Kabanata IX

4.5K 122 1
                                    

*Angela POV*

Kinabukasan naging normal naman ang pag gising ko, no nightmares buti nalang kung ganon but knowing na nasa pamamahay pa namin ang tatay ko nawalan na ako ng gana.

Bagot na bumangon ako ng higaan saka naligo agad at nagbihis wala akong ganang makisabay sa pagkain sakanila..lalo nat andiyan yung kinamumuhian kong tao.

Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto..dere-deretso lang ako papuntang pinto ng biglang tinawag ako ni mama.

"Anak mag almusal ka muna bago pumasok sa school" Sabi ni mama.

Tumingin lang ako sakanya saka tinaasan ng kilay.

"Wala akong gana" tipid na sabi ko..magpapatuloy na sana ako papuntang pinto ng tinawag ako ng magaling kong tatay.

"Nak *cough* ito baon mo oh *cough*" Sabi nito habang umuubong lumapit sakin.

"No need!! Di ko kailangan ng pera mo! Baka kung saan saan mo lang yan nakuha" malditang sabi ko.

"Tanggapin mo na nak" Sabi nito sabay hawak ng kamay ko at inilagay ang pera doon.

"Sinabing ayoko e..di ka ba nakikinig..Ayoko nga!!" Sigaw ko dito saka tinapon ang perang binigay nito.

"Angela ano ba!!!!" Sigaw ni mama sakin.

"Here we go again..ako na naman ang Mali..langya lang" mapait na sabi ko sabay mura.

Padabog kong binuksan ang pinto saka malakas na sinara..

Bat ba ako nalang lagi..

Lahat ng kilos at galaw ko lahat mali sa paningin nila.

Wag nalang muna nating isipin ang mga nangyari ngayon..dahil late na ako sa school gosh..

Tumakbo na ako papuntang sakayan ng Jeep..

Pagkarating ko agad akong tumakbo papunta sa gate ng school..

Hayy kapagod.

Ay bat ba ako nagmamadali? Sinabi pala nun ni Sir na wag na akong pumasok sa klase niya pag late na ako..well kakain nalang muna ako sa canteen ng malagyan naman ng pagkain ang tiyan ko.

Pumunta na ako ng canteen tsaka bumili ng Presto my favorite biscuit..

Mga trenta nalang kasi ang pera ko na kinuha ko kanina sa alkansiya ko.

Naghanap ako ng table na malapit lang sa bintana..total kunti lang ang estudyanteng andito dahil class hour pa ng iba.

Kinain ko lang ang binili ko saka kinuha yung baon kong tubig sa bag..

Kinuha ko ang kuwaderno ko para sagutan yung assignment namin kahapon.

Bigla nalang may naglapag ng isang plato na may fried rice and egg sa mesa ko tsaka juice.

Napatingin naman ako sa taong dumating..

Si Michael pala.

"Eat that" Sabi nito.

"No thanks, okay lang ako total tapos na akong kumain" nakayukong Sabi ko dito.

"I know, but you only eat biscuits now eat that" seryosong sabi nito.

Wala akong nagawa kundi niligpit ang mga gamit ko tsaka kumain..

Di talaga mawala sa isip ko..Kung bakit nagiging ganito siya sakin..

Dati naman I'm certified nobody sakanya..but now everything has changed.

Hayy nako wag ko na ngang problemahin Yun..Basta ngayon makakain lang ako okay na..

Saktong pagkatapos kong kumain nagbell na hudyat na susunod na subject na.. kaya't dali dali akong nag ayos..

"Salamat nga pala sa pagkain ha!! Paano ba kita mababayaran?" Sabi ko kay Michael.

"No it's okay go on..baka malate ka pa" Sabi nito.

Michael why are you so mysterious?

Pumunta na ako sa susunod kong klase..di parin kami nag papansinan nili Mina at Mae.

Bahala sila diyan..

Pagka lunch break pumunta na muna ako ng canteen para bumili ulit ng biscuit.

Pupunta na sana ako ng cashier ng may pumarid sakin..

Aray ang sakit sa tuhod..narinig ko naman ang tawanan ng ibang estudyante..

"Now my dear fellow school mates why don't we gave this bitch a lesson" narinig kong Sabi ni Trisha sa mga estudyante.

Nakayuko lang ako. Ayokong makita ang mga ito na pinagtatawanan ako..

"Get ready your surprise guys I'm sure she'll love it" narinig ko pang Sabi ni Trisha.

Napataas naman ako ng tingin nakita kong may hawak na mga itlog, harina, spaghetti, juice at iba pa.

Nakita ko naman sa sulok na nakatingin lang sakin sina Mae at Mina ngunit ng tumingin ako sakanila nag iwas lang ito ng tingin.

Ito ba ang mga kaibigang inaasahan kong magliligtas sakin?

I don't think so!

Kasi kung tunay silang kaibigan kahit na nagtatampo sila sakin si nila ako hahayaang makitang ganito.

Are they really my friends?

Napayuko ulit ako at hinintay na itapon nila sakin ang mga hawak nila.

Naramdaman ko pa ang pagkirot ng tuhod ko.

Aray Naman.. nakita kong nagdudugo na ito huhu..

Naramdaman ko nalang na pinagbabato na nila ako ng mga hawak nila kanina.

Napaiyak naman ako..naaawa na ako sa sarili ko..I don't deserve this kind of treatment..

Naramdaman ko ang paninikip na naman ng aking dibdib at nahihirapan sa paghinga..oh gosh not now please!! Wag ngayon! Wag sa harap ng maraming tao.

Bigla nalang may nagbato sakin ng babasaging plato.

Tila namanhid naman ako. Ang naramdaman ko nalang ang pagtulo ng pulang likido sa ulo ko..

Guess it's my time to die.

Bigla nalang nanlabo ang aking paningin saka kinain na ng kadiliman.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon