Kabanata XXX

3K 101 0
                                    

*Angela POV*

~Here comes the new and beautiful player of Angel's Team~

Sabi ng announcer!! Kailangan pa bang i-announce? Nakajersey ako ng volleyball team with it's short volleyball shorts..pinahiram din ako ng ibang player ng sapatos and pinusod ko ang buhok ko..

Our volleyball uniform is a maroon color kaya't lumabas ang tinatago kong kaputian..

Pagkapabas ko narinig ko ang mga singhap at sipol ng mga estudyante.

Pumunta muna ako sa coach nila.

"Pano niyo nalaman na naglalaro ako ng volleyball mag-isa?" Tanong ko dito.

"Mamaya ko na sasabihin now go to your team..good luck Ms. De Hesus I'm counting on you" Sabi nito sakin kaya't tumango nalang ako.

It's our serve kaya't nag serve na ang nakatukang magserve samin..

Matalim na nakatingin sakin ang captain ng kabilang team kaya't nginitian ko lang ito na mas nakapagpagalit dito.

Napunta sa kanila na ang bola kaya't naghanda ako..

Akmang i-spike na sana ng captain ng kabilang team ang bola papunta sa mukha ko ng madepensahan ko ito sabay spike ng malakas..and boom kami na ang lamang narinig ko pa ang sigawan ng mga ka schoolmates ko.

"Ang galing mo Angela!" Sigaw ng kung sino man..natigil ang sigawan ng ibang estudyante ng marinig ang sumigaw..

Hinanap ko kung sino ito..it's Timothy!! Wait? Bakit sakin siya nag cheer eh kaschool mate niya yung kalaban namin..

Bigla nalang tumalim ang mga tingin ng mga players ng kabilang team sakin.

Nako naman!!

"Okay good, good" sigaw ng coach ng team namin..hay nako itong coach nila hindi ko maintindihan..kanina nakaupo lang ngayon kung makasigaw parang hindi naririnig ng mga player.

Minutes ago 23-24 na and kami ang lamang 1 point nalang panalo na kami.

Sakanila ang bola and advantage na maaring sakanila mapunta ang puntos..but I won't let that happen..as long as I'm part of this game I won't let them win this game..the coach is counting on me and I'm returning the favor.

Nang mapunta na samin ang bola muntik nang hindi iyon masalo ng mga ka co-players ko..buti nalang nagslide yung isa sa sahig para hindi lumapat ang bola dito..ang taas ng pwersa ng pagkakapalo ng kamay siya sa bola dahil nasa ere ito ngayon.nang pababa na ang bola naghanda kami para maspike ito.

At dahil papunta ito sa direksiyon ko tumalon ako ng mataas diretso malakas na ine-spike yung bola papunta sa kalaban..kita ko ang pagdepensa nila sa bola ngunit tumagos ito sakanila.

And boom..panalo kami..muntik nang sa labas lumanding ang bola but sinabi ng nagbibigay ng score inside daw kaya't panalo kami..Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi ko..

Sa wakas I made this team won today.. narinig ko pa ang sigawan ng mga ka schoolmates ko..

Nakakagaan lang sa pakiramdam.

"Thank you Ms. De Hesus hindi nga ako nagkamali sa pagpili sayo" Sabi ng coach ng Angel's Team.

"Walang ano man..nagpapasalamat din ako sainyo dahil binigyan niyo ako ng pagkakataong makapaglaro man lang" Sabi ko dito.

"Kung gusto mo sumali ka nalang sa team namin" Sabi ng coach.

"Oo nga mukhang malakas ka nga kesa samin..Ikaw nga itong laging nakapuntos kanina" Sabi ng isang player ng Angel's Team.

"Sumali kana..total you have those potential na maging member namin" Sabi naman ng isa.

"Maraming salamat sa mainit niyong pagtanggap sakin ngunit pag-iisipan ko pa ang pagsali sa team niyo" sabi ko.

"Ayos lang, hihintayin namin ang sagot mo..at umaasa kaming sasali ka sa grupo" Sabi ni coach.

Masaya ako at naintindihan nila ako..masaya ko silang pinagmamasdan na masayang tumatanggap ng pagbati sa mga ka schoolmates namin.

Bigla nalang akong may naramdamang may nagtali ng jacket sa bewang ko para matakpan ang legs ko.

"Tinitingnan ng mga kalalakihan ang legs mo and I don't like their stares it's like hinuhubaran ka na nila sa kanilang paningin" Sabi ni Michael..habang hawak inaayos ang pagkakatali ng jacket sa bewang ko.

Kinuha niya yung towel na nasa balikat nito saka pinunasan yung pawis ko sa noo tsaka ipinatong iyon sa balikat ko..

Inabutan niya ako ng tubig kaya't malugod ko iyong tinanggap..kanina pa ako uhaw eh!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Seriously? Ganyan agad Ang tanong mo?" Di makapaniwalang sabi nito..

Nagkibit balikat lang ako.

"Di ba pwedeng thank you naman Lang" Sabi nito.

"Thank you!" Maikling sabi ko.

Nakita ko pa ang pagseryoso ng tingin nito.

"Hey Angela, congrats di ko inaasahang kasali ka pala sa volleyball team" Sabi ng papalapit na si Timothy.

Napansin ko naman ang paglapit ni Michael sakin tsaka hinapit ang bewang ko palapit sakanya.

"Salamat, di naman talaga ako kasali sa volleyball team nagkataon lang na ako ang ginawang substitute" Sabi ko dito.

Ayy teka nakalimutan kong ipa-explain kay coach bat niya alam na naglalaro ako ng pasekreto ng volleyball..mamaya ko nalang sasabihin sakanya.

"Baby let's go!! There are lots of Germs surrounded on us.. especially on you" Sabi ni Michael..saka ako hinila.

Germs? Nakikita niya?

Hindi na naman ako nakapag paalam kay Timothy..itong lalaking to kasi nanghihila na naman.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon