Kabanata VIII

4.7K 129 0
                                    

*Angela POV*

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay agad na akong bumaba sa kotse at tumingin sakanya.

"Salamat pala sa paghatid Michael" sabi ko dito.

Ngiti lang ang isinukli nito..

"Sige na umuwi ka narin" Sabi ko dito..

Kaya't nakangiting tumango lang Ito sakin saka pinaandar na ang kotse..

Tumalikod na ako saka papasok na sana ng may tumawag sakin..

"Angela" Sabi ng isang tinig.

Napalingon naman ako sa likod ko at dun nakitang Hindi pa umalis si Michael at lumabas ito ng kotse.

Naglakad ito palapit sakin..saka hinalikan ako sa noo..

Napatulala naman ako sa ginawa nito.

Gosh.. Michael Von Rodriguez your making my heart go crazy..crazy inlove with you..charot.

Nakangiti naman siyang humarap sakin saka tumalikod na at bumalik sa kotse nito at pinaandar hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.

Wala sa sariling napahawak ako sa noo ko kung saan niya ako hinalikan..

Nakangiting binuksan ko ang pinto ng bahay namin..

Ngunit nawala agad ang ngiting yun ng makita ang bisita namin.

"Anong ginagawa ng lalaking yan dito?" Galit na sabi ko kay mama.

"A-anak kasi..di ka ba masaya bumalik na papa mo" masayang sabi ni mama.

"Masaya? Mas masaya ngang wala siya sa buhay natin eh" galit na sabi ko.

"Angela!!!" Babalang sabi ni mama..

I roll my eyes..grabe..paano niya natanggap agad ang lalaking yan.

"Bakit ka pa bumalik ha?" Naiinis na sabi ko.

"Anak *cough* andito ako para makasama kayo *cough* kahit kaunting panahon nalang ang nalalabi sakin nais kong makasama kayo ng mama mo *cough* " Sabi nito habang ubo ng ubo.

"Bakit mamamatay ka na ba?" Malditang sabi ko.

"Angela wag ka namang magsalita ng ganyan sa papa mo" malumanay na sabi ni mama sakin saka inalalayan si papa..binigyan pa nito ng tubig dahil sa pag ubo nito..such a best actor.

"Anak may sakit akong lung cancer *cough* anim na buwan nalang ang natitira sakin *cough* Kaya pagbigyan mo nalang ako" Sabi nito.

"Kala ko ba matagal mamatay ang masamang damo" malditang Sabi ko.

"Angela yang bibig mo" sigaw nang sabi mama..napatingin naman ako dito at saka binigyan ng pekeng tawa.

"Bakit? Eh totoo naman..bakit sayo ma, okay lang na nangaliwa din siya tapos babalik din sabagay pareho pala kayong nangaliwa" galit na sabi ko.

~paaaaaakkkkkkkkkkkk~

"So ngayon pinagbubuhatan mo na ulit ako ng kamay..diyan ka naman magaling pa ang pahirapan kami..akala mo hindi ko alam na noon pa man niloloko mo na si mama..nagplano pa kayo ng kabet mo na iset-up si mama para akalaing may lalaki ito...pero ikaw din pala itong may iba..mas mabuti ngang mamatay ka nalang ng matahimik na buhay namin dito." Sigaw ko dito.

~paaaaaakkkkkkkkkkkk~

Langya nakakadalawa.

"Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang papa mo Angela papa mo parin siya, kadugo mo parin siya" sigaw ni mama sakin.

"Bakit parang pati sayo okay lang yung ginawa niya ma? Bakit agarang tinanggap mo ang isang tulad niya na walang ibang ginawa kundi mangiwan satin..isang sorry lang niya okay na sayo agad ikaw itong mabilis na niloko ngunit mabilis mo rin itong pinatawad..Yan ang hirap sayo ma eh! Sa sobrang bait mo kahit sinaktan ka na patuloy ka paring nagpapatawad" umiiyak na sabi ko Kay mama.

"Ang Diyos nga pinatawad tayo sa mga kasalanang nagawa natin ang papa mo pa kaya! Anak alam kong hindi madaling magpatawad ngunit subukan mong patawarin ang papa mo..may sakit siya!! Kailangan niya ng suporta ng pamilya at tayo yun" Sabi ni mama.

"Pamilya? May ibang pamilya yan diba? Bakit pinalayas ba siya ng kabit niya at dito ang naisipang takbuhan ng tulong..Diyos? Kung may Diyos nga sa mundong Ito bakit niya hinayaang maging ganito tayo? Maging ganito ang mga tao?" Sabi ko.

"Anak kinain ka na nga ng galit mo..bakit mo nagagawang pagsalitaan ng ganyan ang panginoon" umiiyak na sabi ni mama.

"Bat ba nagpapaniwala ka jan ma? Rebulto lang yan..kahoy lang yang sinasamba niyo" galit na sabi ko.

"Hindi na ako magtatakang magpapakita sayo ang panginoon..at baguhin ang ugali mo" Sabi ni mama.

"Anak tama ang sinasabi ng mama mo" singit na sabi ni papa.

"Wag kang makikisabat sa usapan na may usapan pwede" malditang sabi ko.

~paaaaaakkkkkkkkkkkk~

Tatlo na..

"ANO BA??" Sigaw ko.

"Umayos ka nga Angela, tatay mo yan" sigaw ni mama..

"Anak humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko siguro itong sakit ang kabayaran sa lahat ng ginawa ko sa inyo at nararapat lang na pagdusaan ko ito" Sabi ni papa.

"Dapat lang" malditang Sabi ko dito.
Saka pumuntang kwarto..

"Angela bumalik ka dito!!" Narinig kong sigaw ni mama ngunit di ko na iyon pinakinggan saka malakas na sinara ang pinto ng kwarto..

Pumunta ako sa papag kung saan ako natutulog at doon umiyak ng umiyak..ayokong makita nilang umiiyak ako..

Crying means your weak kaya't hanggat maari ayokong umiyak sa harapan nila..ayokong makita nila kung paano ako maging mahina.

Iyak lang ako iyak hanggang sa makatulog ako.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon