Kabanata IV

5.4K 156 0
                                    

*Angela POV*

"Aleng Bebang pwede pautang muna ng gamot sa trangkaso, your Bioflu po" Sabi ko kay aleng Bebang.

"Nako ikaw Angela sabihin mo sa mama mo puno na ang listahan ng utang niya kailangan niyo nang magbayad" Sabi nito.

"O sige po pero pautang na muna ng gamot ibahin mo lang sa listahan wag mong ililista sa mga utang ni mama ako magbabayad ng mga utang ko" Sabi ko dito.

"O sige basta paalalahanan mo mama mo ha" Sabi nito..sabay bigay ng gamot.

"Opo, Salamat po dito" Sabi ko sabay umuwi ng bahay..

Pagkarating ko sa bahay tahimik parin siguro nagpapahinga na si mama sa kwarto niya..

Dali dali akong kumuha ng isang basong tubig saka inilagay sa mesa katabi nito ang inutang kong gamot..siguro maya maya iinumin na yan ni mama.

Agad akong lumabas ng bahay saka nagmadaling pumunta ng school dahil late na ako.

Pagkarating ko sa room late na nga ako..

"Give me a valid reason Miss De Hesus why your late?" Tanong ni Sir.

"Uhm may sakit po kasi mama ko kaya bumili pa po ako ng gamit sir.. sorry po for being late to your class" nakayukong sabi ko.

"Well palulusutin ko ang sinabi mo but next time if your late again in my class don't you ever enter this room again understand?" Sabi ni sir.

"Yes sir" nakayukong Sabi ko.

"Now take your seat" Sabi nito kaya't umupo na ako sa upuan ko.

Pagkaupo ko..narinig ko namang bumulong si Mae na katabi ko lang ng upuan..

"Psh Sinungaling" narinig kong sabi nito.

"Anong sinabi mo? Di ko kasi narinig eh!" Sabi ko dito.

"Wala!!" Nasabi nalang nito.

Pssh galit parin sila..so what kung galit parin sila..like duh di lang sila ang mga friends ko.. friends ko ang mga bitches ng school.

Nang mag break na agad akong pumunta ng canteen..

Dahil sa walang ibinigay si mama na pera para pambaon naman lang nag tiis muna ako sa bente pesos na natitirang baon ko.

Bumili lang ako ng biscuits at kinain para pampalipas gutom lang..

Hirap maging Mahirap..
Oo mahirap lang kami..dalawa nalang kaming naiwan ni mama..si mama naglalabada..ako nasa isang private school nag-aaral..yes private school ang Heaven's Angel University..all students came from a rich family..mga kilalang tao ang mga magulang nila kaya't hindi na ako magtatakang sobrang sosyal ng school na toh..Nagtake ako ng scholarship nila and luckily nakapasok ako..thanks to my smart brain..

Papunta na sana ako ng room namin ng may marinig akong nag uusap-usap sa isang room na nadaanan ko.

"She's such a liar..pinaniwala niya tayong mayaman siya" Sabi ng isang pamilyar na tinig.

"Oo nga biruin mo ginawa pa tayong mga tanga" sabi pa ng isang pamilyar na tinig.

"Baka lumalapit lang siya satin para sumikat at magawa lahat ng gusto niya..such a bitch" Sabi ng pangatlong pamilyar na tinig.

Dahil sa dakilang chismosa ako tiningnan ko kung sino sino ang mga ito.

It's Nicole, Monique and Gretchen.

"That Angela girl is a fame whore" Sabi ni Nicole..so ako pala ang pinag-uusapan nila.

Nakatulala lang ako sa harap ng room..so ngayon mga back stabbers na pala sila.

Pagbukas ng pinto nagulat naman sila ng makita ako ngunit napalitan din agad iyon ng ngisi.

"So the bitch is here" nakangising sabi ni Gretchen.

"Bakit anong ginawa ko sainyo?" Naguguluhang sabi ko sakanila

"Anong ginawa mo? Well bitch ginawa mo lang naman kaming tanga at pinaniwalang mayaman ka like us" galit na sabi ni Monique.

"Eh sa hindi kayo nagtanong eh" Sabi ko dito.

"Oh and one more thing  nabalitaan kong iniwan kayo ng tatay mo dahil sa naguwi ng lalaki ang nanay mo." Nakangising sabi ni Nicole..napakuyom naman ako ng kamao.

"Bawiin mo ang sinabi mo" galit na sabi ko dito.

"Bakit natamaan ka? Malandi ka nga rin katulad ng nanay mo inaakit si Fafa Michael para makuha ang gusto mo..you know like mother like daughter parehong malandi" nakangising sabi ni Nicole.

"Ang mga katulad ni King Michael ay nababagay lang sa mga katulad din niya so don't you dare flirt with him..langit siya lupa kalang kaya lumugar ka" Malditang sabi ni Monique.

"Kaya ikaw malanding Angela, mang-akit ka ng iba not Michael..tumulad ka sa nanay mong lahat pinapatos" nakangising sabi ni Gretchen..

Letse namumuro na ang mga Ito..

Agad ko silang sinugod saka..pinag sasabunutan at sampal.

Ang unfair naman sa part ko dahil isa lang ako tatlo sila.

"This is my first warning to the three of you..in a count of three get lost here" malamig na sabi ng tinig sa likod ko..

Napatingin naman ako kung sino ito..si Michael.

"One!" Pagbibilang niya..

"Kasi King Michael" kinakabahang sabi ni Nicole.

"Two! Get lost" sigaw nito.

Agad namang nagtakbuhan ang mga Ito.

"Next time don't trouble yourself.......again" Sabi nito saka iniwan ako ng mag-isa.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon