim
Pagkat sa buhay mo ay may nagmamahal parin~

~Iingatan ka, alagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa ating mundo'y , may gagabay sayo
Ang alay kong ito pagmamahal ko
May nagmamahal
Aakay sayo
Aking inay ikaw ang nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na~

Wala na!! Wala na ang mama ko!
Wala nang maghahain sakin tuwing umaga. Wala nang mayaghihintay sakin tuwing gabi kung dumating na ako.

Di ko na makikita ang mga masasaya nitong mata at ngiti sa labi.

Wala na!!

Napatingin ako sa paligid nakita kong hawak hawak ni aling bebang ang apo nito na nalason din..

Ang daming nawala saaming panig.

Tumingin ako kay papa na nanonood lang pala samin..umiiyak at nais hawakan si mama kaya't binuhat ko si mama papunta kay papa.

Umiyak lang ako ng umiyak ng makita ko kung paano yakapin ng mahigpit ni papa ang patay nang katawan ni mama.

"Asawa ko!! Bakit mo kami iniwan? Sinabihan na kitang wag kainin yun ngunit di ka nakinig!" Umiiyak na sabi ni papa.

Napayakap nalang ako sakanilang dalawa ni mama..

~fast forward~

Kahit gabing gabi na inilibing namin sila mama at ang mga namatay..

Puno ng pagluluksa, sakit at tangis ang aming nararamdaman ngayon.

Hanggang sa mag-umaga na!! Mahirap mang iwan sina mama at ang mga namatay.. kailangan parin naming magpatuloy para mailigtas ang mga tao..

Nag-umpisa na kaming maglakad..ilang oras ang nilakbay namin dito sa gubat nang mapagdesisyonan naming magpahinga..napapagod narin akong pasanin si papa.

"Kahit anong mangyari wag kayong iinum ng tubig sa kalapit na ilog" Sabi niya.

Tumango lang ako ngunit huli na nang makita kong umiinom ang iba ng tubig..tumayo ako at tumakbo palapit sakanila.

"Hindi!!! Wag nitong inumin yan!!" Sigaw ko..umiiyak na tumingin ako sakanila..

Nakita kong ngumiti lang sila sakin hanggang sa nanginig ang katawan nila habang bumubula ang mga bibig hanggang sa bawian ang mga ito ng hininga.

Hindi kasalanan ko ito!!
Wala akong kwenta..

Umiiyak na napaluhod nalang ako habang nakatingin sa mga walang buhay nilang katawan.

Pati mga bata na walang muwang pay di pinalagpas..bat wala akong nagawa? Bat nahuhuli nalang ako lagi..

Kunti nalang kaming natira! Bakit? Bakit kailangang may mabawasan samin..

Marami kaming umalis ngunit konti nalang kaming makakarating sa distenasyon namin.

Isa Isa nilang binuhat ang mga walang buhay nang kasamahan namin saka inilagay sa inukay nilang lupa..

Patawad! Patawad dahil di ko kayo natulungan! Patawad dahil wala manlang nagawa ang isang tulad kong walang kwenta.

Matapos ilibing ang mga kasamahan namin kinailangan na naming umalis.. kahit labag man sa kalooban namin.

Ilang araw kaming naglabay hanggang sa makarinig kami ng kakaibang tunog mula sa langit.

Bigla nalang lumiwanag ang liwanag na nagsisilbing gabay namin at pumunta sa ere pumorma ito na para bang spotlight at doon nakita namin ang nakatayong paaralan.

Ang Heaven's Angels University.

Agad kaming nabigyan ng pag-asa at nag-umpisang maglakad..nasa kalagitnaan kami ng malawak na lupain ng biglang umulan ng yelo.

"Diyos ko tulungan niyo kami" nasabi ko nalang tsaka nag sign of the cross.

"Nasa sa iyo ang sagot anak" Sabi niya..

Nasa akin? Pano?

Biglang may ala-alang sumagi sa aking isipan.

"Alam mo ba anak na ang pagdarasal ang sagot sa lahat ng bagay..Kung may nangyaring maganda sayo magdasal ka at magpasalamat sakanya, pag may problema ka magdasal ka at sabihin mo sakanya, pag may nangyaring hindi maganda magdasal ka sakanya..di siya magsasawang pakinggan ka-tayo dahil mahal niya tayo" Sabi ni mama..

"Sino po siya?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang ating butihing ama sa langit" nakangiting sabi ni mama.

"Si papa God Po?" Tanong ko sakanya.

Tumawa siya tsaka tumango.

Magdasal!

Tama magdasal ang sulusyon sa lahat ang sagot sa lahat.

"Mga kasama tayo'y magdasal sakanya!" Sabi ko sakanila.

Isa Isa kaming nag sign of the cross tsaka maghawak-hawak ng kamay.

Nagdasal kami ng nagdasal hanggang sa maging tubig nalang ang mga yelong bumabagsak..agad naman kaming nakahinga ng maluwag. Malapit na kami sa gate may lumitaw na naman sa harapan namin.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon