Kabanata XXVII

3K 89 0
                                    

*Angela POV*

Papunta na sana ako ng cafeteria nang may madaanan akong abandonadong silid.

Nakaramdam ako ng kakaibang presensya mula rito kaya out of curiosity pumunta ako sa silid na iyon.

Pagkarating ko doon sumilip ako ngunit wala naman akong makita..siguro guni guni ko lang yun.

Aalis na sana ako ng may marinig akong nag uusap sa likod ng silid.. kaya't sinundan ko ang boses na yun pamilyar kasi.

Napansin kong gubat na pala ang likod ng silid..

Tumingin ako sa nag uusap-usap at napasinghap ako at gulat sa nakita ko..napahawak ako sa aking bibig sa aking nakikita..anong klaseng nilalang na naman ito?

Nakatalikod sakin ang nilalang na may pakpak anghel ngunit ang kaibahan lang nito ay itim ang pakpak nito.

"I told you! Don't ever cause some risky things in my own territory... It's my territory and I don't even care if it's The Lord, I'm warning you if you hurt nor touch her, be careful with your acts you know the consequences on it" malamig na sabi ng nilalang na may pakpak..pero wow ha straight English yun dumugo ilong ko.

Nakita ko ang kausap nito.. katulad ito nung unang nakita ko.

May dalawa itong sungay at kulay dugong mata.

"Y-yes General" kinakabahang sabi ng kausap nito..tsaka nawala ng parang bula.

Napansin ko naman na aalis narin ang lalaking may itim na pakpak kaya't nagtago ako.

Sumilip ako at nakita ang pag pagaspas ng pakpak nito..Kay gandang pagmasdan..

Bigla nalang siyang naging flash na lumipad at hindi na makita kung nasaan na ito kaya't lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Pumunta ako sa lugar na kinaroroonan nila kanina at napansing may nahulog na balahibo nito.

Agad ko itong kinuha at sinuri..purong itim ito kung titingnan sa malayo ngunit kung makikita mo ito ng malapitan may nakapalibot ditong gold like pixies sa balahibo nito..kay gandang balahibo.

Agad ko itong itinago at maingat na inilagay sa notebook ko..

Gusto ko ulit makita ang maganda nitong pakpak..I wonder kung anong itsura nito!

It's my first time seeing a beautiful black angel..mayron kasi akong nakikitang angel actress and actor sa mga television ngunit white ang pakpak ng mga ito..well I've seen the real white angel nung nasa isang restricted room ako but for me this black angel is much more beautiful.

I can't wait to see it again!

Nagpatuloy na akong pumunta sa cafeteria at binili ang dapat bilhin.

Natapos ang maghapong pag-aayos sa booth namin and I must say maganda ang maging outcome..kahit konti lang ang kumikilos samin.

We made our booth simple but attractive..para makuha agad nito ang atensiyon ng mga estudyante.

Masaya akong natapos ang booth namin at pumunta ng gym para umpisahan narin ang pagiging P.A ko kay Michael..dumaan muna ako ng cafeteria tsaka bumili ng tubig.

Pagkarating ko nakita kong puspusan talaga ang training nila..naupo ako sa gilid at pinagmasdan silang maglaro.

Nakita kong pinagpapawisan na si Michael at mahahalatang pagod na ito pati mga kasamahan nito ngunit kailangan talaga nilang mag training ngayon.

Kinuha ko sa bag ko ang Mineral water na binili ko kanina bago pumunta dito..tsaka inilabas ang towel para sa pawis ni Michael.

"Focus kayo sa kalaban! Remember know their moves! And we'll take it as an advantage" Sabi ng coach nila na nasa gilid lang ng court..

Nakita kong na kay Michael na ang bola kaya't lumabas siya ng line tsaka tinira for 3 points..and shoot!!

Napanganga ako sa nakita..ang cool talaga niya.

Narinig ko naman ang sigawan ng mga cheerdancers...hala nandito pa pala sila.

"Okay, nice captain keep it up" sigaw ng coach nila.

Ilang sandali lang biglang pumito yung coach nila.

"Okay team! Break muna" Sabi nito.

Pagkarinig ko nun agad akong lumapit papunta kay Michael ngunit naunahan ako ng mga cheerdancers na may gusto sakanya.

Nag-uunahan pa sila sa pagbigyan ng tubig at towel kay Michael.

"Iba talaga si captain..daming chicks" Sabi ng ka teammates niya.

"Nakaka-ingit Naman!" Sabi pa ng isa.

"Tsk. Di na kayo nasanay..ohh hello Angela para sakin ba yan?" Sabi ni Rusty sakin.

Napangiwi naman ako sa narinig..hello!! Alam naman niya kung para kanino toh.

Kinindatan ako nito tsaka binigyan ako ng 'makisabay ka nalang look' at itunuro si Michael.

Napatingin naman ako kay Michael na ngayon ay nakakunot-noong nakatingin sakin.

"Ah!! Oo, ito oh! Binili ko yan para kay Michael total marami namang nagbibigay sakanya ibibigay ko nalang sayo" nakangiting sabi ko dito..tsaka lumapit at ibibigay na sana kay Rusty ng may humawak sa palapulsuan ko.

"That was supposed to be mine" malamig na sabi nito.

"Wag na! Kawawa naman si Rusty walang nagbibigay ng tubig kaya't ako nalang total marami namang nagbibigay sayo mukhang branded pa na tubig ang binili nila kaya kunin mo na" Sabi ko sakanya..at akmang ibibigay na sana kay Rusty nang inagaw niya ito mula sa kamay ko.

Nakita ko pa ang matalim na tingin nito kay Rusty at sa mga ka teammates nito na natatawa.

"Someone's jealous" parinig na sabi ni Dreaven.

"Syempre may magseselos..tingan mo oh, dismayado ang mga mukha cheerdancers kasi kinuha niya yung tubig ko kaysa sakanila"Sabi ko sakanila.

"Slow" Sabi ng kateammate nito na si Dreck..kakambal ni Dreaven.

"Hay nako napapaligiran tayo ng mga TORPE at MANHID" Sabi ni Rusty.

Di nalang ako umimik tsaka nag kibit balikat nalang.. ewan ko ba kung sinong tinutukoy nila.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon