Kabanata XI

4.4K 122 0
                                    

*Angela POV*

~Continuations of her dream~

Napamulat ako ng mapansing hindi ko na maramdaman ang malakas na hangin.

Nagulat ako ng mapansing nasa taas ako ng ulap..makulimlim na ulap at anytime pwede kang matamaan ng kidlat.

Nakarinig ako ng sigawan..mga taong humihingi ng tulong, tumatangis at umuungol dahil sa sakit na nararamdaman.

Hindi kalayuan sakin may ulap na gumagalaw at parang may nabubuo..Doon ko naririnig ang mga sigawan ng mga Tao.

Gustuhin ko mang tignan kung anong nangyayari.. ayokong umalis sa pwesto ko feeling ko kasi mahuhulog ako ng di oras dito paghumakbang ako remember nasa ulap ako.

"Tulong!!!!!!!!" Sigaw ng kung sino.

Labag man sa kalooban ko humakbang ako papunta Doon.

Napagtanto kong Isa itong ipo-ipo at nakikita ko kung paano tinukatuka ng mga malaking ibon ang mga tao para mahulog ito sa hole ng tornado..

Nakikita din sa dulo ng hole ng tornado ang kumukulong tubig..

My gosh!

Nakita ko pang nilipad ng malaking ibon ang babaeng buntis kanina saka ihuhulog Sana sa hole ng ipo-ipo.

No!!

Biglang binitawan ng ibon ang buntis dahilan ng pagkakahulog nito..nakita ko pa ang pagkakahulog nito sa kumukulong tubig sa baba at lumusong nang kalansay na..

Anong klaseng delubyo ito?

Nanlilisik na tumingin sakin ang malaking ibon na naghulog sa babaeng buntis kanina.

Gulat na tumingin ako sa ibon ng bigla itong sumugod sakin gustuhin ko mang tumakbo ngunit parang napako na yung paa ko sa kinatatayuan ko.

Nakarating na ito saakin saka inilipad ako papunta sa gitna ng hole.

No!! Ayoko!!

Bigla ako nitong binitawan dahilan ng pagkakahulog ko sa hole ng tornado.

NO!!!!!!!!!!!

Bigla akong napamulat..at napapikit ulit ng masinagan ng liwanag..

Napamulat ulit ako at nakitang nasa loob ako ng clinic..

Napatingin naman ako sa tabi ko ng maramdamang may nakahawak sa kamay ko.

Nakita kong si Michael pala iyon at natutulog.. nakahawak ang kamay niya sa kanang kamay ko at natutulog na nakaharap sakin.

Napatingin naman ako sa maganda nitong mukha.

Kung girl version lang ito malamang sikat agad Ito..inangat ko ang kaliwang kamay ko upang hawiin ang buhok na sagabal say maganda nitong mukha.

Napatitig ako sa mukha nito..grabe ang gwapo.

His pointed nose, thick lashes, makapal na kilay, malambot na pisngi na parang siopao wala ngang ka pimples pimples ito, maski white heads and black heads nahiya na sakanya his messy hair na nakadagdag appeal sakanya and lastly his thin and kissable lips natural na natural.

"Done checking me?" Biglang Sabi nito.

Nagulat naman ako at saka babawiin na sana yung kamay ko ng mahawakan nito ito at saka hinawakan.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagkirot ng sugat ko sa ulo.

"Are you okay? May masakit pa ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito.

"O-okay na ako" utal na sabi ko.

Nakakailang grabe.

"I've brought some food..here eat this" Sabi nito sabay kuha ng pagkain na nasa paper bag..

Ang social naman naka paper bag pa talaga.

Tinulungan niya muna akong umupo saka kinuha yung pagkain saka isinubo sakin.

"A-ako na Michael..Kaya ko naman na eh" naiilang na sabi ko..saka aagawin na sana sakanya yung kutsara ng inilayo lang niya ito sakin.

"No, susubuan kita sa ayaw at sa gusto mo" Sabi nito..Wala na akong nagawa kundi magparaya nalang.

Sinusubuan niya naman ako..minsan hindi ko malunok yung kinakain ko pano ba naman nakakailang na eh.

Inabutan naman niya ako ng tubig at malugod ko naman iyong tinanggap.

"May boyfriend ka na ba?" Biglang tanong nito.

Naibuga ko naman ang iniinum kong tubig.

Langya nakakahiya ka Angela.

May lumabas pa talagang Tubig sa ilong ko grabe.

Inabutan naman niya ako ng tissue.

"Sorry kung nagulat kita" Sabi nito.

"O-okay lang" nahihiyang sabi ko dito.

Nakakahiya.

"Anyways inexcuse na kita sa afternoon subjects mo dahil nga sa nangyari sayo ngayon..ako narin ang humihingi ng tawad sa ginawa ng mga estudyante sayo atsaka bilang kabayaran ako na maghahatid sayo sainyo para makapagpahinga ka at masigurong ligtas kang makakauwi..bibigyan narin namin ng parusa ang mga estudyanteng sangkot sa pangyayari kanina." Mahabang Sabi niya..grabe ako ang napagod sa tuloy tuloy niyang pagsasalita.

Hindi na ako nagsalita at ngumiti nalang ako dito.

Ilang sandali lang at dumating na ang nurse dala yung pinatuyo kong uniform.

I forgot may laundry room din pala dito dahil narin sa elite school ito yung mga damit na ginagamit ng mga estudyante like P.E uniform ay school na ang naglalaba at naglalagay sa bawat lockers.

And speaking of lockers yung punishment pala namin ako ang nakatuka sa lockers at buong gymnasium. Hayy buhay.

Agad kong kinuha sa nurse yung uniform ko saka sinabihan ako na pwede na akong lumabas ng clinic kaya't hinatid na ako ni Michael sa bahay.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon