Kabanata XVI

3.7K 117 0
                                    

*Angela POV*

"Get inside!!" Sabi ng pamilyar na tinig.

Napatingin ako sa nagmamaneho nito..

It's Michael my loves, my savior, my everything charot.

Syempre papakipot pa ba ang lola niyo eh gwapo na ang lumapit kaya sumakay na ako hirap na baka ma turn off pa ang aking sinisinta.

Habang nasa biyahe walang nagsasalita samin..grabe parang ang awkward naman ang sitwasyon namin ngayon..nagsusulyapan lang kami tapos pag nahuhuli ng tingin umiiwas agad.

Nang nakarating kami sa tapat ng bahay ko bababa na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko..saka umupo ulit.

Napayuko muna ito saka tumingin ng deretso sa mata ko.

"Ahm..kahit anong mangyari, kahit ano pang malaman mo always remember that I'm always here for you" nag-aalalang sabi nito.

"Bakit? May kailangan ba akong malaman?" Nagtatakang tanong ko.

"No..I mean, arrggh promise me you'll trust me okay?" Sabi nito.

Kahit naguguluhan pilit na tumango nalang ako.

Ano ba ang kailangan kong malaman?

May tinatago ba siya sakin?

"Say it promise me whatever happens you'll trust me" Sabi nito.

"I-I promise" utal na sabi ko.

Bigla ako nitong hinila palapit sakanya at naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi nito sa noo ko.

"Thank you" Sabi nito.

Gosh nagiinit ang pisngi ko kaya't napayuko ako at lumabas na ng sasakyan nito.

Napahinga ako ng malalim ng makalabas ako ng sasakyan nito.

Gosh hinalikan ako ni Michael my loves.

Nakita kong umalis na ito kaya't pumasok na ako ng bahay.

Bat ang tahimik naman dito?

Walang nakabukas na ilaw.

Asan na sila mama?

Pagkabukas ko ng ilaw tahimik na bahay ang bumungad sakin..minsan kasi pag nakakauwi ako maingay ang bahay dahil sa nakabukas ang luma naming TV dahil sa panunuod ni mama ng mga paborito nitong teleserye.

Bigla nalang may dumating ang kapitbahay lang pala namin.

"Iha wala ngayon ang mama mo isinugod kanina ang papa mo sa ospital dahil umatake ang sakit nito kanina" Sabi ni aleng Charing.

"Saang hospital po ba?" Tanong ko Kay aleng Charing.

"Sa Colver's Heavenly Hospital" Sabi niya.

Agad-agad akong tumakbo palabas ng bahay tsaka naghanap ng taxi.

Wala masyadong tricycle ngayon dahil sa papagabi na kaya't taxi nalang.

Nang makarating ako ng Hospital agad kong tinanong sa nurse kung nasaan ngayon ang papa ko.

"Nurse alam niyo ba kung asan ngayon si Patricio De Hesus?" Tanong ko sa nurse na in charge sa information desk.

"De Hesus po ba ma'am? Kasalukuyan po siya ngayong nasa emergency room" Sabi ng nurse.. kaya't dali dali akong pumunta doon.

Nakita kong maraming tao dito sa emergency room kaya't hinanap ko agad kung asan sila mama.

Nakita ko naman agad sila na nasa sulok lang ng emergency room.

Pinuntahan ko agad sila, nakita kong natutulog pa si papa saka si mama na tulalang nakatingin sakanya.

"Ma! Ano daw ang sabi ng doktor?" Tanong ko dito.

"Anak andito ka pala!! Okay na daw sabi ng doktor pwede na daw tayong umuwi bukas" masayang sabi nito..ngunit alam kong pilit lang Ito.

Sumeryoso bigla ako..I really hate liars.

"Anong sabi ng doktor?" Seryosong sabi ko dito.

"Ahm kasi anak......"

"Ano??" Sigaw ko dito..dahil sa maingay at maraming tao ngayon ang emergency room kunti lang ang nakakuha ng atensiyon sa pagsigaw ko.

"Kasi anak, hindi lang lung cancer ang sakit ng papa mo sira na ang isang bahagi ng atay nito kaya't kailangan itong tanggalin agad kailangan niyang maoperahan agad sa lalong madaling panahon dahil kung hindi baka mas lalong lumala ang sakit nito" Sabi nito..agad naman akong napahilamos agad ng mukha.

Kung ooperahan siya saan naman kami kukuha ng pera?

Nako Naman!!

Bakit pa kasi bumalik samin ang lalaking yan kung problema lang rin ang dala.

"Anak, wag ka nang mag-alala ako nang bahala sa gastusin dito sa ospital basta't pagbutihin mo ang iyong pag-aaral" Sabi nito.

"Kung ikaw lang ang kikilos satin para sa gastusin dito saan ka naman kukuha nun eh baon ka na nga sa utang mo kay aleng Bebang eh!! Isa pa malaking halaga ang pagpapaopera kay papa" Sabi ko dito.

Bat ba kasi problema nalang lagi ang dala ng lalaking Yan.

Kung hindi siya bumalik di sana hindi kami namomroblema ng ganito.

"Maghahanap nalang muna ako ngayon ng part-time maaga pa naman babalik ako mamayang alas 10 ng gabi" Sabi ko sabay kuha ng envelope ko na may laman na resume ko na nasa bag.

"Sige..ingat anak" Sabi nito ngunit hindi ko na ito pinansin tsaka tumalikod na palabas ng emergency room.

Nako naman..ngayon doble kayod pa ako sa pag tatrabaho.

Nakakainis!!

Hayy buhay!!

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon