Kabanata XLIII

2.6K 82 2
                                    

*Vincent POV*

"How is she?" Bungad na tanong ni Michael.

"Tulad parin ng dati" Sabi ko..

Gusto kong bumawi kay Angela at Michael..

Malaki ang naging kasalanan ko sakanila.

Una si Angela na hiniwalayan ko..Pangalawa si Michael na inagawan ko ng nobya..

At ngayon gusto ko silang maging masayang dalawa..kahit ito man lang ang magawa ko sakanila.

"D*mn it's my fault" Sabi niya sa kabilang linya..

"Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari Michael..walang may gustong mangyari ito sakanya" Sabi ko sakanya.

"It's my fault Soriano! It's all my fault..I'm too confused about my feelings to Trixie and her..nababagay ngang parusahan ako ng ganito..but it hurts! We end up breaking each other's heart! You know what really hurts on me it's the first and last time she calls me baby it damn hurts seeing her crying and it's too late for me to realize that she's the one I only loved..she is! I'm such a jerk, a bastard, an asshole" Sabi niya..

Tila naawa naman ako sakanya..parehas namin siyang minahal but we end up breaking her heart.

Narinig ko naman na suminghot singhot ito sa kabilang linya..is he crying?

Tumingin ako kay Angela..gulat ang rumihestro sa mukha ko ng makitang nag straight line bigla ang machine na nakakabit kay Angela..

"Oh my God" nasambit ko nalang.. binitawan ko ang cellphone na dala dala ko.

Agad kong pinindot ang red button at biglang umalingaw-ngaw sa buong kwarto ang isang tunog.

Bigla kong hinawakan ang kamay ni Angela.. nanginginig ang buo niyang katawan habang ang machine na nakakabit sakanya ay patuloy parin ang tuwid na linya.

"Angela please hold on!!" Sabi ko dito.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ng doktor..kasama nito ang ibang doktor pati mga nurse.

"Di ko Po alam dok..bigla nalang Po siyang nanginig at naging straight line ang machine na nakakabit sakanya." Sabi ko sakanila.

"Tumabi ka muna" Sabi ng doktor kaya't tumabi ako.

"Prepare for CPR now!!" Sabi ng doktor.

"Yes, dok" Sabi ng isang doktor.

Ilang sandaling pagpump nila kay Angela ngunit hindi parin bumabalik ang normal nitong heart beat.

"Ilang minuto na ba?" Sabi ng doktor sa isang nurse.

"1 minute and 30 seconds sir" Sabi ng nurse.

Ilang sandali lang may sinabi ang doktor na dalhin ang isang machine.

"It's ready sir" Sabi ng nurse.

Para siyang plantsa na hindi ko alam.

"200 joules" Sabi ng doktor..biglang may kinalikot ang nurse sa machine at nilagyan ng gel ang bagay na iyon.

Nakita ko namang hinubad nila ang damit ni Angela kaya't napatalikod ako.

Taim-tim akong nagdadasal habang nakatalikod kay Angela.

"Time of death....." Tila nagunaw ang mundo ko sa narinig.

~1 weeks ago~

*Michael POV*

"Tol nakikiramay ako" Sabi ni Rusty.

"Condolence tol" sabi pa ni dreck.

"Musta ang puso? Nakikiramay ako cap!" Sabi naman ni Dreaven.

Sinamaan ko naman ang tatlong ugok..sarap ibalibag sa sahig.

It's been one week since she's gone..

She's not in my arms again..

Kinalimutan na niya ako.

Matapos nung araw na inakala nilang patay na si Angela bigla nalang bumalik ang heart beat niya then kinabukasan nagising na siya..

I tried to talk to her but hindi manlang niya ako nakilala.

She remembered her family her friends, her ex even my friends ngunit ako lang ang hindi niya maalala.

Natatakot akong malaman kung pinili niyang kalimutan ako para sa kapakanan ng mundo..

Ngunit obvious naman eh!! She choose to save the world and choose to forgotten about our memories together.

It hurts but I need to accept her decision.

Pumunta ako sa hospital kung saan siya naka confine at doon nakita ang sweet gestures nila ng kanyang ex.

Sinusubuan pa nga niya ito eh!! At makikita sa mata nito na masaya siyang kasama ito.

Nakayukong umalis ako sa tapat ng room niya ngunit pagharap ko nakasalubong ko ang masamang tingin ng papa niya.

"Sir, pasensya na kung nagpakita ako sainyo..pero pangako po ito na ang huling beses na bibisita at makikita niyo ako" Sabi ko sabay lakad na palayo.

*Angela POV*

Simula ng imulat ko ang mata ko parang may nagbago.

Ok at naalala ko sila mama, papa, Vincent, Sina Rusty pero hanggang dun lang.

Feeling ko may kulang sa pagkatao ko.
Feeling ko may isang taong mahalaga sakin na nakalimutan ko.

At yung lalaki..bakit feeling ko gusto ko siyang yakapin..bakit pamilyar siya sakin kung kakakilala ko palang sakanya.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili.

At ang alam ko si Vincent ang Mahal ko..pero bakit parang hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko sakanya.

"Babe oh!! Itong mansanas" nakangiting sabi ko kay Vincent saka isinubo sakanya ang piraso ng mansanas..napansin ko namang may nanunood samin..ito yung lalaking weird.. yung lalaking dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ngunit hindi ko nalang iyon pinansin at itinuon ang tingin kay Vincent..pilit kong hinahanap kay Vincent ang nararamdaman ko noon sakanya ngunit wala!

"Wala na ba tagalang naaalala kay Michael, Angela?" Tanong ni Vincent.

Michael? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mabanggit niya ang pangalan na iyon? Katulad ng pagbilis ng tibok ng puso ko doon sa weird na lalaking nakatingin kanina.

Napatingin naman ako sa may pintuan ngunit wala na ang lalaki tila nadismaya ako ng mapansing wala na siya.

At naalala ko ang sinabi ng panginoon!

Ibabahagi ko ang mga narinig ko mula sakanya sa mga Tao..mga magagandang ginawa niya sa mundo.

"Alam mo Vincent---" panimulang Sabi ko dito.

"Ano?" Tanong nito.

"Alam mo nakausap ko ang panginoon" nakangiting sabi ko sakanya.

Tila nagpipigil naman siya sa pagtawa..sinasabi ko na eh!! Ayaw niyang maniwala..pero never give up Angela!! Kaya mo Yan!

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon