Kabanata XLV

2.7K 81 0
                                    

*Angela POV*

Bigla akong napabangon..woah buti nalang panaginip lang iyon.

Napahilamos nalang ako ng mukha..

Andito ako sa bahay..nasa kwarto ako kaya't napabangon ako at tiningnan ang buong bahay..

Maayos ang buong paligid..panaginip lamang ba ang nangyari kagabi?

Pumunta ako kina mama at nakita kong mahimbing pa silang natutulog..

Siguro nga panaginip lang ang mga yun.

Pero bakit andun yung lalaking yun? Bakit mas pinili kong saluhin yung sibat?
Sino ba talaga siya sa buhay ko? Bakit handa kong itaya ang buhay ko para sakanya?

Ilang sandali lang naramdaman ko ang pag uga ng lupa!

Lindol!

"Ma? Pa? Lumilindol!!!!!" Sigaw ko mula dito sa sala.

Mahina lang ito sa umpisa hanggang sa lumakas pa ito lalo..nagkanda hulog hulog na ang mga gamit namin..

Nakita ko namang palapit na sakin sina mama at papa..

Agad kong inalalayan si papa..

"Lumabas na tayo anak ilang saglit lang babagsak na ang bahay natin" Sabi ni mama.. kaya't tumango ako sakanya..tsaka inakay namin si papa palabas ng bahay..saktong pagkalayo namin sa bahay yun naman ang pagbagsak nito.

"Anak sabihan mo ang mga taong pumunta sa bukid" Sabi niya saaking isip.

Nakita ko namang nasa labas din ang mga kapit bahay namin maski Sina aleng Bebang.

"Mga kababayan!! Sa bukid Tayo!! Mas ligtas Doon" sigaw ko.

Patuloy parin ang paglindol ngunit walang may nakinig sakin.

"Please lang ho!! Ito ang sabi niya!! Sa bukid daw Tayo magtungo" Sabi ko..

"Hahaha sa gitna ng kalamidad na toh sa bukid mo kami papapuntahin? Aksya lang yan ng oras ilang sandali lang at huhupa din Ito" Sabi ng Isa.

"Maniwala kayo sakin..mas lalala pa Po Ito" pagmamakaawa ko.

"Dito lang kami!! At wag mo nga kaming mautos utusan diyan! Kung gusto mo kayo ang pumunta sa bukid" Sabi naman nito.

"Bat ba ayaw niyong makinig? Ako si Angela ang pure Saintliness na inutusan ng panginoon na sabihin sainyong lahat na siya ay babalik na!" Sabi ko dito.

"Aba't himala yata! Diba kinamumuhian mo noon ang panginoon bakit biglang nagbago ang ihip ng mundo mo ngayon? Dahil ba Yan sa pagkakabagok ng ulo mo sa bumangga sayong sasakyan? Aba't matindi ka din ah" Sabi ng isang lalaki.

"Kung ayaw niyong maniwala? Wala akong magagawa sinabihan ko na kayo ngunit hindi kayo nakinig..Diyos na ang bahala sa kapalaran niyo" Sabi ko saka nag-umpisa nang maglakad.

Nakita ko namang may sumabay din sakin na ibang pamilya..mabuti naman at may ibang nakinig sakin..at isa na sa mga pamilyang iyon ang pamilya ni aleng Bebang.

"Anak totoo ba lahat ng iyong sinabi" nagtatakang tanong ni mama.

"Oo naman ma! Kinausap niya ako! Darating na siya! Darating na ang tagapagligtas" Sabi ko..

Malapit lang naman samin ang gubat kaya't pumasok na kami doon..umakyat hanggang sa marating namin ang patag na bukid at doon namahinga..

Nakakalungkot mang isiping hindi man nagkalahati ang grupo ng pamilyang sumama sakin.. at least nailigtas ko sila sa panganib.

Ilang sandali lang nakarinig kami ng malakas na sigawan..

Kahit nasa bukid na kami naririnig parin namin ang sigawan ng mga ito.

Mula dito nakita namin ang pag-guho ng lupa, pagkabitak-bitak nito at nahati sa gitna ang lupa...makikita sa gitna ang napakalalim na bangin..

Diyos ko bakit nangyayari ito?

Ilang sandali lang biglang humupa ang malakas na lindol..

Makikita sa kinatatayuan namin ang malaking pinsala na dinulot ng lindol.

"Dito muna tayo mamalagi!! Ilang Oras lang mula ngayon siguro may tutulong na saatin." Sabi ko..

"Salamat Angela! Kung hindi dahil sayo baka isa na kaming bangkay ngayon" Sabi ng isang babae.

"Walang anuman Po! Tungkulin ko pong iligtas kayo at yun ang Sabi niya sakin..nagpapasalamat ako dahil kahit papano may nakinig sa sinabi ko..nakakalungkot man na hindi manlang nakinig ang iba saakin" Sabi ko sabay Yuko.

"Wag mong sisihin ang iyong sarili anak, ginawa mo lang ang dapat gawin! Sila itong hindi naniwala sayo! siguro'y yun ang naging kaparusahan nila dahil hindi nila sinunud ang paalala ng Diyos" Sabi ni mama saka ako niyakap.

Niyakap ko si mama ng mahigpit.

"Alam mo ba anak may isang anghel ang nagpakita sakin! Sinasabi niya doon na darating na siya..babalik na siya!! At alam kong ang pinahihiwatig nito ay ang ating panginoon, maging ang iyong ama ay ganun din ang naging panaginip" Sabi ni mama.

Kung gayon? Di totoo na panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi?

"Maging kami man ay ganun din ang naging panaginip" Sabi ni aleng Bebang..narinig ko namang sumang-ayon din ang lahat..

Mabuti naman at narinig nila ang sinabi ko kagabi..buti nalang at nakinig sila.

Ilang sandali lang narinig namin ang tunog ng mga paparating na eroplano..salamat at may dumating narin na tulong..

Ngunit yun ang inakala namin..

Umilngawngaw ang kakaibang tunog sa langit..kasabay ng paglindol ng malakas..

Mula sa aming kinatatayuan makikita ang pag-atras ng tubig dagat..

Tsunami!

Nagpanic na ang iba tsaka naghiwayan, tumakbo sa iba't ibang direksiyon ng bukid.

"Pumunta kayo sa mataas na bundok kung saan ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng iyong kinatatayuan" sabi niya sakin.

"Mga kababayan!!! Sa silangang bahagi tayo!! May mataas na bundok na kailangan nating akyatin" sigaw ko sabay akay kay papa tinulungan naman ako ni mama sa pag akay kay papa saka sabay na tumakbo papunta sa silangang bahagi.

Di kalayuan natanaw namin ang mataas na bundok.. nakita kong naguumpisa na ang iba sa pagakyat..

Nang makaakyat kami nakita namin ang napakataas na tubig dagat..ang bangis nito tingnan..

Bigla itong bumulusok sa lupa..naabot pa nito ang lugar na kinalalagyan namin kanina..hanggang sa bundok na inakyatan namin.

Diyos ko!! Tulungnan mo kami!

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon