Kabanata XLVIII

2.8K 85 1
                                    

*Angela POV*

Malapit na kami sa gate may lumitaw na naman sa harapan namin.

Apoy na ipo-ipo..oh my!! Diyos ko anong gagawin namin?

Bigla kaming napa atras at humigpit ang pagkakahawak ko kay papa nang bigla nalang kaming nakaramdam ng mainit na hanging dinadala kami.

"Mga kasama humawak kayo sakin..sabay sabay nating labanan ang pagsubok na ito" Sabi ko sakanila..tumango naman ang iba at ang iba nag dadalawang isip pa kung hahawak sila samin o hindi.

"Hindiiiiiii!!!!!" Sigaw ko ng makitang tumakbo sila at mula dun hinabol sila ng ipo-ipo..kinuha namin ang pagkakataon na yun para makapasok sa paaralan kung saan nagsimula ang lahat ng misteryong nangyari sakin.

Pagkarating namin nakita namin ang libo libong mga nilalang na may pakpak ng anghel na nagliliwanag.

Ngunit isa lang ang naka-agaw pansin sakin..

Ang isang itim na anghel na may mala diyos na kakisigan at kagwapohan.

*Third Person's POV*

Nang makita niya ang nag isang anghel na kakaiba sa lahat..

Bigla nalang sumakit ang ulo niya kasabay ng pag pakita ng mga ala-ala niya.

"M- Michael" utal na sabi niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.

Ngumiti ito sakanya kasabay ng pag ugong ng napakalakas na tunog..

Napatingin sila sa gate ng school at doon nakita ang pitong anghel na nasa ere hawak ang mga trumpeta nito at sabay sabay na pinatunog.

Nanindig ang balabibo ni Angela sa kanyang nasaksihan at narinig..nakita din nila sa di kalayuan ang pagdilim ng langit sa kabilang parte at doon makikita ang mga demonyong sumusugod papunta sakanila.

Ilang sandali lang biglang may sumigaw sa kanilang kinalalagyan.

"Maghanda ang lahat! Handa!!!!!!! Sugoooooooddddd!!!" Sigaw ni Michael.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" Sigaw ng mga anghel kasabay ng paglipad nila at pagbulusok ng mga ito sa kinalalagyan ng mga kalaban.

Samantalang nanatiling nakatitig si Angela kay Michael na ngayon ay nakatitig din sakanya.

"Hi Angela!"  Pagbati ni Rusty kay Angela..nasa orihinal na anyo ang mga ito..Ang anyong anghel.

Ngunit hindi siya pinansin ni Angela bagkus ay nakatitig parin ito kay Michael.

Lumapit si Michael sakanya..

"Why? Bakit mo ginagawa Ito? Pwedeng umatras ka nalang diba?" Umiiyak na sabi ni Angela.

"Baby I have too!! I have to prove him that we Angels can love and be loved" Sabi nito.

"You don't have to risk yourself on this! Paano Kung may mangyaring masama say? Paano kung kunin karin niya sakin? Paan-" natigil ang sasabihin ni Angela ng bigla siyang hinalikan ni Michael..

Napapikit nalang siya at tumugon sa halik ng kanyang iniibig.

"I'll be back! Babalik ako sayo" Sabi niya..

Umiyak lang si Angela sabay yakap bg mahigpit kay Michael.

"Tara na tol! Baka maubusan tayo ng kalaban oh" Sabi ni Rusty.

"I'll be back I promise" Sabi ni Michael sabay lipad papalayo kay Angela.

Pagkarating nila sa gitna ng laban may mga kasamahang nasawi sakanila ngunit mas maraming kalaban ang nasawi.

Agad silang sumugod sa mga kalaban pang papalapit.

Tinutulungan naman sila ng mga Archer Angels na nakapalibot sa buong Heaven's Angels University at pinapana ang mga kalabang papasugod sa paaralan.

Ilang sandali lang biglang kumidlat kasabay ng pagbuka ng lupa ang pag daan ng ipo-ipo at pag buhos ng yelo mula sa langit.

Everything is so unreal.

*Angela POV*

Napatingin ako kay Michael na ngayon ay nakikipag laban.

This happenings! Nakita ko na ito dati!

Ito yung time na sinalo ko ang sibat na tatama na sana kay Michael.

Habang abala ang lahat sa pakikipaglaban at pag tatago ng mga kasamahan ko agad kong ibinilin muna kay aleng Bebang si papa para puntahan si Michael.

Ayokong mangyari ang nasa panaginip ko..ayokong makitang mawawala sakin si Michael.

Tumakbo ako papunta sa mga naglalaban Laban..

Di nila ako napansin dahil may kanya kanya silang kaharap..kumuha ako ng espadang nahulog sa sahig at nakipaglaban sa mga kalabang papapit sakin.

Kakaiba ang itsura nila..di ko kayang tingnan. Nang matapos kong kalabanin ang mga iyon kaagad kong hinanap si Michael.

Nakita ko siyang nakikipaglaban at mula doon nakita ko di kalayuan sa pwesto niya may isang kalaban na nakatutuk na ang sibat nito sakanya kaya't bago pa man nito bitawan ang sibat tumakbo na ako para saluhin ang sibat.

Binitawan nito ang sibat kaya't mas binilisan ko ang pagtakbo..agad kong iniharang ang matawan ko upang saluhin ang sibat at wag tumama kay Michael. Paharap at akmang yayakapin ko na sana si Michael mula sa likod nito nang mapasinghap nalang ako ng maramdaman ang pagbaon ng patalim sa likod ko..

"Noooo!!!!!" Sigaw ni Michael sa likod ko..kaya't napatingin ako dito bigla niya akong niyakap kasabay ng pagpaulan samin ng mga palaso..

Michael got hit by those arrows.

Tumigil na ang pagpapaulan ng palaso samin at katahimikan ang namayani sa paligid namin.

Napaangat ako ng tingin at doon nakita ang mga mga Mata nitong kay sarap pagmasdan.

"A-ayos ka lang? Hm?" Utal na tanong ko sakanya.

"I love you baby" Sabi nito kaya't napapikit ako nang maramdaman ko ang hapdi ng nakabaong patalim sakin.

"I love you too" ganting sabi ko sabay titig sa mga Mata nito.

Naramdaman ko nalang ang paghalik nito sa noo ko..

Sumunod sa mga mata ko..

Muntik na akong matumba dahil sa panghihina.

Hinalikan niya ako sa pisngi..

Sumunod sa tungki ng ilong ko..

Doon na bumigay ang tuhod ko napaupo kaming pareho dahil sa panghihina at nararamdamang sakit.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko tsaka inilapit ang mukha sakin..

Napapikit nalang ako hanggang sa maramdaman ko ang malambot nitong labi sa labi ko.

I love this man..very much.

And I'm hoping na mula sa kabilang buhay magkasama kami..at doon masaya kaming mamumuhay ng kami lang walang hadlang.

Sabay kaming napahiga sa lupa, nagtitigan at magkahawak kamay na hinihintay ang mga sandaling mawalan na kami ng hininga..

Napatingin ako sa langit na makulimlim hanggang sa doon nakita namin ang pag liwanag ng buong kalangitan..

Wala sa sariling napapikit ako hanggang sa hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko..

Mahal kita Michael!
Hanggang sa muli Mahal ko!

______________________________________________

Sorry if natagalan ang update! Hope you enjoy it guys.

Thank you!

Ms. Winter Rose







Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon