Kabanata XXIV

3.1K 91 0
                                    

*Angela POV*

Bigla nalang may tumawag sa phone ko kaya't agaran ko itong sinagot kahit hindi pa nakikita kung sino ito.

"H-hello?" Utal na sabi ko saka suminghot.

"Baby? What happened? Why are you crying?" Nag-aalalang sabi nang nasa kabilang linya..

By hearing his voice makes me want to cry..

"Si papa kasi!!" Umiiyak na sabi ko dito.

"Hush now! Everything's gonna be alright okay!! Please don't cry! I'll be there just wait me" sabi nito.

Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita.

Ilang minuto ang nagdaan hindi pa lumalabas ang doktor mula sa silid ni papa..ni hindi pa nga dumarating si Michael.

Bat ba ang tagal pang lumabas ng doktor? Baka may nangyari nang masama kay papa.

Ilang sandaling paghihintay napansin ko ang pagbukas ng pinto kaya't napatayo ako.

Lumabas mula doon yung mga doktor at nurse.

"Dok ano na po ba ang kalagayan ngayon ng papa ko?" Nag-aalalang tanong ko dito.

"He's fine now Ms. De Hesus it's just an ordinary shock from the patient lalo na at kagagaling palang nito sa operasyon..ang maipapayo ko lang kailangan nating mag doble ingat lalo nat nag bleeding yung sugat niya.. kaya't inasikaso din agad namin..wala ka nang dapat ipag-alala ang gagawin mo nalang hintayin na magising ang papa mo..mauna na kami sayo" Sabi ni dok..saka umalis na.

Nakahinga naman ako ng maluwag..salamat naman at walang nangyaring masama kay papa.

"Baby what happened? Ayos na ba papa mo?" Sabi ni Michael pagkarating niya.

Dahil sa labis na tuwa napayakap ako sakanya.

"Ayos na si papa..ayos na ang papa ko" naiiyak sa tuwang sabi ko.

"Glad to hear that" Sabi nito habang nakayakap sakin.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang..gosh bat ko ba siya niyakap? Anong pumasok sa isip ko at ginawa ko ito? Nakakahiya! Baka sabihin nitong chansing ako.

Kakalas na sana ako sa pagkakayakap ko sakanya pero mas lalo niya itong hinigpitan.

"Ahm!! M-michael bitaw na" naiilang na utal kong sabi.

Bigla naman siyang napabitaw..hayy salamat naman.

"Sorry!" Sabi nito.

Awkward na ngumiti ako sakanya..gosh hindi ako makatingin ng diretso sakanya..bat ba kasi nakakaakit yung mga mata niya..

"Pasok ka!" Sabi ko saka pinapasok siya sa silid ni papa.

"So this is your father? The forgiven soul" Sabi nito nang makarating kami sa harap ni papa ngunit ko narinig yung huling sinabi nito.

"Anong sinabi mo?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"It's nothing" nakangiting sabi nito sakin kaya't napakibit-balikat nalang ako.

"Here I've brought you coffee, come on drink this nang mainitan naman lang tiyan mo" Sabi nito saka inilapag sa maliit na table ng silid ni papa..may mini sofa, mini fridge etc. kasi ang kwarto...remember VIP room ito.

Naupo ako sa isa sa mga couch ng silid na ito saka kinuha yung dala ni Michael..

Napatingin ako sa orasan ng silid at napagtantong alas 5 palang pala ng umaga.

"Bakit ka nga pala napatawag kanina?" Tanong ko kay Michael.

"Ahm.. may sasabihin sana ako not minding na baka tulog ka pa kaya't nagulat ako nung sinagot mo ang tawag ko nang umiiyak" paliwanag nito..napatango tango nalang ako..saka sumipsip sa mainit na kape.

Ilang sandali lang may tumawag sa cellphone ko.

Tiningnan ko kung sino ito at nakitang si mama pala ang tumatawag.

"Excuse lang ha!! Tumatawag kasi si mama" Sabi ko kay Michael..tumango lang ito saka ako tumayo at lumabas ng silid.

"Hello ma?" Sabi ko.

"Anak ano kamusta papa mo? Papunta na ako jan nagdala narin ako ng makakain natin ngayon" Sabi ni mama sa kabilang linya.

"Ahm kasi ma....inatake kasi si papa kanina pero wag kanang mag-alala ayos naman na siya sabi ng doktor" agarang sabi ko dito.

"Ano? O sige! Papunta na ako diyan" Sabi ni mama saka ako pinatayan..grabe lang..

~fast forward~

"Anak kamusta na papa mo? Ayos na ba siya?" Nag-aalalang tanong ni mama saka pumunta kay papa..kahit kadarating palang niya..lumapit ako sakanya.

"Oo nga mama! Wag ka nang mag-alala..ayos na ang kalagayan niya" Sabi ko dito kaya't kumalma naman ito..napatingin naman ito kay Michael na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Sino naman siya? Nobyo mo anak?" Sabi ni mama.

"Nako mama naman! Hindi noh! Schoolmates kami ahm Michael si Mama ko, Ma si Michael" pagpapakilala ko dito.. kahit kailan talaga si mama may pagkachismosa din..

"Nice to meet you ma'am" nakangiting bati ni Michael kay mama.

"Nako nahiya ka pa nak! Kamusta iho Tita nalang ang itawag mo sakin? Hindi ka ba pinahihirapan ng anak ko?" Nakangiting tanong ni mama kay Michael..gosh nakakahiya.

"I'm not yet her boyfriend" nakangiting sabi ni Michael.

"Nako naman kay bagal mo iho! Ang magandang katulad ng anak ko hindi na pinalalampas" Sabi ni mama..nako naman anong nakain ni mama at ganyan siya ngayon nakakahiya na grabe lang.

"Oo nga po!! Wag kayong mag-alala ang magandang dilag na nasa tabi ko ay magiging akin din" Sabi nito..gosh straight tagalog yun.

Bigla kong siniko si Michael kaya't napahawak naman ito sa parte kung saan ko siya siniko..lumapit ako sakanya saka bumulong.

"Ano bang pinagsasasabi mo jan? Baka maniwala si mama lagot ka sakin" inis na sabi ko saka pinanlakihan siya ng mata..bigla din siyang bumulong.

"Bakit? I'm just telling the truth" Sabi nito.. naramdaman ko namang nag-iinit na naman ang pisngi ko.

"Nako may pabulong bulong pa kayo Jan! Oh siya kain muna tayo mabuti nalang at marami akong niluto" Sabi ni mama saka inilabas ang mga niluto nito.

Pumunta naman kami sa mini sofa saka kinain yung mga niluto ni mama.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon