Kabanata XLVI

2.7K 75 1
                                    

*Angela POV*

Napagpasyahan naming dito nalang muna sa taas ng bundok magpahinga dahil hindi pa humuhupa ang tubig dagat sa baba ng bundok na inakyatan namin.

Ilang sandali lang biglang humangin ng malakas.

Kaya't napatingin ako sa kalangitan..biglang nagdilim at bahagyang pumurma ng pabilog..

Tornado!

Mabilis ang pagikot-ikot ng hangin pati mga basura at tuyong dahon sa paligid.

Diyos ko ano na naman Ito?

Bigla itong lumakas kaya't may kanya kanya kaming hawak sa mga malapit na puno.

Napatingin ako sa iba na mababakas ang takot habang mahigpit na nakakapit sa mga punong kahoy.

Anong gagawin ko?

"Hanapin mo ang puno ng narra anak at dun kayo ay maliligtas..hawakan mo lang ang katawan nito at mag hawak kamay kayo upang hindi niyo mabitawan ang isa't-isa..Tandaan walang bibitaw ni isa sa inyo" Sabi niya kaya't nagkaroon ako ng pag-asa para mailigtas ang mga tao.

Napatingin ako sa paligid para hanapin ang puno ng narra na sinasabi niya..

Mula sa di kalayuan samin nakita ko naman ito..

Makikitang matibay Ito at hindi kayang mapatumba ng isang hangin.

"Mga kababayan sa punong narra na iyon tayo magtungo" sigaw ko sakanila sabay turo sa puno ng narra.

Nakita ko naman sa mga mukha ng mga ito ang pagsang-ayon.

"Hindi dapat tayo bumitaw sa isa't-isa.. kaya't walang bibitaw" Sabi ko sakanila.

Tumakbo ako palapit doon sa ngunit bigla akong napayuko ng mapansing may lumilipad na puno patungo sakin..

"Anak mag-iingat ka!!" Sigaw ni mama.

Tumingin ako sakanya saka ngumiti at tumango..nagpatuloy na ako sa pagtakbo at pilit nilalabanan ang hangin para hindi ako madala nito.

Pagkarating ko agad akong humawak sa katawan ng puno sabay hawak sa kamay ni papa habang hawak naman niya ang kamay ni mama..lahat kami hawak kamay at walang may gustong bumitaw.

Biglang mas lumakas pa ang hangin kaya't napahigpit ang hawak ko kay papa.

Napapikit ako dahil sa mga alikabok na pumapasok sa Mata ko..

Hanggang sa maramdaman ko nalang na humina ang ihip ng malakas na hangin.

Napamulat ako only to find out na napapalibutan kami ng isang barrier literally na barrier or shield..nakakamangha..

Para siyang transparent dahil nakikita namin ang mabilis na pagikot-ikot ng ipo-ipo..para lang kami nitong nanonood sa sinehan.

Nakita ko naman ang pagkamanggha ng iba..

Dahil sa kampante na sila na hindi na sila liliparin ng hangin bumitaw sila sa pagkakahawak.

Biglang bumalik sakanila ang hanging kasabay ng paganod nito sakanila papunta sa ipo-ipo..

"Ahhhhhh!!!!! Tuloooonnnngggg!" Sigaw ng isang babae.

"Ayoko pang mamatay!!" Sigaw naman ng Isa.

"Tulungan niyo ako!!!!" Sigaw ng Isa..

Lahat sila puro sigaw at paghingi ng tulong ang aking naririnig mula sakanila hanggang sa dinala na sila ng hangin sa ipo-ipo.

Ilang sandali lang biglang tumigil ang pag ihip ng hangin hanggang sa mawala na ng tuluyan ang ipo-ipo..

"Sinabi ko na sainyong walang bibitaw hindi ba? Bat ayaw niyong makinig! Sinabi niya sakin na pagkatiwalaan niyo ang kanyang salita ngunit binaliwala niyo lang" umiiyak na sabi ko.. sabay napa upo nalang sa lupa..

Feeling ko kasalanan ko ang nangyari sa mga taong iyon..

Wala akong kwenta!! Hindi ko manlang sila natulungan at nanood lang na kunin sila ng hangin..napakawalang kwenta ko!

"Anak tahan na!! Di mo kasalanan! Sila ang hindi nagtiwala sakanya siguro'y kanila na iyong kaparusahan" Sabi ni mama..sabay yakap sakin..umiyak lang ako sa bisig ni mama hanggang sa makatulog ako.

~dream~

"Anak gumising ka!" Narinig kong Sabi ng tinig niya kaya't napamulat ako.

Nasa isang napakagandang harden ako..no let me rephrase that paraiso..paraiso ang dapat itawag sa lugar na ito.

Mga mapayapang ibon na lumilipad at humuhuni..sariwang hangin at punong puno ng mga berdeng tanim.

Napakakalma at payapa ng paligid..nakakagaan sa pakiramdam..

"Anak!" Sabi niya kaya't napalingon ako sakanya..

Pigura niya'y tao ngunit hindi mo makikita ang physical appearance nito..parang buong katawan niya ay napapalibutan ng liwanag.

Purong liwanag..

"Anak wag kang palilinlang!! Iligtas mo sila!! Hanggat maaari wag kang kakain ng prutas na ibibigay nila..wag niyo iyong kainin" Sabi niya..tila kinabahan ako sa sinabi niya..anong prutas?

"Po?" Sabi ko dito.

"Nalalapit na anak!! Iligtas mo sila! Magtungo ka sa paaralang ito kung saan kayo ay ligtas" Sabi niya..

Kinabahan naman ako sa sinabi niya..
Malapit na!! Babalik na siya!

"Saan ko po matatagpuan Ang paaralang ito? Anong paaralan po ba ito?" Tanong ko sakanya.

"Itong liwanag na ito ang iyong magiging gabay patungo sa paaralang sinasabi ko!! Iligtas mo sila anak!! Umaasa ako sayong mapagtatagumpayan mo ang iyong misyon" Sabi niya sakin..

"Makakaasa po kayo ama!!" Nakangiting sabi ko dito..

"Aasahan ko yan" Sabi niya.. ngumiti lang ako tsaka tumango hanggang sa binalot na ako ng liwanag..

Bigla akong napamulat ng may maramdaman akong tumatapik sa pisngi ko.

"Kumain kana anak!! Tumulong ako kanina na maghanap ng sariwang prutas dito sa gubat kaya't tiisin mo muna itong mansanas na ito! Ito lang kasi ang nakita naming mansanas dito sa bundok" Sabi ni mama.

Kumunot ang noo ko..bigla nalang akong may naalala.

"Hanggat maaari wag kang kakain ng prutas na ibibigay nila..wag niyo iyong kainin"

Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni mama..

"Kainin mo na nak!" Sabi ni mama sabay bigay sakin ng mansanas..

Nakita kong kinuha niya yung kanya saka akmang kakagatin na sana ng agawin ko iyon sakanya.

"Anak ano ba!!" Sigaw ni mama.

"Ma!! Wag niyong kainin yan!! Mga kababayan wag niyong kainin ang kahit na anong prutas na kakainin niyo..di natin alam baka patibong ito ng mga dwmonyo" Sabi ko sakanila.

Nakita ko namang nagulat ang iba kaya't tinapon nila ang mga iyon.

Buti naman at nailigtas ko sila.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon