Kabanata XLII

2.6K 81 0
                                    

*Third Person's POV*

"A-asan ang anak ko?" Nag-aalalang sabi ng ama ni Angela nang makarating ito sa ospital kung saan siya dinala.

Napatayo naman si Michael at Vincent na naghihintay sa labas ng operating room nang dumating ang mga magulang ni Angela.

"Patawad po! Ako po ang may kasa------" naputol ang sasabihin ni Michael nang bigla siyang sinapak ng ama ni Angela.

"Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko Michael! Gustuhin ko mang bugbugin ka ngayon dahil sa araw araw mong pagpapaiyak sa anak ko ngunit di ko magawa dahil malulungkot siya pag ginawa ko yun sayo..nakakadismaya ka!" Umiiyak na sabi ng ama ni Angela.

"I'm sorry sir! I'm so sorry" paghinging patawad ni Michael.. habang nakaluhod sa harapan ng ama ni Angela.

"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang anak ko? Sobra ka naming pinagkatiwalaan na hindi mo sasaktan ang anak namin dahil nakikita namin sa mga Mata nito na masaya siya sayo! Ngunit ito lang ang isusukli mo? Hindi ko na alam kung pagkakatiwalaan pa kita sa anak ko" Sabi ng ama ni Angela sabay upo sa mga upuan.

"Gustuhin man kitang sampalin ngayon, suntukin, sabunutan ngunit di ko magawa tinuring na kitang anak Michael..ngunit sa ginawa mo sa anak ko saksi kami sa kanyang pag-iyak lalo nat tuwing gabi na lagi siyang umiiyak nang hindi namin alam ang dahilan..ngunit sa ngayon mas mabuting wag ka munang magpakita kay Patricio" Sabi ng naman ng Ina ni Angela..

Napayuko nalang si Michael sa narinig.

*Angela POV*

Nasaan ako? Bakit sobrang liwanag dito?

Nasa langit naba ako? Patay na ba ako?

Pano Sina Mama? Papa? Si Michael?

"Saintliness" Sabi ng isang tinig.

"Sino Yan?" Sigaw ko.

"Our lady Saintliness" Sabi ng tinig.

Bigla nalang may narinig akong kakaibang himig.

Biglang nagsitayuan ang aking nga balahibo sa naririnig na himig.

Ang trumpeta.

Pinatunog na nila ang trumpeta..bigla nalang nagbukas ang isang gintong tarangkahan sa likod ko..

Humakbang ako hanggang sa makapasok ako only to find out where I'am.

Heaven's Angels University.

Bakit andito ako? Bakit yung unibersidad ang nakikita ko dito?

Biglang nagliwanag lalo hanggang sa maaninag ko ang mga nilalang na may mga pakpak..hugis tao ang mga ito.

Anghel?

Tama anghel nga!

"Hallelu~ Hallelujah~" kanta ng mga ito.

Kay sarap pakinggan ang mga tinig nito..parang lullaby sa aking pandinig.

Nakakarelax, nakakagaan sa pakiramdam, nakakawala ng problema.

"Welcome our lady Saintliness" Sabi ng mga Ito.

Napakarami nila..di ko mabilang kung Ilan.

Parang walang hanggan na ang bilang ng mga ito.

Sa gitna ay mas lumiwanag pa..nakita ko ang pagyuko ng mga anghel bilang pagbibigay galang.

"Almighty Father" Sabi ng mga ito.

Nagulat naman ako sa narinig..He is the Almighty Father! He is the Almighty God.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ngayon ang poong maykapal ang naglikha ng lahat.

"Saintliness, the time has come! You need to choose" Sabi ng malambing na tinig. And I know it comes from him.

" Ano pong pagpipilian ko?" Naguguluhang tanong ko dito.

"Kailangan mo nang mamili anak, ang iligtas ang mundo o piliin ang pagmamahal mo sa aking anghel..kapag pinili mong iligtas ang mundo lahat ng iyong alaala sakanya'y mawawala at kapag siya naman ang iyong pinili magpapatuloy ang bawal niyong pag-iibigan na magiging dahilan kanyang kaparusahan" Sabi niya.

"Ngunit ikaw na mismo ang nagsabi na lahat ng tao ay may karapatang umibig kahit pa ito at bawal"

"Inaasahan ko nang yan ang sasabihin mo anak ko, ngunit sa ngayon kapakanan ng mundo ang aking iniisip..lumalaganap na ang mga masamang gawain sa mundo..sinisira na nila ang mundong pinaghirapan kong likhain..at nakakalimutan na nilang bumisita sa aking tahanan..kailangan ka ng mundo anak, ibahagi mo sa kanila ang lahat ng iyong mga nasaksihan at  narinig..sabihin mo sakanilang nalalalapit na ang aking pagdating at nakasulat sa libro ng rebelasyon ang mga mangyayari nawa'y maintindihan mo ako anak..kailangan ka ng mga kapatid mo!! Kailangan ka ng buong mundo"  mahabang pahayag niya..

Tila natauhan naman ako sa narinig.

Kailangan ako ng mundo! Kailangan ako ng lahat!

I'm sorry Michael but I have to do this kahit na Wala nang tayo..ngunit umaasa akong minahal mo talaga ako dahil nakikita ko yun sa mga Mata mo.

Malakimutan man kita ngayon di ka naman makakalimutan ng puso ko..

"Tinanggap ko po!" Walang pag-aalinlangang sabi ko.

"Kung gayon! Humayo ka at sabihin sa lahat ang tungkol saaking pagdating..Ikaw ang aking anak..Our Pure Saintliness" sabi niya hanggang sa napalibutan ako ng liwanag kasabay ng pagkawala ng alaala ko sakanya at pagbalik ng kaluluwa ko sa katawan ko.

*Vincent POV*

1 buwan nang comatose si Angela..at hanggang ngayon hindi pa siya nagigising..

Andito ako sa kwarto niya dahil ako muna ang pinabantay nila tita sakanya..umuwi muna sila sakanila dahil halos araw araw sila ang nagbabantay kay Angela.

Napatingin naman ako kay Angela na ngayon ay mahimbing na natutulog.

Para siyang anghel kung matulog..Ang tanga ko at hiniwalayan ko pa siya noon..I have my reason naman kasi eh! I know it's common but di niyo ako masisisi it's for her own good kaya nagawa ko yun.

My father is a politician at nalaman niya ang relasyon namin ni Angela..

He blackmailed me. Pinagbantaan niya ang buhay ni Angela kaya't wala akong nagawa kundi ang hiwalayan siya dahil narin sa may naka arrange marriage na pala sakin at yun ay si Trixie Santiago..ang girlfriend ng best friend kong si Michael..ayaw ni dad na mapahiya lalo na at kandidato siya sa paparating na eleksiyon.

And yes I'm one of those who knows about angels..at alam ko rin na isa si Michael at ang mga kaibigan ko doon ako lang ata ang tao saamin.

"Kailan ka ba magigising Angela?" Tanong ko dito..as always wala namang may sasagot dahil tulog pa si Angela.

Bigla nalang nagring ang phone ko kaya't sinagot ko ito.

"How is she?" Bungad na tanong ni Michael.

"Tulad parin ng dati" Sabi ko..

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon