Kabanata XLI

2.5K 86 1
                                    

*Angela POV*

Today is the day that I'll end up our relationship knowing that it's our 1st monthsary..

I wish time stops..ayokong gawin to!! But I need too!!

Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan baka may makakita pa.

Nakakatampo rin kay Michael dahil first monthsary namin parang hindi man lang niya iyon naalala.

Papunta na ako ngayon sa cafeteria dahil lunch break na namin..

Nakapagtataka lang dahil pagkarating ko sa cafeteria puro bulong bulungan ang aking naririnig at minsan naman at tumitingin sakin.

"Ilusyonada kasi!!"

"Feeling niya siya talaga ang pipiliin ni King eh buti nalang bumalik na si Queen"

"Akalain mo umabot sila nang isang buwan"

"Assuming talaga!"

"Wala siyang binatbat kay Queen"

Isa yan sa mga naririnig kong mga bulong bulungan ng mga estudyante.

Kaya't napayuko nalang ako tsaka naghanap ng available pang table.

"Grabe yang Angela na yan!! Sukat ba namang akitin si King buti nalang andiyan na si Queen"  Sabi ng babaeng kadarating lang sa kabilang table malapit sakin.

"Girl wag kang maingay andiyan yung bruha oh!" Saway ng kaibigan nang babaeng kadarating lang.

So ako pala ang pinagbubulong bulungan nila kanina pa..

Napayuko nalang ako habang kumakain..

"Can we share this table together" Sabi ng pamilyar na tinig.

Napaangat naman ako nang tingin at napagtanto kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

It's Vincent Soriano.

My Ex.

"Long time no see Lala" Sabi niya sabay upo sa table ko.

He used to call me lala nung kami pa..but ngayon bakit yun parin ang tawag niya sakin?

"A-anong ginagawa mo d-dito?" Utal na Sabi ko.

"I want you back lala! I want you back to me again" Sabi niya.

Umiling lang ako..grabe ang tapang niya ha! He wants me back? Pero nung ako ang nagmakaawang bumalik siya sakin pinakinggan ba niya ako?

"Para sayo madali lang ang bumitaw at bumalik pero sakin hindi.. please lang Vincent nakamove-on na ako!! At isa pa may boyfriend na ako" Sabi ko sakanya.

"Boyfriend? Si Michael ba? Asan ba siya ngayon? Di mo alam diba? Andun siya sa reyna niya lala don't make yourself numb" Sabi ni Vincent..

No it's not true!! Sinisiraan lang niya si Michael sakin.

"H-hindi yan totoo" matigas na sabi ko dito..saka inayos na ang pinagkainan ko tsaka umalis na nang cafeteria.

Bakit ba siya bumalik pa dito?

Pumunta ako sa rest room tsaka naghanap ng available na cubicle..

Nang makahanap ako agad ko iyong sinara saka umupo sa toilet bowl at doon binuhos ang iyak ko.

Sino ba ang Queen na yan?

Bakit feeling ko may masamang mangyayari ngayon.

"Babe! I love you please don't do this to me! Tell me mahal mo pa ba ako" Narinig kong sabi nang babaeng kapapasok lang.

Grabe si ate girl ang tatag..

"O-oo" utal na sabi nang lalaki..tila natulala ako sa narinig..please kung panaginip man ito please gisingin mo na ako..ayokong masaksihan ang pagtataksil nang lalaking Mahal ko.

"Then break up with her!" Sabi nang babae.

"I will babe!" Sabi ng lalaki.

"I love you and happy birthday babe" Sabi ng babae.

"I love you too" sagot naman ng lalaki..

Maingat kong binuksan ang pintuan ng cubicle..gusto kong malaman..gusto kong makita kung siya nga ito.

Bigla ko nalang nabitawan ang bag na dala-dala ko dahil sa nakita ko..nagkalat pa nga sa sahig ang mga gamit ko.

Kasabay nun ang pagbuhos ng luha ko..I saw them kissing! And it's hurts, really damn hurts!

Nakita ko namang gulat silang tumingin sakin..kaya't tumatakbong dinaanan ko sila sabay labas ng rest room.

Umiiyak na pinahid ko ang luhang tumutulo sa mga mata ko..bigla nalang akong may nakabangga kaya't tumigil ako sa pagtakbo.

"S-sorry *sob*" Sabi ko sabay hikbi.

Bigla nalang akong niyakap ng taong nakabangga ko..

"Iiyak mo lang yan lala! Andito lang ako" bigla nalang bumuhos ulit ang luha ko..sabay yakap sakanya.

Habang umiiyak sa kanyang bisig ay biglang may pwersang humatak sakin palayo kay Vincent..

At nakita ko nalang na nakahiga na sa sahig si Vincent habang nagdudugo ang labi nito.

Agad akong lumapit papunta kay Vincent para alalayan ito sa pagtayo..ngunit di pa man ako nakakalapit biglang hinawakan ni Michael ang kamay ko..

"Ano ba! Bitawan mo ako!!!" Sigaw ko sakanya.

"Look baby! I'm sorry, please let me explain" Sabi nito kaya't agad ko itong sinampal.

"Minahal mo ba ako? O ginawa mo lang akong panakip butas dahil wala pa ang Reyna mo?" Umiiyak na sabi ko sakanya..nakita ko namang napayuko ito.

"Baby! It's not what you think" Sabi nito sabay hawak ng kamay ko..agad ko itong tinanggal sa pagkakahawak niya.

"Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko dahil nagpapaniwala ako sa mga kasinungalingan mo, bat hindi mo masagot ang tanong ko? Simple lang naman ang sasabihin mo eh! Kung Oo o Hindi lang naman!! Bakit mahirap bang sabihin iyon? Oh!!! I forgot pala! Happy Monthsary!!! *pumiyok* di mo naremember noh? Busy ka kasi masyado sa Reyna mo, And happy birthday narin pala ha! And as a birthday gift, simula ngayon di ko na kayo guguluhin pa kaya wag mo narin akong guluhin din..let's end this bullshit now! All this time ako lang pala ang one sided dito eh! Let's end this baby! Pinapalaya na kita" umiiyak na sabi ko sabay tumalikod sakanya at naglakad papalayo..

"Lala wait" narinig ko pang sigaw ni Vincent ngunit hindi ko na ito pinansin saka lumabas ng school.

Dahil sa gusto kong mapagisa bigla akong tumakbo ngunit sa di inaasahang pangyayari..

I found myself lying on the floor full of blood..tila namanhid ang buong katawan ko! At nakita ko pa ang nag aalalang mukha ni Michael habang palapit sakin..biglang nanlabo ang paningin ko hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon