Kabanata XVIII

3.6K 112 2
                                    

*Angela POV*

Gabi na at naabutan na ako ng pag-sasara ng library..

Yung guro ko kasi kaninang umaga si Mr. Reyes pinagagawa​ ako ng report na ididiscuss ko bukas na bukas din.

Kaya't mabuti nalang na walang klase ang panghuling subject namin kay Ms. Cruz  dahil sa emergency meeting nito at ang lahat ng teacher..kaya't agad akong pumunta sa library at hinanap ang topic na ididiscuss ko bukas..para walang hassle.

Kinuha ko ang mga mahahalagang impormasyon sa paksa na aking tatalakayin at nagbasa narin para sa karagdagang kaalaman ng nasabing paksa.

Dahil sa naabutan na ako ng pag-sasara sa library inayos ko na ang mga gamit ko madami naman na akong nabasa at nakuhang kaalaman sa tatalakayin ko bukas kaya walang problema.

Sa aking paglalakad sa madilim na pasilyo ng school..

Bigla akong nakaramdam ng kilabot.
Feeling ko may nanonood sakin.

Biglang humangin ng katamtaman ngunit mararamdaman mo ang lamig na dala nito na nakapagpakaba at nakapagpakilabot sakin lalo.

Nakita kong di kalayuan sa kinatatayuan ko may isang nagliliwanag na silid..

Ano iyon?

Hindi iyon pangkaraniwang liwanag na mula sa mga ilaw.

Mas maliwanag pa ito kasya sa ilaw.

Dahil sa kuryosidad tinanggal ko ang sapatos na suot ko!! Maingay kasi ito lalo na at may takong.

Nakapaang naglakad ako sa silid na iyon.

Nasa isang room pala ako na hindi na ginagamit pa.

Huli na ng malaman kong bawal pala ang mga estudyante dito..kung hindi ko lang nakita ang sign nito.

Ito yung restricted area na kahit na sinong estudyante hindi naglakas loob na pasukin..

May mga gawa gawang istorya pa ito na may namatay daw na babae jan..nagmumulto ang babaeng iyon at pag may napapadaan dito sinasabi nilang may umiiyak na babae at humihingi ng tulong..

Kahit natatakot sinilip ko ang butas.

Gulat na napahawak ako sa aking bibig.

Ano?

Hindi?

Hindi sila totoo!

Bakit?

Nananaginip yata ako!

Come on Angela your just dreaming, wake up!

Well nakita ko lang naman ang nakatalikod na nilalang na anyong tao ngunit natatangi ang pakpak nitong puti sa likod nito na parang balahibo ng dove.

ANGEL!!

Nakita kong hawak nito sa leeg ang isang nilalang na may dalawang sungay sa ulo at kulay dugong mata.

Paano?

Bakit ko nakikita ang pangyayaring ito?

Bakit andito sila sa lupa?

Dahil sa gulat napaatras ako at hindi inaasahang maapakan ang di na ginagamit na bubungan.

Agad akong nagtatakbo bago pa ako maabutan ng nilalang na iyon.

Habang nagtatakbo ako napapatingin ako sa likod ko..

Bigla may sumalubong sakin..di ko maaninag kung sino ito dahil sa madilim na kaya't nagsisigaw ako.

"BITIWAN MO KO! KYAAHH BITAWAN MO AKO HALIMAW KA" Nagsisigaw na sabi ko habang nakapikit.

Natatakot ako, I can feel my knees are trembling..

"Hey it's me! Baby it's me!" Sabi ng pamilyar na tinig..si Michael.

"M-michael?" Utal na tanong ko.

"Yes it's me baby it's me! Don't be scared I'm here" Sabi nito sabay yakap sakin.

Napa-iyak nalang ako sa takot at kaba habang nakayakap sakanya..I feel safe in his arms.

"Hush now baby, tell me what happened?" Tanong nito..

"H-halimaw! Halimaw" pang-uulit na sabi ko.

"Your just hallucinating baby, hush now there's no monsters..if there is? I'm here, I'll protect you" Sabi nito.

"Pero------" naputol ang sasabihin ko ng magsalita agad siya.

"I'll take you home, come on" Sabi nito saka ako inalalayan.

Gustuhin ko mang kiligin ngayon mas nangingibabaw ang takot at kaba sa nakita ko.

Nang makarating kami ng kotse niya inalalayan niya akong sumakay hanggang sa pinaandar na niya ang kotse.

I feel sleepy!

Hindi ko mapigilang mapahikab..kaya't napatingin sakin si Michael.

"Go on sleep baby, I know your tired" Sabi nito.

Bigla akong napayuko ng mapansin na kanina pa pala niya ako tinatawag na 'baby' gosh nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko..

Napatingin nalang ako sa may bintana saka sumandal sa upuan..napapikit naman ako hanggang sa kinain na ng kadiliman at dinala sa dream world.

~dream~

"Anak gumising ka!" Sabi ng isang di pamilyar na tinig ngunit napakagaan nito sa pakiramdam.

Bigla akong napamulat at napagtanto kung nasaan ako ngayon.

Nasa tuktuk ako ng isang burol..napakapayapa dito..tahimik, presko at Magaan sa pakiramdam.
Malayo sa mausok, madumi at maingay na lugar.

"Anak!" Sabi na naman ng tinig.

Lumingon lingon ako sa bawat direksiyon ngunit wala akong makitang tao na tumatawag sakin.

"Anak, ako'y magbabalik na! Bigyan mo ng babala ang lahat! Babalik na ako na siyang huhukom sa lahat" Sabi nito..tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso sa aking narinig.

Hindi ko magawang makapagsalita.
Naisin ko mang magsalita ngunit tanging pagbuka lang ng bibig ang aking nagagawa.

"Sabihin mo sa lahat! Humayo ka at ibahagi sa lahat ang iyong narinig" Sabi nito.

Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nahuhulog kawalan.

Bigla akong napamulat at napansing madilim pa sa labas.

Andito na pala ako sa kwarto ko.

Tiningnan ko ang oras at nakitang alas 4 na ng umaga kaya't nag-ayos na ako..saka pumunta ng kusina para magluto ng umagahan.

Bibisitahin ko muna sina mama sa hospital at dadalhan ko narin ng pagkain.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon