Kabanata II

9.1K 180 2
                                    

*Angela POV*

"Baon ko" maikling Sabi ko kay mama.

May kinuha naman siya sa kanyang bulsa.

"Ito singkwenta pesos" Sabi ni mama.

"Singkwenta? Kulang pa yan ma!" Inis na sabi ko.

"Eh! Nak Ito lang kasi ang nautang ko kay aleng bebang kanina" Sabi nito.

"Akin na nga yan, nakakainis alis na ako" walang ganang sabi ko.

"Ingat sa daan nak ha!" Narinig ko pang sigaw nito..Hindi ko na ito pinansin tsaka naglakad na palayo..

Pumunta na ako sa University na pinapasukan ko..

'Heaven's Angel University'

Tssk.. Angels daw eh sa may pagkademonyo ang mga estudyante dito.

Sometimes I feel like this school is so mysterious.. really mysterious.

Nung unang tapak ko palang dito sa di maipaliwanag na dahilan bigla akong kinilabutan sa unibersidad na toh.

Ordinary lang tingnan but for me it's so so so mysterious.

Ilang buwan palang mula nung makapasok ako dito..but whenever I'm inside this school..feeling ko hindi ako komportable dito.

Pumasok na ako ng school and there I saw my friends..pareho kaming first year college.

"Angela" sigaw ni Mae.. Gosh, nakakarindi rin ang boses nito.

"Yow" bagot na sabi ko dito.

"Sama ka samin mamaya, pupunta kami ng church" nakangiting sabi ni Mina.

"Naah kayo nalang may lakad kami mamaya nila Nicole" Sabi ko sa mga ito.

"Uunahin mo pa ba ang Bar kesa sa Church? your unbelievable Angela" disappointed na sabi ni Mina.

"So what? Naniniwala kayo sa rebultong yun? Eh kahoy lang naman yun eh" inis na Sabi ko dito.

"Ngayon sinisiraan mo na ang panginoon..huh! Nakapagtatakang Angela pa ang ipinangalan sayo ng magulang mo" Sabi ni Mae.

"Eh sisihin niyo yung malandi kong nanay na yun" Sabi ko dito.

"Ngayon pati nanay mo tinatawag mo nang malandi..di na ako mag sisising isang araw kakainin mo rin lahat ng pinagsasabi mo ngayon.. remember di namimili ang karma" galit na sabi ni Mina..saka sila umalis.

"Tssk..mga OA" natatawang sambit ko.

"Hindi yun OA miss, what you said earlier hurt them.. especially you hurt our almighty God.. someday you'll regret what you said today remember that" Sabi ni Michael..my long time crush..

Wait did he just heard our conversation with my friends?

Gosh..your so stupid Angela.

Ano nang iisipin ng crush ko niyan?

Bwesit naman sina Mae eh.

"Oh!! Party na Angela!!bat nakabusangot kapa Jan?" Sabi ni Monique kasama nito si Nicole at Gretchen na kasama ang mga boyfriend nito.

"Nah, kayo nalang muna..uuwi na ako" Sabi ko sa mga ito.

"But kadarating lang natin dito" nagtatakang sabi ni Gretchen.

"Bye" maikling sabi ko..nawalan na ako ng gana knowing my crush see us kanina at narinig pa ang mga pinagsasabi ko.

Papalabas na sana ako ng may humawak sa kamay ko.

"Ano ba? Sino ka ba?" Inis na sabi ko.

"You don't remember me? ako lang naman ang tinulak at sinampal mo kagabi now get your punishment" Sabi nito saka hinawakan ang balikat ko ng napakahigpit.

"Ano ba? Nasasaktan ako" sigaw ko dito.

Ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

D*mn this man.

May humawak naman sa kamay nito kaya't napatingin naman kami dito.

"Bitaw pare, nasasaktan na siya" Sabi ni Michael..

"Oh the Saint is here.. Nasaan na ang bibliyang lagi mong dala" mapang-asar na sabi nito.

Seryoso lang itong tumingin sa lalaki.

"Bitawan mo siya" matigas na sabi nito..

Bumitaw naman ang lalaki saka lumayo.

Hinatak naman ako ni Michael palabas ng bar..

"Next time don't trouble yourself" Sabi nito saka iniwan ako sa labas ng bar.

Nakangiting hinawakan ko ang parte ng kamay ko kung saan niya ako hinawakan.

He's Michael Von Rodriguez a silent, serious, smart and a handsome guy.

Mayaman din siya kaya't kilala siya sa ibang school especially in our school he's really famous kaya't marami ding naghahabol sakanya.

Maraming humahanga sakanya dahil sa pagiging Maka-diyos nito.

Nang makauwi ako naghihintay si mama sa labas.

"Oh anak halika na kanina pa kita hinihintay sabay na tayong kumain" nakangiting sabi nito.

"Wala akong gana..kumain ka mag-isa mo" malditang sabi ko dito.

"Eh nak nangangayayat ka na oh" Sabi nito.

"PAKE MO BA?" Sigaw ko dito.

"May pake ako nak nanay mo ko" Sabi nito.

Napatawa naman ako ng pagak.

"Really? Kung hindi dahil sa kalandian mo di sana andito pa si papa kasama natin" galit na sabi ko dito.

"Ilang beses ko bang sasabihin to sayo anak..may nag set up sakin kaya ganun ang nakita ng tatay mo" Sabi nito.

"Kahit ilang beses ka pang magpaliwanag diyan malinaw nang Ikaw ang nangaliwa sa inyong dalawa ni papa kaya iniwan niya tayo iniwan niya ako sayo" umiiyak na sabi ko..

"Anak makinig ka naman sakin" nagmamakaawang sabi nito.

"Letcheng buhay to" galit na sigaw ko..sabay pasok sa kwarto ko at dun binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Anak mamaya na ako kakain Ikaw na muna kumain dun" narinig kong Sabi ni mama sa labas ng kwarto ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman kong wala na siya sa labas ng kwarto ko kaya't inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon